32 | Mission part 3

Start from the beginning
                                    

What do you think you are doing Keres? Kapag may ginawa silang masama sayo ay makakapatay talaga ako.

"I think she's safe." Franco said.

Tumayo siya mula sa kinauupuan. May pinindot saglit sa gamit na laptop bago may lumabas sa malaking screen sa harapan namin lahat.

Isang video record na sa tingin ko ay mula sa CCTV. Modernong bahay ang bumungad samin. Maya maya pa ay may bumaba sa isang pulang sasakyan at nag iwan ng bulaklak sa pintuan ng bahay.

"Lorcan." Bigkas namin.

Tss. Hanggang sa trabaho ba naman ay nagpapasikat siya? Kinuha siyang taga pagbantay nila Daddy para kay Keres. Isang araw, pag balik ay umamin itong may gusto sa kapatid ko kaya't hindi ko napigilang masuntok siya.

"Sumunod rin kami sa grupo nila Lorcan noong nakaraan. Kagaya ng iniisip namin ay alam niya kung nasaan si Keres." Sabi ni Draco.

Ipinakita ng sekretarya niya ang ilang litrato na sa tingin ko ay isang club. Katulad ng inaasahan ay nandoon nga ang grupo nila Lorcan pati na rin ang sa kapatid ko.

"May nangyari na ba?" Pagtatanong ng ama ko.

"She killed Jester." Pinasadahan namin ng tingin ang impormasyon ng lalaki. "At sa tingin ko ay isusunod na niya ang natitira pang tatlo mahal na hari." Sabi ni Licia.

"Then we should do something to stop her. She killed many people already." And that is not fine.

My sister deserves a better life.


KERES POV

Nang dumating ang gabi ay agad kaming nagayos ng nga gagamitin.

"Masyadong delikado yung lugar. Sigurado ka bang itutuloy natin 'to bossing?" Pagtatanong ni Nico.

"Hindi tayo nagsayang ng oras para lang umatras." Hinigis ko kay Raven ang susi ng kotse ko.

Tatlo ang dala naming sasakyan pero mas pinili kong sumabay nalang kay Raven.

"Huling tanong, tuloy ba bossing?" Nilingon ko sila ng makarating sa garahe.

"Kung ayaw niyo, wag na kayong sumama." Umikot ako para makaupo sa passenger sit.

Inayos ko ang gloves at iba pang susuotin para mamaya. Ngayon suot ko ay itim na slacks, puting long sleeve na nakabukas ang unang dalawang butones, itim na heels.

Inilagay ko ang baril sa dalang pouch pagkatapos ipitan ang buhok. Mahirap na baka maging sagabal pa mamaya.

"Alam mo bang ang sexy mo sa suot mo bossing? Wag kang ganyan baka isipin kong inaakit mo ako." Nangaasar na sambit ni Raven.

"Hoy Ravena! Ang landi mo ah!"

"Palit tayo pre!"

"Tss. Manyakis."

Napangiwi ako ng saglit na marindi sa ingay nila mula sa earpiece.

Pagkatapos ng kalahating oras ay pare-pareho kaming naglakad papasok sa isa sa mga company na pagmamayari ni Davin.

'Soleman's Co.'

"Hanep pre. Labas palang mukang malaki na talaga kinikita ng bebe Davin mo." Naiwan si Clint sa isa sa mga tagong parte malapit sa lugar para mag matyag.

"Stay focus, Christian. Stop playing around." I scolded him.

"Karma." Asar pabalik ni Clint. Bilib din ako sa kanila e. Halos mapanis na ang laway ni Clint sa sobrang tahimik. Sila lang nakakapag pasalita jan.

Agad kaming nagseryoso ng dumating si Soleman. Pinaraanan ko ng tingin ang nakabantay na tauhan sa kaniya.

"Labin-lima. OA amputcha." Asik ni Adrian.

Tinaggap ko ang pakikipagkamay niya. "Nice to meet you, Miss Fernandez." Itinago ko ang ngisi ng banggitin niya ang peke kong apelido.

"Nice to meet you too." Pormal na sambit ko.

Matalim ang titig ko sa kaniya kapag nalilihis ang tingin niya.

Lahat ng kayamanang meron siya ngayon ang nanggaling sa amin. Lahat ng kumpanyang pagmamayari niya ay pagmamayari namin. Pinalabas nila na maruming mamuhay ang kinalakhan kong pamilya, imbis na sila ay sila daddy ang pinagkamalan sa pagnanakaw ng produkto nilang ecstasy.

Kasamahan niya sila Jester sa grupo. Kaya't pinagkaisahan nila ang pamilya ko sa pagaakalang totoo ang sinabi nito.

"I didn't expect that a beautiful lady like you is interested in this kind of business." He seemed amused as he said those words.

Malamang ay natutuwa siya dahil akala niya ay magagamit niya ako para kumita siya.

I smiled. "Well, you should never judge a book by it's cover." Makahulugan kong sambit. "You're business is really successful that made me want to be a stockholder of your company. I wonder what is your secret to have this success." I smirked.

Pagak siyang tumawa bago nagmamalaking magsalita, "Well I think I am good enough to have this kind of life. The truth is I don't have my own family yet, so I think that is what's missing."

Good enough? Nah. You don't even deserve to have someone to continue your bloodline because I'll end it tonight.

"If you're interested, I can offer you that." Mayabang na sabi niya.

"Sorry to disspoint you but I am taken." Pagsisinungaling ko.

"Ohh is that so? May I now who's the lucky man then?" He intergued.

"You don't have to know." Napalingon kami sa pintuan ng office niya ng may magsalita doon.

"Who are you?" Ngayon ay bakas na ang pagtataka at pagka alerto sa boses ni Soleman.

"Her husband." He said before taking out a gun.

Naramdam ko nalang ang sariling tumatakbo palabas habang nagsisimulang gumuho ang gusali.

What the fuck is happening?





TAME SERIES 1: Taming Keres Where stories live. Discover now