93 - Confrontation

1.1K 39 17
                                    

Jm's POV

"Hubby! Let's eat c'mon, i'm starving." Hindi ako nagsalita. "Sheira is not around so i'm alone. Let's eat together okay?"

Naiirita ako sa presensya niya. Ayoko talaga sa mga babaeng papansin. Hindi ba uso sa kanya ang maging feminine?

"Hubby let's go."

"Ikaw nalang. Wala akong gana." Inilagay ko ulit sa tenga ko ang earphone pero hinatak ulit to ni Aera.

Damn, she's getting in my nerves. Kanina niya pa ko ginugulo. Nagpalipat pa siya ng section para daw makasama niya ako palagi at mabantayan. Sa pagkakatanda ko hindi ko naman siya girlfriend.

"Let's eat." Matigas na pagkakasambit niya.

Kung hindi niya lang ako pinagbantaan na hindi ko na makikita ang magiging anak ko hinding hindi ko siya pagtatyagaan. Likas na mautak talaga si Aera, mahirap isahan.

Kinuha ko ang gamit ko at nauna nang naglakad palabas.

"Hubby be nice to your wifey. Ikaw din," Bulong niya sakin nang mahabol niya ako. Ipinulupot niya agad ang kamay niya sa braso ko. Kahit na naiirita ako, wala naman akong magagawa.

Naalala ko na naman yung nakita ko kanina sa library. Hindi maalis alis sa isipan ko yun. Gusto ko lang naman sanang i-check kung maayos ba ang lagay niya. Tss, hindi ko naman inaasahan na ganun ang maabutan ko.

Hindi ko rin alam kung bakit nag-aalala pa ko sa babaeng yun. Kung tutuusin dapat wala naman akong pakialam na sa kanya eh. Tss.

"Where are we going? Lumagpas na tayo sa canteen."

"Tss."

Tinanggal ko ang kamay niya na nakapulupot sa braso ko at nauna ng pumasok sa cafeteria. Dun ako pumwesto sa dati naming pwesto. Naabutan ko sila Ralph na kumakain din kasama si Penyx at Justin.

"Andito na pala si tigas." Hindi umimik si Penyx at Justin. Patuloy parin sila sa pagkain. Parang babae din pala magtampo tong mga to eh. Gusto pa suyuin.

"You," Turo ni Aera kay Ralph. "Me?" Tanong ni Ralph. Tumango si Aera at hinila ang kwelyo ni Ralph. "Gwapo ka naman eh so you sit beside Penyx. Gusto ko ako lang katabi ni hubby."

"Woah woah woah! Hubby? Ayos yan! Lakas niyo maka Leah at Clark." Nakangising sambit ni Ralph.

"Whatever. Hubby you make order na. I'm tired."

Hindi ko siya pinansin. Napako ang tingin ko kay Letth na may kasamang lalaki. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko siya kilala.

Sila na ba? Kailan pa?

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon