40 - Embarrass

1.3K 46 9
                                    

Letth's POV 

Naghahanda na ko ng gamit ko ng biglang pumasok si Jm sa kwarto ko. Wow naman, uso kumatok no. 

"Wala kang balak isama kami?" Nakasandal siya sa may pinto habang pinapanuod akong nag-iimpake.

Niyaya ko nga kasi sila Jam na magswimming diba? At luckily pumayag ang mga bruha. Kaya naman napagdesisyunan naming doon na magpalipas ng isang linggo tutal free naman kami. Binigyan kami ng break dahil next next week, simula na ng pageant.

"Wala. Pwera nalang kung babae kayo." Nag-ring ang phone ko at pangalan ni Dendo ang bumungad. Ano? Kukulitin na naman ako neto? Tss

Hinayaan ko lang yun at nag-impake na ulit. Maaga pa kami bukas.

"Okay." Sabay sara niya sa pinto. Akala ko mangungulit pa siya. Buti naman at madali siyang kausap.

Maya maya lang tumigil narin si Dendo sa pagtawag. Buti naman at napagod siya. I checked my phone and i saw 66 missed call plus 102 messages. Ganito ba sila kasabik sumama sa swimming? Tss parang isang linggo lang eh.

"Wow, tinawagan pala ako ni Penyx." I just smiled.

Bakit ganun? Bakit nawala yung fast heart beat na nararamdaman ko sa tuwing nakikita at binabanggit ko yung pangalan niya? Weird.

Bago ako matulog, chineck ko muna si Jm. P-para ano, para sure na hindi sila sasama bukas. Mga iniisip niyo.

"Himbing ng tulog.." Bulong ko sa sarili ko. Dahan dahan kong sinara ang pinto para hindi siya magising.

Naglakad ako pabalik sa kwarto ko ng namalayan kong nakangiti ako.

"Anong nginingiti-ngiti mo jan Letth?" Pagtataray ko sa sarili ko.

Na-aabno na ata ako. Kainis ha! Psh, hindi naman siguro ako nakangiti kasi nakita kong naka topless siya diba? Hindi naman diba?

Pumasok na ko sa kwarto ko at pinilit na matulog.

"Ahhhhhhhh!" Sigaw ko habang nakatakip ng unan ang mukha ko.

Kanina pa ko pagulong gulong dito sa kama ko pero waepek, hindi talaga ako makatulog. Sino bang nag-iisip sakin jan!?

Napagpasyahan kong tawagan sila Jam pero hindi ko sila ma-contact. Wow, mga excited sa swimming. Lahat na sila tinawagan ko pero wala paring sumasagot.

Dahil bored ako, naisipan kong gumawa ng kalokohan. Hihi. Nilapag ko sa mesa ang phone ko at naghanap ng pentel pen.

"Asan na ba yun?" Pinaghahagis ko na yung mga gamit sa drawer makakita lang ng pentel pen. "Got it!" Sabay ngiti ko ng nakakaloko.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa room ni Jm. I need to do this no, para man lang makaganti sa kanya! Lalo na sa pagkain niya sa pagkain ko!

Binuksan ko ang pintuan at isinara itong mabuti. Nakangiti akong lumalapit kay Jm. Hahaha naiisip ko palang yung magiging reaksyon niya grabe, parang di ko kakayanin. Hahahaha!

"Tulog mantika ka. Psh." Umupo ako sa kama niya at sinimulang gawin ang kalokohang nasa isip ko.

Sinulatan ko siya ng smiley face sa noo niya.

"Pftt." Pagpigil ko ng tawa. Paano ba naman kasi biglang kumunot yung noo niya. Hahaha, trinry kong magsulat sa kamay ko at naramdaman kong malamig sa balat yung pentel. Haha kaya naman pala.

"Here we go.." Bulong ko.

Magsusulat na sana ako ulit sa mukha niya ng gumalaw siya at sa kasamaang palad nadali ako ng kamay niya.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon