31 - Friendship over?

1.6K 53 11
                                    

Jam's POV

Kakatapos lang namin manuod ng practice nina fafaJm. Sobrang hindi ako mapakali lalo na sa tuwing tinitingnan ako ni Penyx. Hindi niya man lang ba naisip na kasama namin si Letth sa gym? Yung babaeng mahal na mahal siya. Alam ko namang alam niya yun eh. Sana man lang nakiramdam siya diba?

"Lalim na naman ng iniisip mo. Kenny texted me, sabi niya ihatid daw kita sa rooftop ng Sci. building, magpaalam ka na." Sabi ni Letth habang hindi nakatingin sakin. Nakatingin siya kay Penyx na nakatingin naman sakin. Agad kong pinandilatan ng mata si Penyx kaya umiwas agad siya.

Ugh, bakit ba hindi ka makaramdam ha Penyx?! O nananadya lang talaga siya? Aish!

"Uh, guys. Mauna na kayo, may dadaanan lang kami ni Letth." Napansin kong wala na pala si Letth sa tabi ko at nauna nang maglakad papuntang Sci. building.

"Sama ako!" Nginitian ko lang si Kyna at umiling. Baka magalit si Letth eh.

"Maybe next time Daldalita. At isa pa gabi na. Sige una na kami bye guys! Ingat kayo." Narinig ko pang tinawag ako ni Penyx, pero hindi ko siya nilingon. Sira na nga siguro ulo niya.

Sinundan ko agad si Letth, hindi pa naman siya ganun kalayo kaya naabutan ko pa siya.

"Uhm, beastfriend san tayo pupunta?" Mukhang wrong question huhu inirapan niya ko ng bongga e. Parang lalabas na yung eye ball niya huhu

"Kakasabi ko lang diba?" Nauna na naman siyang maglakad. Iniwan niya na naman ako. Huhu

Pero anong gagawin namin sa Sci. building? At sa rooftop pa? Mamaya may aish wala nevermind.

Pagdating namin sa SB, agad niya kung pinauna. Eh?

"Tutunganga ka nalang jan forever?" Kaso walang forever kaya tumunganga parin ako dun.

"Ano ba Jam? Akyat na! Nasa likuran mo lang ako, o kung gusto mo ikaw sa likod. Ang tanda mo na natatakot ka pa sa mga kapwa mong multo." Nauna na siyang umakyat at dali dali naman akong sumunod sa kanya. Pwede naman kasing sabay eh.

"Hindi naman ako takot eh." Tapos biglang namatay yung ilaw sa may dulo ng hallway.

"Hindi ka nga takot." Agad akong tumayo ng diretso at ngumiti kay Letth. N-nabigla lang ako, hindi ako natakot. Huhu ang lamig naman.

Nang makarating na kami sa rooftop agad na namatay ang mga ilaw dito. Waaa! Nawala din si Letth. Huhu paano ko nga ba makikita e madilim. Waaaa, ang lamig na ng kamay ko.

"B-beastfriend, where are you. Huhuhu." Tumingin ako sa taas at tanging ilaw lang ng buwan yung nakikita ko. Asan ba si Kenny? Waaa, natatakot na talaga ako.

May narinig akong footsteps na papaakyat. Waaaa! Bakit ang bagal niya maglakad? Nakakatakot siya! Huhuhu hindi naman siguro yun multo. Waaa ayoko na, ayoko na!

"S-sino yan?" Niyakap ko na rin yung sarili ko dahil sobrang lamig ng hangin plus kinakabahan pa ako. Huhuhu

Nabigla ako ng may tumugtog sa may bandang likod ko. Pagkakita ko sa gitna ng rooftop may nakahandang table at nasa gilid neto si Kenny. Geez, ang gwapo niya sa suot niya.

"K-kenny?" Ngumiti lang siya sakin. A-ano to? I mean, para san to?

Lumapit ako sa kanya. Alangan namang tumunganga lang ako dun diba?

"Para san to?" Hinila niya yung upuan at pinaupo ako. Pero hindi ako umupo, naguguluhan din kasi ako.

"Why?" Hinila ko siya palabas ng rooftop. Masyadong romantic yung kanta sa loob eh.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon