Chapter 53

52 9 0
                                    

Pagkagising ko kinaumagahan ay ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan at pamamaga ng aking mga mata.

Tiningnan ko ang orasan ko at meron na lang akong isang oras at kalahati bago mag bell. Dali dali akong bumangon at kinuha ang towel ko. Sana ayos na ngayong umaga, sana bumalik na yung dati. Naglakad ako papuntang pinto at napatigil roon. Pinakiramdaman ko ang nangyayari sa labas pero wala akong may narinig ni isang kaluskos.

Bumuntong hininga ako kasabay ang pagpihit ko ng pinto kasabay ang pagbukas ko. Bumungad sa akin ang napakatahmik na bahay, naglakad ako papuntang kusina at nadatnan ko sila roon. Nakaupo lamang si mama sa upuan habang si papa ay nagluluto ng umagahan namin.

"Goodmorning po." Bati ko sa kanila pero wala akong may natangap ni isang bati pabalik.

Napaiwas tingin lang ako at dumeretso papuntang banyo. Nang maisara ko ang pito ay isinandal ko ang ulo ko sa pinto. Ang sakit sa puso, parang sinaksak ng paulit ulit sa sakit. Ang hirap kumilos kapag alam mong galit ang magulang mo sa iyo at hindi ganito ang samahan ninyo. Ano ba kasing pinasok mo Xiana, dinisappoint mo ang mga magulang mo at hindi mo naman kayang hiwalayan si Dalaney.

"Ikaw dapat yung white sheep ng pamilya at hindi black sheep." Umiiyak kong saad.

Napapikit ako ng mariin at nagsimula na akong maligo. Kasabay ng pagagos ng tubig sa aking katawan ay siya ring pag agaos ng aking mga luha. Kinakailangan kong harapin ito dahil ginusto ko ito.

Nang matapos ako ay dali dali akong dumeretso papunta ng kwarto ko at nagbihis ng uniporme ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nakita ko ang namamagang mata ko at namumulang ilong mula sa aking pag-iyak. Bumuntong hininga ako kasabay ang pag ngiti ko sa salamin.

"Matapang ka diba? Kaya mo yan tulad lang rin ng dati paguwi mo mamaya galing school ayos na ang lahat." Saad ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

"Bati na rin kayo mamaya." Basag kong saad kasabay ang paglandas ng luha sa aking mata.

Dali dali ko namang pinunasan ang luha sa aking mata kasabay ang pagbuntong hininga ko. Tumalon talon ako para pakalmahin ang sarili ko at muling humarap sa salamin saka ako ngumiti.

Agad kong kinuha ang bag ko saka ako lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina. Pagkarating ko sa kusina ay wala akong may nakitang ni isa sa aking mga magulang tanging pagkaing nakahain lamang sa hapag at ang aking baon para sa pananghalian.

Napabuntong hininga ako at saka ako umupo sa upuan. Nilagyan ko ang aking plato ng kanin at ulam, inipigilan ko ang sarili kong hindi maluha sa mga nangyayari. Habang kumakain ako ay dahan dahan ring tumutulo ang mga luha sa aking mga mata, hindi naman ganito ang umaga ko kahit napapagalitan ako rati.

Nang marinig kong bumukas ang banyo ay dali dali kong pinunasan ang luha ko at nagpangap na hindi ako umiiyak.

"Ayaw ko nang makaita kayong dalawang magkasama sa loob ng university kung hindi kakaladkarin kita at papahiyain kita sa maraming tao." Galit na saad ni mama at narinig ko ang mga yapak ng kanyang mga paa papaalis sa akin.

Napakagat labi na lang ako habang tinatago ang aking mga hikbi. Naging mabait naman akong anak sa kanila, sinunod ko ang lahat ng gusto nila pero pwede ngayon sarili ko naman ang susundin ko? Pero kung gagawin ko iyon baka pagsisihan ko muli at mas lalong lumala ang sitwasyon.

Nang matapos akong kumain ay agad akong lumabas ng bahay para magpaalam kay papa. Hindi ko na nagawang mag paalam kay mama dahil alam kong mas lalo nya lang akong sasabihan ng masasakit na salita. Pagkalabas ko ng bahay ay nadatnan ko si papa na nakaupo sa isang upuan habang hawak hawak ang baso ng kape. Nakatingala lang siya at malayo ang tingin, marahil ay ako ang prinoproblema nya.

At SixteenWhere stories live. Discover now