Chapter 31

78 22 6
                                    

Xiana's POV

Nagtext sa akin si Dalaney na hindi nya raw ako maihahatid pauwi ng bahay kasi sasamahan nya si Dlaire na bumili ng regalo para sa kanilang thanks' giving party. Tamang tama rin kasi aayusin pa namin ang claasroom para bukas.

"Xiana kain muna tayo bago magdecorate." Pagaaya sa akin ng mga kaklase ko.

"Sige saan tayo kakain?" sagot kong tanong sa kanila kasabay ag pagkuha ko ong bag ko.

"Backgate lang tayo para makabalik tayo kaagad." Saad ni Diana sa amin at sumangayon naman kaming lahat.

Paalis na sana kami nang magsalita si Addy.

"Hihiwalay muna kami sa inyo kasi bibilhin namin ang mga kailangan rito sa room." Saad ni Addy habang nasagilid nya si Wilard na boyfriend nya.

Sumangayon naman ang lahat sa sinabi ni Addy kaya kami lang ang kumain sa backgate maliban sa iilang boys namin na kakain raw sa down town at aasahan mong hindi nay un babalik pa para tumulong sa amin mag decorate ng room.

Naglalakad na kami papuntang back gate nang may marinig kaming pagtawag sa amin kaya napatigil kami at napalingon kung sino iyon. Nakita namin si Blue na tumatakbo papalapit sa amin kaya nagbulong bulungan ang mga kaklase ko.

"Diba sasama yan sa mga lalaki na kakain sa down town?" bulungan nila.

Kasi halos lahat ng kakain sa back gate ay mga babae at ang lalaking kasama lang namin ay yung mga boyfriends ng iba kong mga kaklase.

Nang makarating sa amin si Blue ay tila hindi ito hinihingal at pinagpawisan, tama nga naman baseball player siya kaya mataas ang stamina nya.

"Pwedeng sumabay na lang ako sa inyo para makatulong na ako sa pagdedcorate sa inyo mamaya." Saad ni Blue sa amin nang makarating siya.

Himala naman atang makikisama siya sa mga babae, kasi siya yung tipo ng lalaking hindi sasama sa mga babae kung hindi nya kasama ang mga tropa nyang lalaki at kung sasama rin siya sa mga babae ay pili lang rin.

"Se-seryoso ka?" gulat na tanong sa kanya ni Hanna at napatango lang siya.

Nakakunot noong nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin kay Hanna.

"Oo baka kasi kailangan nyo man power mamaya kaya sasabay na lang akong kumain sa inyo at lutong backgate lang naman yan kaya tara na, mamaya maubusan pa tayo ng pastil wala tayong makakain." Saad nya kung kaya napatango na lang ang mga kaklase ko at nagsimula nang maglakad muli.

Nakatingin lang ako sa kanya nang bigla nya akong lingunin kung akaya't napaiwas tingin ako sa kanya kasabay ang pagaaya ko sa kanyang maglakad.

"Himala atang sumama ka sa mga babae ngayon na wala ang mga tropa mo." Saad ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa papuntang backgate.

"Wala eh may mga date yung maga mokong ako lang wala kaya tutulong na lang ako sa inyo." Saad nya habang naglalakad at nakapamulsa.

Napatango lang ako sa kanya habang naglalakad, napatabon naman ako ng noo ko nang masikatan ako ng sinag ng araw.

"Iba na talaga ang klima ngayon noh ang in—" napatigil ako sa pananalita nang bigla nyang inilgay sa ulo ko ang kanyang kalo.

Nagulat ako at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko, hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o nagulat ako sa ginawa nya.

"Yan para hindi ka mainitan." Saad nya kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko lang siyang nakangiti.

Agad ko naman siyang tinulak kasabay ang pagtawa ko sa kanya.

At SixteenWhere stories live. Discover now