12 - Spin the bottle

3.1K 80 8
                                    

Kyna's POV

Bakit ba ganun si Jam? I-i mean parang galit siya sakin. Huhuhu wala naman akong ginagawang masama eh. Nagkwekwento lang naman ako. Tsaka sinabi ko lang naman yung ugali ni Kuya Jm. Huhuhu parang lahat nalang sila ayaw sakin.

"Wag kang magdrama. Hayaan mo lang siya. Continue." Utos sakin ni Letth. 

Dahil sa mabait ako nagkwento na ulit ako. Buti pa si Letth, kahit medyo mataray sakin di parin ako iniiwan.

"Ayon nga, si kuya Dendo." Sabay tingin ko sa kanya. Baka magalit na naman siya. Pero tinanguan niya lang ako kaya tinuloy ko. "Siya yung sinasabing pinakamatino. Siya naman yung pangalawang leader leaderan nila sa tropa. To be honest, wala naman talaga silang grupo eh, sila Aera lang nagpasimuno." 

Ininom ko muna yung juice ko. Nakakapagod din pala magkwento. Hihihi.

"Then? How about Penyx?" Ohhh~ Kaya pala siya nagpapakwento. Hihi, kinilig naman ako bigla. Pero syempre mas nakakakilig kung sila ni kuya.

"Uhm, si kuya Penyx naman may mysterious girl. Pero di niya sinasabi kina kuya. Ewan ko ba dun ni wala nga akong nahahagap na balita dun eh. Napaka tahimik niya kasi. Ni hindi ko nga siya mabasa-basa eh. Basta ang alam ko hinihintay niya yung mysterious girl niya." Napansin kong biglang nalungkot ang mukha ni Letth. 

Sabagay, kahit naman ako eh. Pag ganyan yung storya ni Ral-- este ng taong mahal ko malulungkot din ako. Halata naman kay Letth na mahal niya na si kuya Penyx eh. 

"Ah, Letth? Itutuloy ko pa ba?" I asked her. Mahirap na baka maging dragon na naman siya. Huhuhu.

"Y-yeah. Continue." 

Tinuloy ko parin kahit halata namang di siya nakikinig at lumilipad ang isip niya.

"Uhm, si Ralph naman, a-ano mabait din, sweet pero sabi nila medyo player. Tapos makulit na madaldal. Uhm, siya din yung laging nagpapatawa sa tropa. Tsaka last! Hihi Si kuya Kenny. Hihi ang gwapooo nun! Crush ko nga yun eh. Napakalambing niya. Hihi tapos napaka-maalaga. Siya nga lang ata pinakamatino sa tropa. Pero wala siya dito eh, nasa ibang bansa siya. Nag-away kasi sila ni Kuya Jm dati." Nilagay ko yung kamay ko sa baba ko. 

Wala lang, wala kasi akong magawa. Si Letth kasi ayon tulala. Siguro iniisip niya yung tungkol sa mystery girl ni kuya Penyx.

"L-Letth? Tara na sa loob?" Aya ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot pero tumayo narin siya.

Ngayon ko lang napansin na wala na palang katao tao sa labas. Siguro nagsi-uwian narin. Sa di kalayuan nakita ko si Jam na nakaupo. Halatang si Jam kasi yung ayos ng buhok niya tapos yung kulay ng damit niya. Mukhang may kasama siya ha?

 Hinayaan ko nalang at pumasok na sa loob.

Pagpasok namin nakita ko kaagad sila kuya na nasa sala. Si Penyx lang ang wala. Mukhang hinahanap din siya ni Letth. Asan kaya yun?

"Oh? Bat andito yan? Overnight rin?" Tanong sakin ni kuya.

"O-opo ku--" 

Aish. Galit na naman si Letth. Huhuhu

"Bakit? Hindi ba kami welcome dito? Fine aalis nalang kami." Sabi niya sabay talikod. 

No! Di pwede. Huhu!

"Sinabi ko bang di ka welcome? Nagtanong lang ako. Chill. Tss." Sagot naman ni kuya.

Sumimangot lang ako sa kanilang dalawa. Hindi parin ba sila bati? Hmp, sabagay. Hindi naman yun ganun kadali.

"Tigil niyo na nga yan. Oy Kyky! Tara dito! Sali kayo samin!" Si Ralph. Hyper as ever. Hahaha cute cu--. Eh? Sabi ko nga wala,

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon