Chapter 16

119 37 23
                                    

Maaga kaming natapos sa dart practices namin kaya pumunta na ako sa soccer field para lang man makapanood ng laro ni Vince, habang naglalakad ako papuntang soccer field ang naalala ko yung advice sa akin ni tatay kanina. I still wonder how, oh God help me.

Habang naglalakad ako papuntang field namataan ko si Vince na may kausap na babae sa may kios, naglakad lang papunta sa soccer field baka kasi importante ang pinaguusapan nila habang naglalakad ako nakita ko kung sino ang kausap ni Vince it was Nycole, magkaibigan pala silang dalawa. I don't mind them at naglakad lang ako papunta sa may ilalim ng puno ng akasya habang nanonood sa practice ng ibang soccer team.

"Naguusap na naman silang dalawa?" rinig kong paguusap ng dalawang nagpapahingang soccer players sa likod ng puno, hindi ko maiwasang marinig akong kanilang pinaguusapan.

"Yun nga eh. Siguro kung hindi ko lang alam na nililigawan ni Vince si Xiana iisipin kong meron yung dalawa eh." Saad nung isa.

Napaisip ako, ayaw ko naming lagyan ng malisya yung paguusa nila ni Nycole pero bakit parag iba ang pinapahiwatig ng usapan nitong dalawang to. Well wala naman akong right spara magselos kasi hindi pa naman kaming dalawa and I fact we still have privacy in each other, I can't manipulate his life; I don't have the rights even if he is courting me.

Biglang nag break ang mga players kaya nagsibalikan ang ibang players doon sa kabilang parte ng puno para kunin ang mga gamit nila, narinig ko na lang na biglang sumigaw si Zichas.

"XIANAAAAAA!" sigaw nya kasabay ang pagtakbo papalapit sa akin, pagkaratin nya ay agad nyang ginulo ang buhok ko.

"Pabibo." Inis kong saad sa kanya, at tumawa lang siya kasabay ang pagakbay nya sa akin. Agad ko namang inalis ang kamay nya sa balikat ko.

"Umalis ka nga ang baho mo at ang pawis mo." Saad ko sa kanya pero patuloy nya pa ring ipinatog ang kamay nya sa balikat ko.

Nagasaran lang kaming dalawa nang bigla siyang higitin sa damit kasabay ang pagsuntok sa kanya at napahiga sa damo, nagulat ako sa nangyari kaya agad ko siyang nilapitan. Napatingala naman ako para makita kung sino ang sumuntok sa kanya at nakita kong si Vince.

"Oiy Vince anong problema mo?" angal na saad ng ibang mga soccer players.

Tiningnan ko siya ng masama kasabay ang pagalalay ko kay Zichas na tumayo mula sa pagkakahiga nya, pero agad akong hinigit ni Vince papalayo.

"Ali ka na." malamig nyang saad sa akin nung higitin nya ako pero agad kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya sa akin, napatigil siya sa paglalakad at napatingin ng masama sa akin pero agad ko lang siya sinampal.

"Sira ba ang ulo mo? Bakit mo sinuntok ang pinsan ko? Ganyan ba yung mga sinabi mo sa akin? Ganyan ba yung pinangako mo?" saad ko sa kanya at dali dali kong nilapitan si Zichas.

"Ayos ka lang chong?" tanong ko sa kanya at napatango lang siya habang hawak hawak nya ang kanyang panga.

"Magpinsan kayo?" gulat nyang tanong sa akin pero hindi ko lang siya pinansin, sinamahan ko si Zichas sa kanyang bag at kinuha namin iyon.

Sabay kaming naglakad dalawa papuntang gym para makapagbihis siya at makapagpahinga, habang naglalakad siya ay napatanong siya.

"Nililigawan ka ni Vince?" tanong nya sa akin at napatango lang ako.

"Naku, baka machumbang aketch ulit wafang fesh ko aketch." Pagaarte nya na tila bakla kaya agad ko siyang tinuking.

"Sira, susumbong kita kay tita na naging bakla ka nang suntukin ka ni Vince." Natatawa kong saad sa kanya, at maging siya.

Hindi alam ng halos lahat sa school na magpinsan kaming dalawa, as if kailangang malaman ng buong school ang family tracing? Hindi rin kasi halatang magpinsan kami kasi hindi naman kami magkapilyedo, magkapatid si papa at ang mommy nya kaya hindi talaga mapapagkamalang magpinsan kaming dalawa kasi hindi kami mag kapareho ng apilyedo. Pagkarating namin sa gym ay agad nagbihis si Zichas ng damit.

"Bakit kaya ang init ng ulo sa akin ni Vince, akala nya siguro pinopormahan kita, like ikaw? Eww!" saad nya kasabay ang pagmake face nya sa akin kaya tinulak ko lang ang mukha nya at natawa ako sa kanya.

"Ewan ko ba ang init ng ulo, nakakainis bigla bigla na lang manununtok, sabi nya pa nagbago siya pero parang hindi naman." Naiinis kong saad sa kanya at bigla naman siyang natawa kaya napatingin ako sa kanya.

"Normal lang yan sa kanya tuwing nakikita nya ang nililigawan nya na may kasamang ibang lalaki." Pagkwekwento nya sa akin, napairap mata na lang ako sa kanya.

"Tsk, nakakahiya bigla bigla na lang manununtok. Ako kaya manuntok bigla bigla hindi siya mahiya? Eihh nakakainis, bahala siya sa buhay nya." Naiinis kong saad sa kanya at natawa lang siya sa akin kaya tiningnan ko lang siya ng masama.

"Chill lang chong hindi ako kaaway mo, ano ice cream na lang tayo libre ko." Pagaaya nya sa akin.

"Ayaw ko nga nakakahiya at diba may practice pa kayo?" saad ko sa kanya at natawa siya lalo sa akin.

"Gaga nahiya ka pa sa akin magpinsan kaya tayo, upakan kita jan at saka tapos na ang practice namin kaya tara?" saad nya sa akin kaya natawa na lang ako.

"Ay pinsan pala kita akala ko nililigawan mo rin ako kaya ka naupakan kanina eh." Pagbibiro ko sa kanya.

"Sira." Saad nya sa akin at naglakad na kaming dalawa papuntang canteen habang nagaasaran pa rin kaming dalawa.

Dapat nga Xian yang pangalan nyang lalaking nyan kasi raw para pareho kami pero ayaw ni tita kasi magmumukha raw kaming kambal. Months lang ang pagitan naming dalawa nyan at magkasama kaming lumaking dalawa kaya chon gang tawagan naming dalawa at para nga talagang kaming kambal dati kasi magkapareho dati ang disenyo ng damit namin at kung ano ano pa.

Pagkarating namin sa canteen ay agad kaming bumili ng ice cream, and fact sa aming dalawa favourite food namin ice cream and sign of sorry namin sa isa't isa nun tuwing magaaway kaming dalawa is ice cream and habang lumalaki kami everytime na umiiyak ako or may mangaaway sa akin bibilhan nya ako ng ice cream para lang kumalma ako, kaya nga siguro nadala ko hangang ngayon.

Pagkatapos naming bumili ay magahahanap na sana kami ng mauupuan ng makita ko si Vince, kaya dali dali kong hinila si Zichas papalayo.

"Xiana." Tawag sa akin ni Vince pero hindi ko lang siya pinansin at patuloy ko lang hinila si Zichas papalayo.

"Xiana raw oh." Saad ni Zichas sa akin.

"Hayaan mo siya." Saad ko sa kanya at patuloy lang kaming naglalakad.

Patuloy lang kaming dalawa sa paglalakad hangang sa hinarang nya kami sa paglalakad at patuloy ko lang hinila si Zichas papunta sa area na makakaiwas kami pero patuloy lang kaming hinaharang ni Vince.

"Xiana kausapin mo naman ako." Saad nya sa akin.

"Bahala ka sa buhay mo." Saad ko sa kanya habang umiiwas sa kanya pero patuloy nya pa rin kaming hinaharang hangang sa hinawakan nya ang kamay ko kaya napatigil kami sa paglalakad at tiningnan ko siya ng seryoso.

"Bitawan mo ako kung ayaw mong ikaw ang unang lalaking masusuntok ko." Pagbabanta ko sa kanya, pero hindi siya natinag at patuloy nya pa ring hinahawakan ang kamay ko.

"Xiana kausapin mo ako please." Pagmamakaawa nya sa akin, kaya bumuntong hininga ako at napatingi sa kanya.

"BITAWAN MO AKO!" mariin kong saad sa kanya, naramdaman ata ni Zichas na naiinis na talaga ako kaya pumagitna siya amin para bitawan ako ni Vince.

"Pre, hayaan mo muna si Xiana, bitawan mo na ang kamay nya kung ako sa iyo. Kung ako ayaw kong makitang magalit si Xiana kasi ibang klase yan magalit." Kalmadong saad nya kay Vince kaya dahan dahang binitawan ni Vince ang kamay ko kaya napatapik lang si Zichas sa balikat ni Vince saka nya ako hinila paapalis roon.

Naglakad kaming dalawa pauwi sa bahay habang nagkwekwentuhan kaming dalawa para pakalmahin nya ako kasi baka raw mamaya mahigh blood raw ako hindi nya raw alam anong gagawin nya sa akin at mapapatay raw siya nila mama kaya natawa lang ako sa kanya. Pero aaminin ko sobra akong nainis kay Vince, padalos dalos at sa ginawa nya nakakaimmature tingnan, kung ganyan rin naman ang magiging boyfriend ko na basta basta na lang mananapak mabuti pang tapusin ko na tong ligawan na ito walang patutnguhan. 

At SixteenWhere stories live. Discover now