2 - That Bastard

7.4K 114 7
                                    

Letth's POV

Papunta na sana ko sa classroom ko nang may biglang bumangga sakin. Hindi ko na nga sana siya papansinin pero hindi na kinaya ng ganda ko nang batuhin niya ko ng papel. Wala pang nakakagawa sakin nun! What the hell!

Hinarap ko siya at tinitigan ng masama. Tinaasan niya naman ako ng kilay kaya lalo akong nabwiset.

"Leche naman! Nagmamadali ako diba?! Anong problema mo?!" Sigaw ko sa kanya. Pero ang mokong nakangiti lang. Bwiset na to! Ni hindi ko nga siya kilala tapos ngingitian niya ko?! Burn.

"Wag kang ngumiti!" Sabi ko sa kanya sabay irap. Psh, sampung minuto nalang at second subject ko na. 

"Bakit? Naiinlove ka?" Wow! As in wow. Anong tingin niya sakin walang tubig?!

Hindi ko alam kung papatulan ko pa ba to eh. Nasasayang yung oras ko! Pero kung aalis nalang ako baka lumaki naman ulo niya at isiping natakot ako sa kanya. Damn, I'm Letth Liu and i am the rule!

"Ang kapal! Bukod sa makapal mong labi at makapal mong kilay may tinatago ka padin palang kakapalan ng mukha. Wow, baka pati libag mo makapal? Tss." Sabay irap ko ulit sa kanya. Leche, akala mo ang gwapo.

Gwapo naman talaga eh. Pakipot ka lang.

Kinginang utak to. Hinihingi ko ba opinion mo ha? Leche! Oo na gwapo na. Kaya lang ang yabang. Pero mas gwapo parin si Penyx, itaga niyo sa kilay niya.

"Ha ha ha. Tatlong tawa para sayo miss. Next time na magjojoke ka paki-inform ako ha?" Sabay smirk niya. May nabasa ba kayong joke sa sinabi ko?

Aalis na sana ako nang binato niya na naman ako nang papel. Ugh. Im getting pissed. Damn!

"Anak ka ng ina mo! Ano bang problema mo?! Crush mo ba ko?!" Sigaw ko. Hindi ko na talaga nakayanan. I lost my temper. Damn!

"Tss. May tagos ka." Sabay talikod niya sakin at nilagay ang kamay sa bulsa. Pacool pa. Burn! "Tsaka miss, iwasan mo ang pagiging assumera. Nakamamatay." At tuluyan na nga siyang umalis. 

Assuming my ass! Pero teka ano daw?

Nang mag sink in na sa utak ko yung sinabi nang hambog na yun, agad akong tumakbo sa cr. Andami ko nang nabangga makarating lang agad sa cr. Pagpasok ko dun agad kong tiningnan yung palda ko at halos maiyak ako sa inis nang makita kong wala naman pala akong tagos. Damn makakapatay ako ng tao! Makita ko lang talaga yung lalaking yun babayagan ko yun!

Lumabas na ko sa cr at pumuntang classroom. Nasa labas palang ako rinig ko na ang ingay sa loob. Malamang wala pa si Baboy. Sa sobrang bigat ng katawan hindi na makaakyat akyat nang mabilis. 

"Masamang tumawa mag-isa ate. Gusto mo samahan kita?" Sabay ngiti sakin ng isang babae. Tiningnan ko lang siya nang may halong pagtataka. Alangang ngitian ko siya eh hindi ko naman siya kilala.

"Hahaha! Ang cute mo dun. Hahaha! Anyway, i'm Kyna. Kyna Monte." Sabay ngiti niya sakin. Mukha naman siyang mabait so i guess okay lang na kausapin ko siya.

"Letth. Letth Liu." At nginitian ko siya. Nagulat nalang ako nasa tabi ko na agad siya. Wow, bilis mag-ala flash.

Actually hindi ako ganun ka-friendly. In fact, si Jam lang talaga pinaka-close ko dito. Hindi na ko naghanap pa ng iba. Why? Kasi sa panahon ngayon mahirap na magtiwala. Meron kasing iba jan na sa umpisa lang mabait. Then pag nakuha na ang gusto at nauto ka na, iiwan ka nalang bigla.

"Paupo ha? Ang ingay kasi sa loob eh. Medyo nakakairita. Haha!" Kwento niya. Tiningnan ko lang siya tapos pumikit.

Bigla akong tinamad magsalita. Hindi din naman kami close at wala akong balak makipag-close.

"Letth, sabay tayong mag lunch okay lang? Wala kasi akong kasabay eh. Yung kuya ko kasi ayaw ako kasama. Kasi ang daldal ko daw. Tapos yung mga kaibigan ko naman wala dito. Alam mo kase transferee ako dito. Ewan ko ba kina mama bat ako nilipat. Ay oo nga pala, yung mama ko yung may ari ng bagong tayong mall jan sa tapat ng school natin. Tapos yung papa ko naman--" Ang daldal niya nga. Tss, kaya naman pala ayaw sa kanya ng kuya niya. Parang si Jam lang.

"TMI." Sabi ko nalang sa kanya.

"What?" Nakakunot noong tanong niya sakin. Slow fck. 

"Too much information. Sige jan ka na muna. Mukhang wala naman si baboy. Alis muna ko." Maayos na pagpapaalam ko sa kanya. Ayoko muna ng kausap, nababadtrip parin ako sa lalaking hambog na yun! Ang lakas ng loob niyang pagtripan ako unggoy siya.

"Wait! Sasama ako. Hihi." Wtf. Araw ko ba ngayon? Nakakairita na mga tao sa paligid ko eh. Bwiset talaga!

Hinayaan ko nalang siyang sumunod. 

Mukha namang mabait pero ewan, di ko siya feel. Mamaya pakitang tao lang pala to. Wag ako! Naglakad lang ako ng naglakad. Kailan ko kaya ulit makikita yung hambog na yun? Swear malilintikan sakin yun.

Tumingin ako sa likod at napansin kong nakabuntot parin sakin yung babaeng yun. Okay fine, dahil may pangalan naman siya sige. I'll call her Kyky.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon