Chapter 12

135 35 40
                                    

"Kasi liligawan pa kita." Sagot nya sa akin that makes me shocked.

Is she playing a joke around me? Natawa na lang ako sa sinabi nya at mahinang napahampas sa kanyang balikat.

"Are you joking? Ako liligawan mo?" saad ko sa kanya at natawa ng malakas sa kanya, napatingin naman siya ng seryoso sa akin kaya napatigil ako sa pagtawa ko.

"Aren't you joking?" I asked her and she nod.

I felt so awkward in this situation, hindi ako sanay na ang kaibigan ko nagkakagusto sa akin and I have this rule in life na bawal akong magkagusto sa kaibigan lalo na sa boy bestfriends ko.

"Ahmm ano kasi Dalaney, I understand na you are lesbian and you like girls pero hindi ba awkward na magkaibigan tayong dalawa tapos liligawan mo ako? Tapos we are in the religious institution school tapos ganito? And alam mo naman dibang librarian ang nanay ko sa college department rito sa school. At papaano ku—" pagpapaliwanag ko sa kanya pero hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kamay nya na nakapatong sa kamay ko kaya kinuha ko ang kamay ko.

"I'm sorry Dalaney pero hindi ako papayag na ligawan mo ako, I'm so sorry." Deretsa kong saad sa kanya nung akmang magsasalita na siya.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay dali dali akong umalis sa harapan nya at tumakbo pababa ng hagdan, nung nasa pagitan na ako ng hagdan paakyat ng rooftop at hagdan pababa ng 5th floor ay napatigil ako at napahawak sa dibddib ko. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko marahill dahil na rin pagtakbo ko at sa nalaman ko mula kay Dalaney, pero nakaramdam ako ng guilt sa sinabi ko sa kanya. Napailing lang ako sa mga thoughts in mind ko, wala naman akong feelings para kay Dalaney pero bakit parang dinudurog ako nung sinabi ko iyon sa kanya.

"Xian nararamdaman mo lang yun kasi kaibigan mo siya ok?" saad ko sa sarili ko saka ako umiling at bumuntong hininga saka ako naglakad pababa ng hagdan at naglakad pabalik ng caregiving room, agad akong umupo sa tabi ni Zack at isinandal ang ulo ko sa kanya.

Nalilito na ako, ano ba tong nangyayari sa akin? Hindi naman ganito dapat diba? Magkaibigan lang kaming dalawa pero bakit nya naman ako liligawan?

Sa sobrang pagooverthinnk ko at nangigil ay bigla kong nakurot si Zack ng malakas kaya napasigaw siya sa sakit at nagsitinginan ang mga kaklase namin sa amin at maging an gaming TLE teacher.

"Mr. Coraza nakikita mo bang gumagawa ng product ang mga kaklase mo tapos bigla bigla ka na lang sisigaw jan, kung hindi mo kayang manahimik lumabas ka na lang." galit na saad sa ami ni maam Gem.

"Sorry po maam binangungot po ako eh sorry po." Pagrarason nya kay maam at tininglan lang siya ng masama ni maam saka bumalik si maam sa ginagawa nila ng mga kaklase ko.

Umupo naman si Zack sa tabi ko kaya dali dali ko siyang niyakap para humingi ng sorry sa kanya.

"Sorry Zackieee sorry sorry." Paglalambing ko sa kanya.

"Ehh pasalamat ka at kaibigan kita kung hindi nilaglag na kita kanina." Inis nyang saad sa akin kasabay ang pagkurot nya sa pisngi ko at saka nya ito binitawan kasabay ang pagtawa nya, napapout naman ako sa ginawa nya sa akin.

Pagkatapos ng TLE period namin ay bumaba na kami sa 4th floor kung nasaan ang mga classroom namin, pagkarating ko sa classroom namin ay agad kong pinatong ang ulo ko sa lamesa ko habang iniisip yung sinabi ni Dalaney sa akin sa rooftop.

"Oiy, oiy" saad ng isang boses habang tinutusok tusok ang ulo ko kaya napaangat ako ng ulo ko at nakita ko si Blue na seryosong nakatingin sa akin.

"Bakit?" wala sa mood kong tanong sa kanya.

"Upuan mo ba yan?" seryoso nyang tanong habang nakatingin sa akin.

Napaisip naman ako sa sinabi nya kaya napatingin ako ng maayos sa lamesa at nawala ang pencil holder ko sa lamesa ko kaya napalingon ako at nakita ko sa likod ko si Diana, papaanong nasalikod ko si Diana eh katabi yan ni Jaxon at nasa likod yan nila ako nakaupo. Kaya napalaki ang mga mata ko, naku patay hindi ko pala to upuan. Kaya dali dali akong napatayo sa kinauupuan ko.

"Hala sorry Blue akala ko upuan ko, sorry talaga." Paghihingi ko ng sorry kay Blue habang nilalagay nya ang bag nya sa upuan nya.

"Tsk lutang ka na naman." Saad nya sa akin kasabay ang pagpitik nya sa noo ko.

Napahawak naman ako sa noo ko kasabay ang pagtingin ko sa kanya ng masama, napansin nya at kaya tiningnan nya ako pabalik.

"Oh may kailangan ka pa?" tanong nya sa akin habang seryosong napatingin sa akin.

"Ang sakit nun ha." Saad ko sa kanya habang hawak ko ang noo ko, natawa naman siya sa akin.

"Sorry po." Saad nya sa akin kasabay ang pat nya sa akin sa ulo.

Kaya natawa ako sa kanya kasabay nun nagpaalam na ako at naglakad pabalik sa upuan ko aagd naman ako niligon ni Diana at tinanong kung anong nanyari sa akin, sabi ko lang namalik mata lang ako kaya ganon. Nagkaroon lang kami ng debate sa mga contemporaryong isyu, buong klase laban sa AP teacher namin nakakaenjoy lang kasi para kaming nasakorte na binabaliktad nya ang bawat sinasabi namin. Pagkatapos ng AP class namin ay agad kong kinuha ang bag ko saka ako lumabas ng classroom namin, medyo nalate nga kaminng pinalabas dahil sa naging debate namin. Pagkalabas ko ng classroom ay agad akong binungad ni Vince na nakasandal lang sa gilid ng pinto namin, agad nya akong sinalubong at kinuha sa akin ang bag ko. Napansin kong salikod ni Vince sa hindi kalayuan ay nakasandal si Dalaney sa railing ng lobby at nakatingin lang siya sa akin, napaiwas tingin lang ako at napatingin kay Vince.

"Napatagal ata kayo ng labas ha?" tanong nya sa akin.

Nagsimula na kaming naglakad pababa ng hagdan at yun kinuwento kong nagdebate kami nila sir about sa contemporaryong isyu, nagkamustahan lang kami about sa naging araw naming dalawa habang naglalakad papalabas ng main gate kasi sa gilid ng gate ay nandon ang mga street foods, lilibrihin nya raw ako. Nahihiya nga ako kasi hindi naman ako yung tipo ng tao na laging umaasa sa libre eh minsan ako pa nga yung manlilibre pero may times talagang nalilibre ako out of the blue. Pagkalabas namin sa main gate ay agad kaming pumunta sa isang street food cart.

"Anong gusto mong kainin?" tanong nya sa akin.

"Seryoso ka ililibre mo talaga ako?" paninigurado ko sa kanya at natawa naman siya kasi kanina ko pa siya tinatanong kung seryoso ba talaga siyang ililibre ako.

"Oo nga, anong gusto mo? Kwek kwek? Fish ball?" tanong nya sa akin.

"Kwek kwek lang tapos yung tagsingko na four season." Sagot ko sa kanya at inorder nya naman iyon kasabay ang pagorder nya ng isaw at tagsingko ring ice tea.

Habang inaantay namin ang order namin ay may biglang nakita si Vince at may binati.

"Oiy Dalaney." Masiglang bati nya kay Dalaney kaya para akong napako nung narinig ko ang pangalan nya

"Hi Nycole." Malumanay na bati nya kay Nycole kaya napalingon na ako at nakita ko si Dalaney at si Nycole na magkasama don sa kabilang street food cart, napakaway lang si Dalaney sa amin habang si Nycole ay ngumiti lang sa amin saka iniwas ang tingin nya sa amin ganon rin ako.

Ayaw kong makita si Dalaney, gusto ko siyang iwasan, gusto ko na lang maglaho na tila bula at burahin na lang na nagkakilala kami pero hindi naman pwede kasi I cherish those days na sa tagal na ako lang magisang nanonood ng sunset, bituin at buwan sa langit sa wakas nakahap rin ako ng taong tulad ko na gusting tumingin sa langit.

Nang makuha na namin ang pagkain namin ay naglakad kami papasok ng gate at nadaanan namin sila Dalaney nabumibili ng pagkain, palihim akong napatingin sa kanya at nung magtagpo ang mga tingin namin ay agad akong napaiwas at napatingin kay Vince na nagkwekwento ng kahit ano.

Pagkabalik namin sa loob ay dumeretso kami sa soccer field kung saan nagprapractice ang soccer team para sa city meet ngayong third week of November habang yung iba ko naming schoolmates ay busy sa mga sayaw na ipeperform in the last three days of November para sa intramurals namin. Nagpaalam kami sa isa't isa bago kami maghiwalay kasi siya may practice for soccer habang ako naman may practice for darts para sa city meet.

Naglakad ako pabalik sa dart room pero habang naglalakad ay napapaisip pa rin ako sa sinabi sa akin ni Dalaney, habang naglalakad ako galing soccer field ay napatingin ako sa main pathway kung saan nakita ko sila Dalaney na pabalik kaya dali dali akong naglakad papasok sa gate ng area namin at dali daling naglakad papunta sa dart room. Tama lang ngang sigurong iiwasan ko muna siya para makapagisip ako ng maayos. 

At Sixteenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن