Nang marinig ang pangalan ko ay di ko na napigilan ang lumingon at makialam sa pinag uusapan nila.

"At bakit hindi ka a-attend,Keith?"

"May problema ba para di ka umattend?"

Para matigil na sila sa mga pinag ta-tanong nila ay sinagot ko na.

"Hindi lang naman ako ang hindi a-attend kasama ko din si Hayden at panigurado di na rin kasama si Tristan and it's because we're nerd" malumanay kong paliwanag sa kanila.

"Are you serious? Dahil lang Nerd kayo di na kayo a-attend? What kind of reason is that?" Biglang singit ni Clementine.

I knew it kaya nya pinababa ang mga kapwa babae nya para lang mapasagot ako sa tanong nya.

"We're nerd and it's not just because we're nerd it's also because we're not belong to that school. Nandyan lang naman kami para mag aral at hindi para makisaya sa mga taong hindi namin kauri. I know it's difficult to think pero ang mabuti pa don't keep on asking me about that and enjoy nalang sa inyo." Sambit ko sabay subo ng kinakain.

"No!" Di pag sang-ayon ni Clementine sa sinabi ko.

"Anong No?" Tanong ko sa kanya habang nanguya.

"We're squad! And we will not let you guys to be sad!" Biglang singit ni Nathalie.

"Wala namang belong-belong dyan sa school,ang importante maging masaya at makapag aral ang mga studyante kaya belong padin kayo kahit sino pa kayo." Sambit ni Daniella.

"Bilisan mo na sa pag lamon mo dahil may gagawin tayong lahat" sambit ni Jenna na kakatapos lang uminom ng tubig.

Kumain lang ako ng kumain at hindi na inisip ang sinabi nila na gagawin.

Hinugasan ko lang ang pinag kainan ko at pag lingon ko laking gulat ko ng kumpleto na silang lahat.

Presentableng naka upo ang mga ito sa sofa at tila ako nalang ang hinihintay.

Himala ata at nagawa nilang ayain si Tristan na mugtong mugto ang mata kakaiyak.

Agad naman akong tumabi sa pwesto kung saan naka pwesto ang kapwa ko nerd.

"So bakit nyo nga kami pinababa?" Malamig na tonong sambit ni Lucas.

"Ganito kasi gusto ko munang tanungin kung sino ang mga sasama sa JS Prom?" Panimula ni Jenna.

Agad namang nag taasan ng kamay sina Clementine,Jenna,Nathalie,Daniella at Lucas.

Tanging kami-kami lang nila Hayden at Tristan ang hindi nagtaas ng kamay.

"Kahit di kayo nagtaas ng kamay kasama kayo at wala na kayong magagawa dahil isang squad tayo!" Sambit ni Nathalie habang tinuturo kaming tatlo.

"Pero ---" di na natuloy ni Hayden ang sasabihin nya dahil bigla nalang nag salita si Jenna.

"Opps! Wag nang mag alibay! Ako na bahala! So ganito ang plano ko,since wala pa naman kaming susuotin mga girls at alam kong kayo din mga boys ay mag ba-bato bato pick tayo, every pair mag lalaban ng bato bato pick at kung sino ang manalo sya ang mamimili ng gusto nilang bilhan ng outfit at kung sino ang mapili ni winner ay yun na din ang bibili sa kanya ng outfit but! If boys win kailangan girls ang pipilian nila ng outfit at hindi kapwa boys,ano gets?" Paliwanag ni Jenna.

Nagsi tanguan naman kami at sinimulan na nga ang nasabing laro.

"Oh ako na mauna" pangunguna ni Lucas bilang unang manlalaro.

"Sige ako nalang kalaban mo" sambit ko para matapos na.

Nag bato bato pick na kami ni Lucas at ako ay nabigo.

Bakit tila parang ang easy lang kay Lucas ng larong ito?

Pumili na sya ng bibilhan nya ng outfit at agad nya namang tinuro si Daniella and Automatically silang dalawa ang magpapalitan ng bibilhing outfits.

Di parin ako umaalis sa pwesto ko bilang manlalaro bigla namang tumayo si Hayden na nangangahulugang kakalabanin nya ako sa larong ito.

Nag bato bato pick kami at muli talo ako.

Agad namang pumili si Hayden ng bibilhan nya ng outfit at ang napili nya ay walang iba kundi si Jenna.

Di parin ako nag patinag at nagulat nalang ako ng hindi na lalaki ang lumaban sakin kundi babae.

Si Nathalie..

"Ano game?" Tanong nito na parang handang handang lumaban sakin.

Napangisi nalang ako at sinimulan na ang laro namin.

Sa pag kakataong ito ay nanalo ako ngunit di ko namalayan na isa nalang pala ang choices ko at wala ng iba kundi si Clementine.

Well di lang pala ako ang walang choices pati rin pala si Nathalie dahil si Tristan nalang ang nag iisang choices nya sa lalaki.

Tinuro ko nalang si Clementine na nangangahulugang sya ang bibilhan ko ng outfit para makita ng lahat at ganon din naman si Nathalie na tinuro si Tristan.

"Oh! Malinaw na ha! Kayo na mag decide kung ano ang gusto nyong ipasuot sa mga partner nyo at hindi porket kayo ang mag dedecide baka bilhan nyo kaming girls ng mga suotang pang boys,walang ganon ha! So malinaw na and kayo narin bahala kung kailan kayo bibili,wala pa namang final date kung kailan ang JS Prom natin,okay?" Masiglang paliwanag ni Jenna.

Nagsi tanguan naman kami at ang iba naman ay sumagot ng 'okay'.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thank you for reading this!

Hope you like it!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!

GOD BLESS US ALL ANG KEEP SAFE♡

Labdien!💛

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Where stories live. Discover now