Chapter 40

76 18 3
                                    

"Water break guys, water break!" sigaw ng kaklase namin.

Napaupo naman ako sa sahig kasabay ang paghiga ko dahil sa pagod namin sa practice ng sayaw para sa product namin sa mapeh for fourth quarter dahil sa ipeperform raw namin iyon para sa family day 2 weeks from now.

Nakahiga lang ako at nakatingala nang may makita akong isang water bottle sa itaas ko kaya napatingala ako at nakita kong si Blue iyo. Agad ko namang kinuha iyon kasabay na naupo at ininom ang tubig na binigay nya sa akin.

"Salamat ha." Saad ko sa kanya matapos kong ubusin ang tubig na binigay nya sa akin.

What a relief, napakasarap uminom ng malamig na tubig after mong mawalan ng maraming pawis sa katawan.

"Naku ba't mo inubos pinapapabuksan ko lang sa iyo inubos mo na lahat." Saad nya sa akin.

Nasamid ako sa sinabi nya kaya napalingon ako sa kanya. Pianapabuksan nya lang pala sa akin akala binigay nya sa akin.

"Ay adik ka bakit hindi mo sinabi."

Natawa naman siya sa akin kasabay ang pagkurot sa aking pisngi.

"Biro lang ikaw ang seryoso mo talaga." Saad nya sa akin at nagmake face lang ako sa kanya.

Nagkukulitan lang kaming dalawa hanggang tinawag na kami muli ng leader namin para mag practice muli. Sayaw rito sayaw doon, mali rito mali roon. I'm not good a dancing hip hop I mostly dances ballet or imperso.

Nagtatawanan lang kami habang nagkakamali kami sa bawat sayaw na tinuturo sa amin. Natatawa na lag rin ako dahil isa rin ako sa mga nagkakamali sa sayaw namin.

"Ok guys yun lang para ngayong araw para magawa pa natin ang ibang products natin." Saad ni Hanna sa amin at natuwa naman ang mga kakalase namin.

Naglakad ako papunta sa bag ko para kunin ang cellphone ko para itext si Dalaney, habang tinetext ko siya ay lumapit si Blue sa akin na mukhang may sasabihin.

"Bakit?" abala kong tanong sa kanya.

"Lunch tayo, libre ko." Saad nya sa akin.

"Sige san? Sino kasama?" tanong ko sa kanya kasabay ang paglagay ng phone ko sa bulsa ko.

"Mcdo tayo, tayo lang dalawa mukhang wala rin kasing sasama sa atin eh." Sagot nya sa akin.

Napaisip naman ako kung papayag ako at saka wala pa sumasagot si Dalaney sa akin kung saan siya kakain.

"Ano sasama ka?" muling tanong nya sa akin.

Sasagot na sana ako nang magreply si Dalaney kaya agad ko namang kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa.

From:La

Sorry La hindi ako makakasabay maglunch sa iyo may practice pa raw kasi kami, babawi ako sa susunod muah muah.

To: La

Sige, kumain ka ha. Sasama muna ako kay Blue na kumain, magingat ka pauwi.

Matapos kong replyan si Dalaney ay agad kong hinarap si Blue.

"Sige tara, Mcdo." Saad ko sa kanya.

Napatango naman siya sa akin kasabay ang pagkuha nya ng bag ko kaya nagtaka ako kung bakit nya kinuha ang bag ko. Ngunit hindi ko lang iyon pinansin at sumunod na lang sa kanya na naglalakad papunta sa kanyang kotse. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan kaya nagulat ako.

"Baliw ka ba may kamay ako noh kaya ko namang buksan ang pinto ah pero salamat." Saad ko sa kanya kasabay ang pagkindat at pagpasok ko sa loob ng kotse.

At SixteenWhere stories live. Discover now