42 - What is happening?!

1.5K 52 9
                                    

Kyna's POV

Finally! Nakarating din kami sa tagaytay. Kinuha ko ang hoodie ni Kuya at sinuot. Sabi niya magagamit ko daw to. Perfect!

"Get your things guys. Then sumunod kayo sakin. Ibibigay ko mga susi ng rooms niyo." Kinuha ko na yung bags ko at sumunod kay Letth.

Kung hindi ako nagkakamali, naka-private kami. I mean, hindi kami maghohotel. Sa bahay kami, so bale kami kami lang din pala? Well, mas okay na yun. Mas makakagawa kami ng maraming memories together. Maganda narin to at malayo sa stress. Malayo kay Ralph.

"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Sigaw sakin ni Kryshna. Tinaasan ko lang siya ng kilay at dire-diretso parin sa paglalakad.

Wala ako sa mood para patulan siya. Pagod ako sa byahe at ang gusto ko lang gawin ay matulog.

"So guys. May 6 rooms sa taas. Ang kaso, hindi pwede yung tatlo kaya kailangan dalawang tao sa isang room. So here's the pairing. Ako at Jam,  Tinay at Kate, at Kryshna and Kyna. Wala ng aangal. Here, mga susi niyo." As expected, agad na nag-react si Kryshna.

"Gands! Palit tayo!" Inirapan siya ni Kate at umakyat na agad sa room niya. Sumunod naman si Tinay na nginitian lang si Kryshna.

"No choice ka. Wag ka na kasing maarte." Sobrang pagod na ko kaya nauna na kong umakyat sa taas. Di ko naman problema kung sumunod ba siya o hindi. Edi sa labas siya. Magtiis siya sa lamig.

Hinubad ko na yung hoodie at humiga agad sa kama. Kailangan ko ng energy para mamaya. Ipipikit ko na sana yung mata ko ng maramdaman kong may pumasok sa room. Sinilip ko yun at nakita si Kryshna na sobrang taas ng kilay. Hindi ko nalang siya pinansin at pumikit na ulit.

"Kyna, Kryshna. Breakfast sa baba, sunod kayo ha?" Kahit di ako tumingin, alam kong boses ni Jam yun.

Nakaramdam ako ng awkward sa loob ng room kaya tumayo ako at lumabas na dun. Hindi ko kaya ang atmosphere dun! Baka bigla kaming magsabunutan ni Kryshna.

"Tara dito Kyna!" Tawag sakin ni Jam. Umupo ako sa tabi niya at inantay si Kryshna.

Mag-seseven am palang. Ang aga pa pala. For sure, pagkatapos kong kumain dito mawawala na tong antok ko. Ano namang gagawin ko?

"Kryshna matagal pa ba yan?! Gutom na ko!" Sigaw naman ni Kate. Napatakip kami sa tenga sa biglaang pagsigaw niya. Talo niya pa pala si Kryshna dati. Hahaha!

"Gands!" Umirap lang si Kate kay Tinay. Hindi naman kasi halatang gutom na si Kate. Hindi talaga. Hahaha!

Maya-maya lang bumaba narin si Kryshna. Nagpalit pala siya ng damit. She's wearing a crop top at short short. Hindi ko naman itatangging sexy si Kryshna.

"First of all. Kaya ko kayo niyayang magbakasyon dito para mabawasan mga stress niyo. Gusto ko magsaya lang tayo. Walang away, walang gulo. Magkakaibigan naman tayo dito diba?" Nag-nod lang kami kay Letth.

Napatingin ako kay Kryshna na nakatingin din pala sakin. Alam ko namang kami yung pinapatamaan ni Letth. Wala naman akong balak sirain yung bakasyon kaya no worries.

"Mabuting malinaw. After nating kumain, anong gusto niyong gawin?" Gusto ko na sanang magswimming kaso maaga pa. Hinayaan ko nalang silang mag-suggest kung anong gagawin.

"What if mamasyal muna tayo? Then selfie!" Masiglang request ni Tinay.

"I agree." Sagot naman ni Kate. Kumuha na ko ng kanin at kumain. Pwede bang matulog nalang? Aish, kaso baka sabihin ang kj ko naman.

"Agree din kami!" Napalingon kaming anim sa mga lalaking bagong dating.

Napabitaw ako sa kutsara't tinidor ko ng makita ko si Ralph na nakatingin sakin. A-anong ginagawa nila dito?!

BENEFITS [Completed]Where stories live. Discover now