Chapter 37

56 17 10
                                    

Ilang araw na ang lumipas and we celebrated our first monthsary nothing special happened, kumain lang kami sa resto ng tita nya. We wanted o be exclusive and be matured in our relationship.

Giving gifts are part of expressing your love too your partner but in our situation we need to be wise enough for our future. It doesn't mean that we don't give love letters and gifts on our first monthsary it doesn't mean that we don't love each other.

Gift is just a gift, stuff you will display and a remembrance but you know what is the greatest gift in your relationship? Is the gift of love, time, patience and growing together.

Kakarating ko lang sa floor namin at nagkakagulo ang mga kabatchmates ko. Napakunot noo lang ako habang naglalakad pero napansin kong bawat estudyante ay tila may pinapanood na kung ano.

Hindi ko lang sila pinansin hangang sa may nakita ako sa bulletin ng batch namin. Lumapit ako roon para tingnan at nakita ko ang isang litrato ng isa sa mga kabatchmates namin na may nakasulat na "The biggest slut in the campus"

Hindi ko kilala yung kabatchmate kong yon pero ano bang ginawa nyang masaa para ibully siya ng mga batch mate ko ng ganito? Matagal tagal na rin na walang may nailalagay na picture ng student sa bulletin namin kaya nakakapagtaka kung anong nangyayari ngayon.

Dumeretso lang ako sa classroom namin at nadatnan ko ring nakatingin sa phone ang mga kaklase ko. Habang yung ibang boys ay nasa likod habang may pinapanood sa phone nila.

Umupo lang ako sa upuan ko habang patuloy pa rin nagtataka kug anong nangyayari hangang sa lumapit sa akin si Addy na tila natataranta sa nakita nya sa phone nya.

"Alam mo na ang balita?" anligagang saad nya sa akin, napakunot noo naman ako sa aknya.

"Yung may bagong student naman na may ginawang masama rito sa school na nakapaskil sa bulletin?" tanong ko sa kanya at napatango naman siya sa akin.

"Ano bang gianwang masama nya?" tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga naman siya sa akin at napailing.

"You are really a hopeless person. Wala ka talagang pakealam sa mundo noh." Saad nya sa akin at napangiti lang ako sa kanya.

"Kilala mo si Aubrie yung malandi ng section C?" tanong nya sa akin.

Seryoso ko naman siyang tiningnan.

"Malandi talaga? Grabe ka sa malandi na term, hindi naman natin alam kung anong totoo eh at saka masamang manghusga."

Naabuntong hininga naman siya sa akin at tiningnan ako na tila naluging intsik.

"You are so hopeless— anyways, kasi ganito yun may kumakalat na scandal sa buong batch sabi ng mga boys nung intramurals pa raw iyon nangyari. May kumakalat na raw nung December pero hindi pa ganon kalala sa nangyayari ngayon." Pagkwekwento sa akin ni Addy.

Nagulat ako sa narinig ko, may ganon palang babae? Pero anyways hindi naman ng tao ay katulad ko na napaka formal at may respeto sa sarili.

"Talaga?" saad ko sa kanya at napatango naman siya.

"Gusto mo makita yung video?" tanong nya sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi nya at napailing naman ako sa sinabi nya.

"Yucks, ayaw ko nga." Nandidiring saad ko sa kanya at napamura naman siya ng mahina. "Pero nasaan na si Aubrie?" tanong ko sa kanya.

"Edi andon sa POD paniguradong suspended na iyon at panibagong drama na naman sa theatre dahil sa nangyari." She broadly said to me.

Nagkwnetuhan lang kami sa kung anong nangyayari. Sabi nya pa kalat na kalat na raw ang video sa buong campus at alam na rin ng mga grade seven ang tungkol rito. Nakaramdam ako ng pandidiri at awa sa kanya pero pinili nya rin kasing gawin iyon kaya hindi ko masisising papagalitan siya.

At SixteenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora