Chapter 89 "Grand Ball"

Start bij het begin
                                    

"You are the most beautiful girl in this grand ball"

Lumapit ako kay Flair at kumapit sa braso niya.

"Ang pogi mo" kinikilig na bulong ko.

"I'm not" napanguso siya.

"Ang perpekto mo" ngumiti ako sa kaniya.

"Maliit na bagay" maloko niyang sabi.

Sinalubong kami ni Kean, Carme, Lance, Clench, Ali, Rev at Arah.

"Ang ganda mo, bebs!" sabi ni Carme habang pinapasadahan ang hitsura ko.

Pinasadahan ko din ang hitsura niya. Naka-golden gown siya, hapit ang damit at talagang fit sa kaniya. Naka-messy hair siya at bumagay ang light pink na lipstick niya.

"Mas maganda ka, bebs! Tingnan mo nga sarili mo" sabi ko at yumakap sa kaniya.

Si Ali ay naka-red at sobrang daring ng suot na halos luwang-luwa ang dibdib niya at kahit sinong lalaki mapapalingon sa kaniya. Si Arah ay naka-black na simple lang pero bumabagay sa mahinhin niyang personalidad.

Ang poging tingnan nina Lance, Rev, Kean at Clench sa kanilang tuxedo.

Nagsimula ng pagpatugtog ng kanta. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar napakaganda at halos magmukhang umaga na sa dami ng ilaw. Napansin ko ang nakatitig lang sa aking si Flair. Nakangiti siya at talagang 'di maalis ang tingin niya sa mukha ko.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya.

"Parang gusto kitang iuwi at itago hahaha" iniakbay niya sa likod ng upuan ko ang kamay niya.

"Possessive?" tumatawa kong sabi.

Nagsalita ang emcee at tinawag ang Laurente movers. Hindi kami sasayaw dahil ibinigay na sa amin ang moment na ito ni Patricia. Namamangha kong pinanood ang sayaw nila pero nalungkot din dahil hindi ko na makakasama ang Laurente Movers dahil lilisanin na namin ang Unibersidad de Laurente.

Nagsipagtayuan na ang mga tao at nagsimula ng sumayaw.

"Can we dance?" nakalahad ang kamay na sabi sa akin ni Flair.

"No" biro ko.

"Okay, I better invite Marie" akmang tatalikod siya pero pinigilan ko siya.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumawa siya.

Dug.dug.dug.

"Selosa ka na ngayon?" pang-aasar niya.

"No!" nakasimangot kong sabi.

"Halika na sayaw na tayo" hinila na ako ni Flair sa gitna tumabi kami kay Lance at Carme na todo sa ka-sweetan na sumasayaw. Nakahilig pa sa dibdib ni Lance si Carme. Nakakatuwang isipin na ang tagal na nila.

Ihinawak ni Flair ang kamay ko sa balikat niya at nilagay ang kamay niya sa baiwang ko.

Dug.dug.dug.

No Ordinary Love
By: MYMP

This could have been just another day
But instead we're standing here
No need for words, it's all been said
In the way you hold me near
I was alone on this journey
You came along to comfort me
Everything I want in life is right here

Napapikit ako sa ganda ng kanta. Isang lumang tugtugin pero ramdam mo ang matinding damdamin sa liriko.

"Sobrang ganda mo, baby" nakatitig siya sa akin ngayon at sumasayaw kami ng marahan.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu