Medyo tinulak ko siya at saktong nakita ko sila Burma, Aiza, at Honey na nakatingin sa'min 'di kalayuan. Magsasalita pa lang ako nang dali-dali silang umalis—hays... panigurado iba na naman ang mga iniisip nila.

"Tara, date tayo," yaya ni Poknat at napamaang ako.

"Huh, anong date ka dyan, uuwi na 'ko—" aalis na 'ko nang bigla niya kong akbayan.

"Dali na, hindi naman magagalit si Aling Eme kapag nalaman niya na ako ang kasama mo," pilit niya. "At saka, para na rin makapagpaliwanag ako sa'yo kung anong nangyari sa'kin. Hindi ka ba curious?"

Kumawala ako sa kanya at inayos ko 'yung sarili ko. Napaisip ako.

Ang daming naglalarong tanong sa isip ko kaya medyo nakumbinsi niya 'ko.

"S-Sige."

Naglakad kami papunta sa parke malapit sa school namin. Habang naglalakad kinuwento ni Poknat na hindi rin niya ako nakilala noong magkabanggaan kami kasi nagmamadali siya.

"Mas lalo ka kasing gumanda kaya hindi kita nakilala, sorry, Ming," sabi niya at hindi ko 'yon pinansin. Pero parang uminit 'yung pisngi ko nang sabihin niya 'yon.

First time kong makarating dito sa parke kasi mas gustong tumambay nila Burma sa computer shop tuwing uwian. Marami rin palang mga estudyante rito na karamihan ay mga kaeskwela namin.

Umupo ako habang si Poknat naman ay bumibili ng sorbetes. Pinagmasdan ko siya ulit. Tumangkad din siya, payatot pa rin, tapos 'yung buhok niya medyo mahaba na taas-taas, feeling niya siguro karakter siya sa anime. Ang dami niyang suot na burloloy sa braso tapos may hikaw siya sa isang tenga.

Pagbalik ni Poknat ay inabot niya sa akin ang isang strawberry ice cream tapos umupo siya sa tabi ko para magkwento. Siya lang halos nagsasalita habang papunta kami rito.

"Ayon nga, nakita ko sa listahan ng mag-oaudition sa Drama Club 'yung pangalan mo kaya nagulat ako... Tapos habang nagpeperform kayo nakatitig lang ako sa'yo kaya nakilala kita. Sobrang 'di ako makapaniwala na ikaw pala talaga 'yon," kwento niya.

Medyo nahiya ako ro'n kasi mabuti pa siya't kabisado niya ang pangalan ko dahil ako nga... nakalimutan ko (o hindi ko talaga alam) kung anong buo at tunay niyang pangalan.

Tiningnan ko 'yung ID niya at nakita ang pangalan niya na sobrang layo sa Poknat.

Ezequiel G. Abalos
1st Year Ilang-Ilang

Ezequiel... Ang ganda pala ng pangalan niya, parang mabait—pero siya pa rin si Poknat sa paningin ko.

"Parehas pala tayong freshman," iyon ang nasabi ko kasi hindi ko na talaga alam kung anong sasabihin eh.

Umiling siya. "Dapat second year na 'ko eh kaso umulit ako," sabi niya na parang wala lang. "Namatay na kasi si tatay kaya umuwi na ulit kami rito ni nanay. Kaso hindi na kami nakatira sa dati naming bahay na malapit sa inyo... Kaya... Hindi na kita napuntahan."

"C-Condolence."

Natahimik kami parehas pagkatapos. Ano na?

"Ikaw, Ming... Kamusta?" tanong niya.

"Ah... Ayon... Kaming dalawa na lang ni Mamang magkasama."

"Naglalaro ka pa rin ba sa Duluhan?" tanong niya ulit.

Dalaga na si RemisonWhere stories live. Discover now