Last Chapter

2.3K 35 36
                                    

Kyna's POV

Konting konti nalang maibabato ko na talaga ang phone ko. Hmp. Hanggang ngayon hindi parin nagpaparamdam sakin si Chander. Hindi niya ba alam kung gaano ang pag-aalala ko?

Sana hindi niya nakakalimutan na may girlfriend siya.

"Hey," Nag-angat ako ng tingin at bumungad sakin ang gwapong mukha ni Ralph.

"H-hi. Bakit ka andito?" Andito kasi ako sa terrace ngayon. Medyo na-oop ako sa baba dahil kanya kanyang mundo sila. Kung andito lang sana si Chander.

"Boring sa baba eh. Ikaw? Bat andito ka? Hindi ka ba nilalamok?"

Umupo siya sa tabi ko habang humihikab. Alas dos narin ng madaling araw at hindi parin sila tapos sa pag-iinuman. Pinayagan naman ako ni kuya uminom, four shots nga lang.

Napasulyap ako kay Ralph na nakatingin din sakin. Mapungay ang mga mata niya at bakas sa mukha niya na nakainom na siya.

"Inaantok ka na ba? Ipapahanda ko na yung room mo, sandali lang." Akmang tatayo na ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Stay with me please."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong hinihila paupo ng mga tingin niya. Hindi kaagad ako nakapag-react. Bakit may kung ano akong nararamdaman? Wala na naman akong feelings kay Ralph diba? Mahal ko si Chander eh, hindi naman siguro dalawa puso ko.

"O-okay." Tanging sagot ko at umupo ulit sa tabi niya. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Nakakamiss yung ganito no. Yung tayo yung laging magkasama, magkausap. Pero ngayon wala na, iba na yung kasama mo. Hindi na ako."

"Ralph?" Tawag ko sa kanya.

Bakit kailangan niya pang balikan ang nakaraan? Hindi ba pwedeng kalimutan nalang.

"Buti ka pa nakahanap na. Samantalang ako, eto. Hinihintay ka parin." Halos mabitawan ko ang phone ko sa sinabi niya. Tama ba pagkakarinig ko? "Ang tanga ko pala para ipagtulakan palayo yung mahal ko. Ang tanga ko kasi hindi ko siya pinaglaban, ang tanga ko kas---"

"Stop it Ralph. Lasing ka lang kaya nasasabi mo yan." May part sakin na gustong matuwa dahil sa narinig ko, pero mas nangingibabaw ang inis.

Kung kailan may boyfriend ako tsaka niya sasabihin na hinihintay niya ako?! Kung kailan tuluyan ko ng kinalimutan lahat tsaka niya ulit ipapaalala?

BENEFITS [Completed]Where stories live. Discover now