77 - The truth behind the tree

1.2K 43 17
                                    

Kenny's POV

Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Kryshna pero hindi niya naman sinasagot. Napapansin ko ring medyo umiiwas na siya sakin this past few days, pero ang sabi niya may mga pinagkakaabalahan lang daw siya. Naiintindihan ko naman yun, ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit wala man lang siyang nababanggit sakin.

"Anong balak ni Jm?" Inabot ko yung yosing hawak ni Justin.

Isa pa din tong si Jm. Pati kami dinadamay sa problema niya. Tss, kung nakinig lang sana agad siya kay Penyx edi sana hindi na siya namomomroblema.

"Ewan ko dun."

"Tss. Paano nalang kung buntis nga si Letth, tapos buntis pa si Aera. Kingina, sinong pipiliin niya." Kilala ko si Jm at alam kong wala siyang pipiliin. Sa ngayon tanging si Thea lang yung gusto niya tss. Ilang taon na ang lumipas pero hindi niya parin nakakalimutan si Thea.

"Problema niya yun."

"Gago ka ba? Pag nalaman nila Kate yun pati satin magagalit yung mga yun."

Nakita ko namang naglalakad papalapit si Ralph sa pwesto namin. Nasa likod niya naman si Dendo at Penyx. Tangina ano to, meeting?

"May meeting pa atang magaganap." Bulong ni Justin habang pinapatay yung sindi ng yosi niya. Wala na naman si Jm. Kingina niya, problema niya kami ang gumagawa ng paraan para masolusyunan. Tapos siya nagpapakasarap sa buhay niya na parang wala lang kung may mabuntis siya.

"Si tigas?" Tanong ni Penyx.

"Tinawagan ko pero naka-off yung phone." Sagot ni Dendo. Wala rin ako sa mood para sumabay sa kanila. Kingina miss na miss ko na nga si Kryshna tapos sasabay pa tong si tigas.

"Anong gagawin natin?" Umupo silang tatlo sa tapat namin. "Kapag pinili niya si Aera, kawawa si Letth." Mungkahi ni Penyx.

"Pero hindi pa naman sigurado kung buntis ba si Letth." -Ralph

"Hindi naman kailangang mabuntis ni Letth para lang piliin siya ni Jm. May nangyari sa kanila at umaasa yung tao na mahal siya ni Jm." -Dendo

"Pero kilala natin si Jm, si Thea lang gusto nun. Alam naman nating lahat na ginagamit niya lang si Letth." ­-Ralph

Kinginang gamitan yan.

"Hindi niyo kayang solusyunan yung problema ng ibang tao. Si Jm lang makakasagot ng lahat ng yan. Nasa kanya ang desisyon, wala satin." Nanahimik silang lahat sa sinabi ko.

Kahit pa mag-away away kami kung sinong dapat piliin ni Jm wala paring sense. Sa dulo, si Jm parin ang magdedesisyon. Napalingon kaming lahat ng biglang dumating si Jm.

"Anong kagaguhan to."

Walang kahit isang sumagot. Kung tutuusin gustong gusto ko na siyang sapakin dahil sa mga ginagawa niya. Ano pang silbi na naging kaibigan niya kami kung hindi niya rin susundin yung mga payo namin na makakatulong sa kanya? Problema sa kanya puro sarili niya lang iniisip niya. Tingin niya tama siya lagi.

"Kung pinoproblema niyo parin yung problema ko ako na nagsasabi sa inyo, tumigil na kayo."

"Tingin mo ba ikaw lang ang apektado sa problema mo? Apektado din kami tigas lalo na't karelasyon namin mga kaibigan ni Letth. Kung ikaw hindi seryoso, kami seryoso."

Ngumisi lang siya at tinitigan kami isa isa.

"Mahal ko si Thea naiintindihan niyo ba yun? Ngayon kung gusto niyong tigilan ko na si Letth gagawin ko. Hindi ko kailangang pumili. Suporta lang ang kailangan ni Aera at ibibigay ko yun."

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon