Chapter 46

56 14 0
                                    

Umuwi ako sa bahay habang kumakain ng ice cream, nakaupo lang ako sa lamesa habang naguusap sina mama at papa.


Nakatingin lang ako sa malayo, wala akong may naririnig ang bukod tanging nasaisip ko lang ay may nasaktan akong tao dahil sa pananalita ko. At ang istoryang aking pinaghirapan ay hindi binigyang halaga.


Habang nakatingin ako sa malayo ay naramdaman ko ang dahan dahang pagbuhos ng aking mga luha. Patuloy lang ako sa pagkain ko ng ice cream habang sunod sunod na tumutulo ang aking mga luha.


Tila papel ako nang hawakan ni papa sa balikat, dahan dahan naman akong napatingin sa kanya at nakita ko ang nagaalalang mukha nya.


"Bakit ka umiiyak may masakit bas a iyo?" saad ni papa sa akin at napangiti lang ako sa kanya.


"Masarap po yung ice cream kaya umiiyak ako." Saad ko at rinig ko ang pagkabasag ng aking tinig habang sinasabi ko iyon sa kanya.


Napakunot noo naman siya sa akin. Iniharap naman ako ni mama sa kanya at nakita ko ang nagaalala nyang mukha sa akin.



"Hindi ka umiiyak pag hindi ka nasasaktan, hindi ka iyaking bata, anong nangyari?" mahinahong tanong ni mama sa akin.


Mas lalong bumuhos ang aking mga luha habang inuubos ang aking ice cream. Nang matapos kong kainin ang ice cream ay agad akong napailing sa kanila kasabay ang pagpunas ng mga luha ko.


"Ayos lag po ako. Diba wala pong Martinez at Lim namahina?" basag kong saad sa kanila at nagaalalang napatingin lang sila sa akin.


Agad namang hinawakan ni mama ang aking kamay. Batid ko ang kanyang pagaalala sa akin kaya napayakap na lang ako sa kanya at naramdaman ko ang paghagod nya sa aking likuran.


Ikinuwento ko naman sa kanila ang nangyari at nagulat sila sa aking sinabi marahil kilala nila si Blue simula elementary pa lamang kami.


"Hayaan mo na nak, baka hindi nila nakikita ang galing mo. Antayin mo darating ang araw na magsisisi sila kung baki ganon ang kanilang pagtrato sa iyo." Saad ni mama sa akin.


"Baka anak nakikita ni Blue ang sitwasyon ng istorya sa istorya ng kanyang buhay. Kaya pabayaan mo na si Blue intindihin na lang natin kahit alam kong nasasaktan ka. Pero ito sasabihin ko, tatalikuran ka man ng buong mundo, talikuran man nila ang gawa mo narito pa rin kami para suportahan ka." Saad ni papa sa akin kaya mas lalo akong naluha at niyakap sila ng mahigpit.


Nakalimutan ko nga palang ginagawa ko pala ang bagay bagay hindi para sa papuri ng iba dahil meron akong avid fan na nasa likuran ko. Ginagawa ko ang bagay bagay dahil para sa sarili ko at sa pamilya hindi para magyabang sa ibang tao.


Ilang araw na ang lumipas at presentation na ng play namin para sa Ap month presentation. We ended up with nothing, he also give up dahil sa pagpaparinig ko sa kanya at magpahangang ngayon hindi kami nagpapansinang dalawa.


Walang nagawa ang ibang officers at leaders kung hindi gumawa ng bagong script in last minute. Natapos rin naman ang play namin para sa AP month pero kulang sa emosyon at mukhang minadali ang pagkakagawa.

At SixteenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora