27 - Movie Marathon

1.7K 50 17
                                    

Letth's POV

Kanina pa ko nagmumukmok dito sa kwarto ko. Tinatamad kasi akong bumaba eh. -_- Sino ba namang gaganahan pag ganun kakalat sa baba diba? Aish kainis!

"Beastfriend! Baba ka na, magmomovie marathon na tayo." Nagtakip lang ako ng unan at tsaka pumikit.

"Naglinis na ba kayo?" Ayokong bumaba nang may mga kalat pa dun. Ang sakit sa mata. Hindi ako maarte okay? Sino ba may gustong makalat ang bahay sige nga?

"Yes madam. Nalinis na ni Ralph." What?! Si Ralph lang naglinis? Nakakahiya naman kina Dendo.

Binuksan ko na yung pinto at tsaka lumabas. Tiningnan ko si Jam mula ulo hanggang paa. Nagbihis siya? Teka?! Short ko to ah?

"Oops, don't be mad okay? Natapunan kasi ako ni Kyna ng juice. Ang careless niya kasi. Don't worry, lalabhan ko to." Inirapan ko lang siya at bumaba na.

Naabutan ko sa baba sina Dendo at Christina na naghahanap ng mapapanuod. Close pala talaga sila? Infairness bagay sila. Si Kenny at Kyna naman naghahanda ng fries tsaka ng drinks. Yung mata ni Kyna nakatingin kay Ralph at Kryshna na nagbabato bato pick. Yung totoo? Kanina lang para silang aso at pusa tapos ngayon naglalaro na? Si Kate naman irap ng irap kay Kryshna. Hinanap ko si Penyx at nakita kong nakaupo siya sa may sofa at nakatingin..


Kay Jam.

Tiningnan ko si Jam at nakatingin lang siya sakin. Umiwas agad ako ng tingin at bumaba na. No, wala lang yun. Wag mo bigyan ng meaning Letth, wag.

"Hi Letth!" Kung makangiti naman tong si Ralph talo pa nanalo sa lotto.

"Salamat sa paglinis RALPH ha?" 

Yes, nilakasan at diniinan ko talaga yung pangalan ni Ralph. Bakit hindi diba? Nakakahiya naman kasi sa iba.

"No problem Letth." Sabay apir nila ni Kryshna. Yung totoo? Nalilito na ko sa mga to. Uso ba ngayon pabago-bago ng ugali?

"Wag ka nang malito Letth. May dare yang dalawa yan na kahit ngayon lang daw maging mabait sila sa isa't isa." Nahala siguro ni Jam yung kunot sa noo ko.

Ah i see. Ang daming alam ha.

"So anong papanuorin?" Tinaas ni Dendo yung hawak niyang CD. Di ko makita yung title pero tingin ko horror base sa cover.

"Horror? Huhu Kuya Dendo ayoko niyan!" Nagtago pa talaga siya sa likod ni Kenny. Sus, konting landi pa Kyna.

"Tumigil ka nga. Di ka na bata. Tss." Kapatid ba talaga ni Kyna to? Kung makaasta talaga parang hindi siya yung kuya. Pero pag sa iba ang bait bait.

"Kuya naman eh, paano kung di ako makatulog mamaya? Paano kung makita ko siya sa tabi ko huhu kuya naman kasi-" Binato siya ni Jam ng unan. Ang daldal naman kasi.

"Manunuod pa ba?" Si Jm. Ang feeling boss ever! Naiinis parin ako jan leche siya.

Pumunta akong kusina at kumuha ng chips. Swerte ko at may natira pa pala dito. Buti nalang di mahilig sa chips si Jm.

Pagbalik ko sa sala nakasalang na yung cd. Nice naman di ako inantay. Tumabi ako kay Jam at tsaka nanuod na.

Bale yung pwesto namin ganito. Nasa sahig kami nila Jam. Bale ako tapos si Jam tapos si Kyna tapos si Ralph at si Kryshna. Sa may sofa naman si Kate katapat niya si Kryshna tapos si Christina katapat si Ralph, si Dendo katapat si Kyna, si Penyx katapat si Jam tapos si Kenny katapat ako. Si jm? Ayon nasa harapan namin nakadapa.

"Kyna okay ka lang?" Eto na naman si Ralph umaariba. Wow ha, katabi niya pa talaga dalawa niyang chix.

"Oo naman. Ikaw ba?" Tumango tango lang si Ralph at ngumiti. Bahala nga sila sa buhay nila. Bat ba ko nakikinig pa sa usapan nila?

Alas syete narin pala. Partida wala pang ilaw. Ilaw lang ng kusina nakabukas tsaka ilaw sa may labas. Tapos si Ilaw lang na nanggagaling sa tv yung ilaw sa loob ng bahay. May naintindihan ba kayo o puro ilaw lang naintindihan niyo?


Kenny's POV

Hindi ako makapagfocus sa pinapanuod ko. Lalo na ngayong nasa harapan si Jm. Nasa harapan pa nila Jam. Kilala ko na yang si Jm, malamang may pinaplano na yan. Demonyo pa sa demonyo yang hayop na yan. Kaya niya nga sinuggest na horror ang piliin eh para madilim. Style niya bulok.

"Oh my god!" Sigaw ni Kyna. Boses palang alam na alam ko na. Syempre close kami niyan eh. Parang kapatid ko na yan eh.

"Arte." Feeling ko kaibigan ni Christina yun.

"Gannnnds!" Kilala ko talaga to. Haha si Kryshna, ang cute cute kasi ng boses niya kahit masakit sa tenga.

"Sorry." Uso ba talaga one word ngayon? Haha ang titipid naman ata nila magsalita.

"A-ano yun?" Sabay tayo ni Jam. Shit, nakalimutan kong kasama nga pala namin si Jm.

"Jam okay ka lang?" Sabay tayo namin ni Penyx. Teka, close ba sila ni kamatis?

"Yes, parang may gumagapang lang." 

Kamay ni Jm yun malamang. Hayop talaga to, wala ng pinalagpas.

"Palit nalang tayo ng upuan Jam." Si Penyx yun. Umagree naman si Jam. Mas okay na rin yun at katabi ko si Jam.

"Sige, salamat." Naiilang ba si Jam kay Penyx? Bakit?

"Game na. Ang ingay niyo naman eh." Si Jm.

Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang sapakin. Gusto kong basagin yung mukha niya.

"Kamay ba yung gumapang sayo? I mean sa tingin mo?" Nanlaki naman yung mata ni kamatis. I just wanna make sure. Di ko alam magagawa ko kay Jm pag nalaman kong kamay niya yun.

"Sira ka ba? Hindi. I think ipis. Bakit ba kasi walang ilaw?" Nakahinga ako ng maluwag dun. Akala ko gagawin na naman ni Jm yung ginawa niya dati.

"Teka, kamay? Haha bat mo naman naisip yun?" Ang cute talag netong si kamatis eh. Feeling ko tuloy lalo akong naiinlove sa kanya. 

Oo inlove ako sa kanya.

"Wala naman. Sige na manuod ka na." Simpleng ngiti niya lang naiinlove ako lalo. Corny na kung corny pero wala eh. Ganun talaga ang buhay. Sumakay ka nalang.

Kung tutuusin unang kita palang namin nakuha niya na agad yung atensyon ko. Nilapitan ko siya kasi akala ko umiiyak siya. Nag eemote lang pala. Haha, tapos nung nakita ko yung mukha niya bumilis yung tibok ng puso ko. Akala ko kasi si sadako haha. Pero seryoso bumilis talaga tibok ng puso ko. Ang corny man pakinggan pero naramdaman ko talaga.

Kaya nga ako lumipat sa school nila para mapalapit pa lalo sa kanya. Yung mga araw na nakakasama ko siya feeling ko lalo akong nahuhulog sa kanya. Yung minsang pagtataray niya, pagkamadaldal tapos minsang pagkahyper niya. Lahat yun gusto ko sa kanya.

Iba kasi siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Yung ibang babae jan pag kakain kailangan pa ng arte eh pag si Jam ang kasama mo tuturuan ka pang magkamay. Siya din yung tipong hindi kinakahiya ang pagiging madaldal niya kahit minsan tumatalsik na laway niya. Iba diba?

Kaya ngayong napagtanto ko na lahat. Buo na yung loob ko. Liligawan ko si Jam. Hindi ko naman kailangang itanong pa sa kanya kung pwede. Kasi ang panliligaw ginagawa, hindi tinatanong.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." Si Jam lang pala. Iniisip ko kasi ang future natin Jam. Nahahawaan na ko sa kalandian ni Ralph.

"Nalulunod ka na ba?" Hobby niya na bang palakihin yung singkit niyang mata? Ang cute lang haha

"Lagi mo nalang akong pinagtitripan!" Sabay hampas niya sakin.

Di ko na talaga kaya to. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito eh. Wierdo puta. Pero seryoso, mamaya sisimulan ko na panliligaw ko sa kanya. Sisiguraduhin kong mapapasaya ko siya sa lahat ng gagawin ko.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon