Chapter 34

68 19 14
                                    

Ilang araw na ang lumipas nang matapos ang thank's giving namin at ngayon Christmas break na namin. May klase pa kasi ang college kaya may trabaho pa si mama at hindi pa kami makakauwi ng probinsya para magbakasyon.

Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakikinig ng playlist ng kamikazee sa radio wala naman akong magagawa rito sa bahay, malinis naman at nahugasan ko na ang mga plato kaya wala na rin akong magagawa rito.

Napaakap lang ako sa regalong teddy bear ni Dalaney sa akin nung thanks' giving party kasabay ang pagtingin ko sa kwintas na suot ko.

"Ano kayang mangyayari sa akin sa Australia?" bulong kong tanong habang napapaakap sa teddy bear.

Pagdating ko sa Australia magisa lang akong magsasapalaran roon, wala akong poster parents at hindi ko alam kung saan ako titira roon.

"Makakaya ko kayang magisa roon?" mahinang tanong ko sa sarili ko.

Nakahiga lang ako habang iniisip ko kung anong mangyayari sa akin sa Australia kung nandon na ako.

"Nak, Nak gising na hapon na." rinig kong saad sa akin kasabay ang pagtapik sa akin.

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko si mama na nasa harapan ko, nagunat ako ng katawan ko saka ako bumangon mula sa pagkakahiga ko. Nakatulog pala ako, tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong may missed calls si Dalaney at iilang text.

Nireplyan ko lang siya saka ako lumabas ng kwarto ko at dumeretso sa kusina kung nasaan sila mama. Nadatanan ko si papa na umiinom ng kape habang si mama ay binabasa ang mga letters galing sa university. Dumeretso ako sa despenser at umuha ng tubig saka umupo sa upuan.

"Nak tingnan mo ito." Saad sa akin ni mama kasabay ang pagabot ng isang envelop sa akin.

Agad ko namang tiningnan at letetr pala iyon sa akin ng embassy patungkol sa scholarship ko papuntang Australia.

"Sigurado ka na ba jan?" rinig kong saad ni mama sa akin habang binabasa ko ang sulat.

"Opo naman po sayanng naman po ang opportunity, Australia na po iyon at saka alam ko naman pong mahirap na mawalay ako sa inyo pero konting sakripisyo lang po ito after 5 years may anak na kayong nurse at malaki po ang sahod don pag nakagraduate na po ako." Saad ko sa kanila.

Napatingin lang sa akin ng seryoso sila mama at papa kaya bumuntong hininga lang ako. Tumayo ako sa kinauupuan ko saka ako lumapit sa kanila para yakapin sila at lambingin.

"Wag po kayong magalala sa akin, kaya ko po ang sarili ko at para naman po makatulong ako sa inyo sa bayarin sa mga utang natin." Saad ko sa kanila.

Hinawakan naman ni papa ang kamay ko kasabay ang pagtingin sa akin.

"Anak hindi Pilipinas ang Australia, iba ang mga tao roon. Sigurado ka bang kaya mo ang sarili mong magisa ron? Baka mamaya maglalakad ka lang sa daan may gagawa ng kalokohan sa iyo." Nagaalalang saad sa akin ni papa.

Napangiti naman ako at niyakap ko siya kasabay ang paghalik ko sa pisngi nya.

"Alam ko po, pero diba po kayo ang nagturo sa akin kung papaanong maging matatag. Strong kaya tong anak nyo tulad niyo." Saad ko sa kanya kasabay ang pagkindat.

Napangiti naman si papa sa akin kasabay ang pagpingot ng ilong ko kaya napangiti ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you pa, gagawin ko ang lahat para sa inyo ni mama." Saad ko sa kanila at niyakap lang ako ni mama.

At SixteenWhere stories live. Discover now