Chapter 29

87 21 3
                                    

Pagkatapos namin maglambingang dalawa ay agad naming inayos ang mga gamit namin. Paalis na sana siya nang dumating si papa.

"Oh nak may bisita ka pala." Saad ni papa sa akin at nakaramdam ako ng kaba pero dali dali namang lumapit si Dalaney kay papa at nagmano.

"Mano po." Saad niya habang nagmamano kay papa.

Naku patay paano kung malaman ni papa na kasintahan ko pala si Dalaney naku patay ako nito.

Mabilis ang kabog ng puso ko habang nakatingin sa kanila, naglakad naman si papa papalapit sa kanya at nagmano. Dumeretso naman siya sa kusina kasabay nun ang paghawak ni Dalaney sa aking kamay kaya tila nawala ang kaba ko.

"Just go with the flow wag kang kabahan, hindi tayo mabubuko." Bulong nyang saad sa akin kasabay ang pag wink sa akin.

Napatango naman ako sa kanya, ako lang ata tong kinakabahan eh hindi nama kami mabubukong dalawa kasi hindi naman siya lalaki at iisipin lang naman nila papa na kaibigan ko siya.

"Anak ipakilala mo naman sa akin ang kaibigan mo." Masayang saad ni papa habang naglalakad papalabas ng kusina.

"Pa si Dalaney ng po pala kaibigan ko, Dalaney papa ko nga pala." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

Napatango naman si papa sa amin at napangiti, si papa naman kasi yung napaka friendly na tao. Kung titingnan mo sa unang tingin nakakatakot pero napakapilyo at napakabait yang tatay kong yan.

"Oh nagstudy kayong dalawa?" tanong ni papa sa amin, sasagot na sana ako nang naunahan ako ni Dalaney.

"Opo, kakatapos lang nga po namin at pauwi na nga po sana ako." Saad ni Dalaney kay papa at tila nagulat naman ito.

"Mag-gagabi na mabuti pa't rito ka na lang maghapunan, saglit lang magluluto na ako ng hapunan—Dalaney rito ka na kumain ha." Saad ni papa at napatango naman si Dalaney kay papa.

Bumalik naman si papa sa kusina, napaupo na lang ako sa sofa kasabay ang pagbuga ko ng hangin ko. Natatawang umupo sa tabi ko si Dalaney kasabay ang pagakbay sa akin.

"Kalma ka lang, inhale exhale." Saad nya sa akin at ginawa ko naman ang sinabi nya.

Niyaya ko siyang pumunta sa kusina para manood kung papaanong magluto si papa, habang nagluluto si papa ay maya't mayang tinatanong nya si Dalaney sa kung ano anong bagay. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita kong medyo nagkakasundo silang dalawa. Di kalaunan ay dumating na si mama galing school.

"May bisita pala tayo." Saad ni mama nang pumasok siya ng kusina kaya agad naman akong nagmano sa kanya at maging si Dalaney.

Naku po narito na si mama, pero kinalma ko lang ang sarili ko kasi baka mamaya ako pa ang dahilan na mabubuko kaming dalawa.

"Bebs si Dalaney kaibigan ni Xiana at school mate nya. Masiyahing bata rin maraming alam sa mga bagay bagay." Saad ni papa kay mama.

Napatingin naman si mama kay Dalaney na mukhang manghang mangha sa sinabi ni papa sa kanya, umupo naman si mama sa upuan at hinarap si Dalaney.

"Ganon ba." Saad ni mama.

"So Dalaney after Junior high nyo anong plano mo sa buhay?" tanong ni mama at napalunok naman ako.

Si mama kasi yung tipo ng nanay na mausisa sa kinabukasan ng mga kaibigan ko kaya nahihiya na lang ako minsan tuwing tinatanong nya ng mga bagay bagay na ganyan ang mga kaibigan ko. Pero hindi ko naman siya masisi kung bakit ganyan kasi siya ang panganay sa kanilang magkakapatid at laki sila sa hirap.

Tinulungan nya ang lahat ng kapatid nyang makatapos sa college and maging successful kahit siya yung nasa bottom line basta't makita nya lang ang mga kapatid nyang nasa maayos na kondisyon ayos na sa kanya. At ang side nila mama more on academics and achievements in schools kaya napasa sa aming magpipinsan maliban lang ata sa akin kasi hindi ako honro student.

At SixteenWhere stories live. Discover now