Chapter 67

76 12 0
                                    

Michelle's POV

Nang makarating kami ng probinsya ay dali dali kaming tinawag ni tatay sa kanyang kwarto para kausapin.

Agad kaming napaupo sa kanyang kama habang siya ay dahan dahang umuupo sa kanyang racking chair.

"Nakita ko kung papaano mo tingnan yung bata at ang anak mo. Mabait si Dalaney at wala akong may nakikitang ikakapahamak ng anak mo." saad sa akin ni tatay at nagulat naman ako.

Alam ko namang mabait na bata si Dalaney pero hindi ko lang tangap na may relasyon silang dalawa ni Xiana. I admire her maturity and straight forward pero hindi ko maatim na huhusgahan sila dahil sa kung anong namamagitan s akanilang dalawa.

"Kahit hindi magkwento ang batang iyan sa rising akin ay alam ko na anong nangyari. Alam kong may ginawa ka." Seryosong saad ni tatay sa kasabay ang pagturo sa akin.

"Eh hindi nagkwekwento yang apo mo sa amin at natututo nang magsinungaling. At tay papaano mo nalamang may karelsayon na kapwa babae ang apo mo samantalang sa amin ay hindi nagkwekwento." Mariing saad ko at nakita kong nakapikit lamang si tatay.

He seems to be listening to as he nods frequently while I'm talking. Nang dumilat ang kanyang mga mata ay tiningnan nya ako ng mabuti.

"Ayan, yan ang rason kung bakit hindi nagsasalita ang anak ninyo. Alam nya kasing ganyang ang magiging reaksyon nyo sa kanya. Alam nyang magbubunganga ka kaagad kahit hindi mo pa siya napapakingan." Deretsang panunuway sa akin ni tatay.

Tila hinampas ako ng katotothanan sa kanyang mga sinasabi sa akin.

"Ang anak nyo ihahalitulad natin sa isang vase. Sinidlian nyo ng kaalaman, karunungan, aral, payo at pananampalataya. Sinisidlan nyo ng kahit anong pangaral sa kanya at pinapakingan nya iyon, tulad sa vase sinasalo nya lang kung anong gusto nyong ilagay. Pero pag ang vase na ito ay nasagi at nahulog hindi ba't mawawasak at kakalat lahat ng mga isinilid nyo roon? Katulad lang yan sa anak ninyo sinidlan ninyo ng lahat pero lumapas kayo sa limitasyon at hindi nyo namalayang nasagi nyo pala siya dahil sa mga salita ninyo. Depresyon ang aabutin ng anak ninyo, hindi nya alam kung papaano pagtatagpi tagpiin ang mga nabasag sa kanyang sarili." Pagpapaliwanag sa amin ni tatay.

"Ang anak nyo ay napakabuting bata, sinusunod lahat ng gusto ninyo pero minsan nya lang piniling maging masaya. Nung ikinuwento nya sa akin iyon ay takot na takot siyang hindi ko siya matatangap. Natatakot siyang mapagalitan at magkamali dahil alam nyang magagalit kayo. Subukan nyong pakingan ang anak ninyo at wag nyong pairalin ang galit ninyo dahil wala kayong makukuha roon." Pagdadagdag ni tatay sa akin.

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Blue, parehong pareho sila ng sinasabi ni tatay. Hindi ko aakalaing kasing edad lang ng anak ko ang magbibigay ng ganoong payo sa akin.

"Pero hindi ko alam kung papaano sisimulang kausapin siya." Nalilitong saad ko.

Nakita ko namang sumilay ang isnag ngiti sa mga labi ni tatay. Ang ngiting iyon na naghuhudyat na kailangan kong kumilos.

"Ikaw lang ang nakakakilala sa iyong anak Michelle alam mo kung paano siya kakausapin." Matalinhagang saad nya sa akin.

Napaisip naman ako kung papaano ko ba kakausapin ang anak ko. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Michelle, naalala mo pa ba nung lumalaki kayo yung mga edad nyong katulad rin Xiana yung papasok na kayo ng college." Saad ni tatay at napatingin naman ako sa kanya

"Hindi ba't hinayaan namin kayo ng inyong mama na gumawa ng kamalian at hanapin ang inyong mga sarili. Ganyan rin ang anak nyo, kung alam nyong hindi nakakasama sa kanya suportahan ninyo at intindihin nyo. Bilang magulang ay natural na sa ating dumisiplina ng anak pero kailangan rin nilang masaktan para matuto silang bumangon sa kanilang pagkakamali. Alam kong mahal natin ang ating mga anak at ayaw nating masaktan pero proseso na iyan ng buhay na kinakailangan mong masaktan para malaman mong buhay ka at matuto." Pagkwekwento sa akin ni tatay.

Natahimik ako at inaalala yung nasa college kami. Totoong hinayaan kami ni tatay na makilala ang mundo, hinayaan nya kaming masaktan at nariyan lang sila para damayan kami, intindihin at gabayan. Baka nga nagkakaganito ako dahil natatakot akong masaktan ang aking anak sa paghuhusga ng mga taong nakapalibot sa amin.

Xiana's POV

Nakaupo lang ako sa balcony habang nakikinig ng music. Ramdam ko ang simoy ng hangin na napakalamig at nakakarelax. Napalingon ako nang umupo si mama sa tabi ko. Kinakabahan ako na baka papagalitan nya ako dahil sa nangyari kanina.

Sinenyasan nya akong tangalin ang earphones ko. Tinangal ko naman ang earphones ko at kabadong kabado sa sasabihin sa akin ni mama. Better na ihahanda ko na ang aking sarili sa kanyang sasabihin.

"Ma kung tungkol poi to kanina sorry po. Gusto lang po kasing makilala ni tatay si Dalaney, sorry kung mas naunang nalaman ni tatay ang tungkol sa amin kesa sa inyo." Pagdedepensa ko kaagad. Mahirap ng hindi ako papakingan ni mama at papagalitan nya ako.

Nakita ko lang siyang napailing sa akin kaya nagtaka ako kung anong gusto nyang ipahiwatig.

"Naiintindihan ko. Sorry sa mga nasabi ko sa iyo noon, sorry kung hindi kita napakingan at pinairal ko ang emosyon ko. Naririnig ko ang bawat paghikbi mo tuwing gabi dahil sa mga ginawa ko." Saad ni mama habang sinusuklay ang buhok ko.

Nakikinig lang ako sa kanya, ramdam ko ang sinseridad sa kanyang boses.

"Ayaw ko lang kasing huhusgahan ka ng tao dahil sa relasyon nyo ni Dalaney. Patawad anak kung hindi ko naunawaan kaagad at sorry kung dahil sa akin ay nasira ang relasyon nyong dalawa." Pagpapatuloy na saad ni mama.

Nagulat ako nang tumulo ang luha sa akin mga mata. All I want to hear from her ay yung mga katagang naiintindihan nya ako. Yun lang naman ang gusto ko galing sa kanya.

"Sorry sa mga pagkukulang ko sa iyo. Sorry kung hindi kita inintindi at kung pinaramdam ko sa iyo ang galit ko. Baka nga tama si Blue na naapektuhan ka ng husto sa mga ginagawa ko sa iyo. Baka nga tama siya na hindi ko nakikita kung ano nga ba ang relasyon nyong dalawa, na ginawa kang matatag ni Dalaney sa relasyon nyong dalawa." Pagpapaliwanag ni mama sa akin.

Napakunot noo naman ako nang marinig ko ang pangalan ni Blue. Pinunasan ko ang aking mga luha at nagtatakang tiningnan si mama.

"Ki-kinausap ka ni Blue?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at napatango naman siya.

"Oo sinabi nya ang lahat lahat sa akin. He was right ikaw ang naapektuhan at walang mas masakit na panghuhusga maliban sa mundo ay yung panghuhusgang galing sa pamilya mo. Anak sorry kung naging sirado ang pagiisip at paguunawa ko sa iyo. Sorry sa mga sinabi ko, sorry sa lahat lahat—" saad ni mama pero agad ko naman siyang pinutol.

"Ma, matagal na kitang napatawad. Tangap kong iyon ang parusa ko mula sa pagkakamali ko at hindi pagsunod sa inyo. Ma alam kong masakit makipaghiwalay sa taong mahal ko pero mas masakit mawalan ng pamilya. Importante kayong pareho sa akin pero mas importante kayo para sa akin kasi hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa inyo. Kaya sorry rin sa mga nagawa ko sa inyo." Umiiyak kong saad sa kanya.

Hinawi nya naman ang aking buhok at pinapakalma ako.

"Shh, pwede mo namang balikan siya eh." Saad ni maam at napailing naman ako sa kanya.

I can't just go back that instance, babalikan ko mang siya kapag handa na ang lahat na tangapin kami.

"No ma, kayo muna bago ako." Saad ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi saka ko siya niyakap.

I miss her motherly scents, I miss this hugs and especially I miss my mother.

"I love you anak." Saad ni mama sa pagitan n gaming pagyayakapan.

"I love you more mama." Saad ko sa kanaya at binaha ko siya ng mga halik sa pisngi.

I know it sounds so childish but I miss kissing my mom like this and it makes me remind who I really was. And who am I as a daughter, walang childish o nakakahiya sa pagpapakita mo ng pagmamahal mo sa iyong magulang. 

At SixteenWhere stories live. Discover now