97 - Road to forgiveness

1.2K 39 11
                                    

This chapter is dedicated to Beangors! Enjoy 🎉🎉🎉


Letth's POV

"Wag.... Tama na..."

Pilit niya kong hinahalikan pero panay ang palag ko. Hinihila niya ang damit ko pero hindi ko hinayaan. Bigla niya akong sinikmuraan kaya hindi ako nakapalag.

"W-wagggg please..."

"Letth?! Wake up you're safe!" Idinilat ko ang mata ko at nakita ko si Ralph.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Natatakot parin ako, hindi ko mapigilang isipin yung nangyari.

"It's okay. Andito kami. Hindi ka namin hahayaan."

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko sila Penyx, Dendo, Kenny, Justin at Kate. Wow, even Kate? Buti pa siya. Sabagay, ano nga bang aasahan ko kila Jam diba?

Nagulat ako ng mapansin kong pumapasok sa loob si Jm at Allen.

Mabilis akong bumitaw sa pagkakayakap ko kay Ralph. Biglang tumahimik ang paligid at bigla nalang naging awkward.

"May problema ba kayo?" Naunahan na ako ni Kate na magsalita.

"Ha? Syempre wala! Diba mga papi?" Pilit na pinapasigla ni Ralph ang paligid. Pero walang sumagot.

"So may problema nga. Justin ano yun?" Pinandilatan ni Kate ng mata si Justin. Napakamot lang ng ulo si Justin dahil mukhang naiipit siya sa sitwasyon.

"Bukas nalang ako magbabantay sayo Letth, madami pa naman sila dito." Sambit ni Dendo. Tatango na sana ako ng magsalita ulit si Kate.

"Walang aalis! Ayusin niyo muna yang problema niyo. Kalalaki niyong tao talo niyo pa babae kung magpakipot. Magbati na kayo!" Tinulak niya si Justin papunta sa gitna. Napangiti ako ng wala sa oras.

"Bakit ako lagi gf?"

"Sino ba boyfriend ko?"

"Wala naman akong kinalaman dito eh. Ayan sila oh, sila magkakaaway. Abnormal tong mga to dinadamay pa ko." Inis na sagot ni Justin. Nakita ko namang ngumiti si Kate pero mabilis ding inalis.

"Dahil ba to sa nangyari last time?" Tanong ko sa kanila. Hindi naman sila sumagot. "I see."

"What happened last time? Ano yan? Bat wala akong alam?" Singit naman ni Kate.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon