Chapter 78 "Heartache"

Start from the beginning
                                    

Nakangiti akong pumasok ng canteen kaya naman todo tilian ang mga babae.

Oh sorry girls, I'm taken, I'm taken with the girl named Shine Clear Baider. Don't mess with her.

Bumili ako ng pinapabili niya tig-dal'wa. Excited kong tinahak ang lugar papunta sa kaniya at ang ngiti ay naroon pa rin sa labi.

Napahinto ako nang makita ang isang pamilyar na lalaki. At agad na gumapang ang kaba sa dibdib ko.

Shut!

Napako ang mga paa ko nang makita kung ano ang ginagawa niya! Ginagawa nila!

Nabitawan ko ang hawak kong juice at sandwich.

Paano mo nagawa sa akin ito?

Nakita ko kung papano sila maghalikan ng babaeng pinakamamahal ko. Napailing ako at pilit na iniinda ang sakit. Hindi!

Tinapik ko pa ang pisngi ko pero 'di ako nananaginip. Nakikipaghalikan si Zeal kay Nel Jan.

Napaawang ang labi ko. Ilang segundo ko pa sila tiningnan pero 'di ko na kaya. Tumulo nang tumulo ang luha ko.

Baby, why?

Tanong ko sa isip ko.

Dahil sa panghihina ay mabagal akong tumalikod at nakuyom ang palad.

Hindi ka makikipaghalikan sa lalaking 'yan kung hindi mo gusto!

Napapikit ako nang madiin at marahas na pinalis ang luha ko.

Grabe ka naman manakit, Zeal. Alam mo bang ikaw lang ang babaeng minahal ko bukod kay mommy at Manang Cora. Handa nga akong pakasalan ka kahit ngayon pa kaso hinihintay ko na makapagtapos tayo. Matapos kong magdusa ng halos isang buwan sa paghihintay sa pagising mo ngayon heto at panibagong sakit nanaman.

Ang hampas, sipa o suntok mo kaya kong tiisin pero ito hindi ko kaya. Hindi ko kaya!

Mabilis ang lakad ko upang tahakin ang daan palabas ng Laurente. Nakasalubong ko si Kean at Rev.

"Pre!" tawag nila sa akin.

Tiningnan ko sila ng walang emosyon.

"Kean, pwede bang ihatid mo pauwi si Zeal mamaya?" tanong ko habang nakatingin kay Kean na ikinagulat niya. Kahit masakit ang dibdib ko ay pinilit ko pa ring magpakatatag.

"Bakit may problema ba?" nag-aalalang tanong niya.

Pinilit kong ngumiti.

"Wala, busy lang ako may gagawin ako kaya mauuna na akong umuwi" pagdadahilan ko. "Okay lang ba?"

"Sige, pre" sabi niya.

Tinapik ko ang balikat nilang dal'wa at pilit ngumiti.

"Salamat, pre. Una na ako"

'Di nakalampas sa akin ang nagtataka nilang tingin at nagtatanong pero hindi ko na iyon pinansin.

Ang sakit ng puso ko pero heto at siya pa rin ang inaalala ko. Ang kaligtasan niya pauwi.

Mahal kita eh! Sobrang mahal kita.

Nagmadali akong pumunta sa parking lot at nang marating ang kotse ay doon na bumuhos ang mga emosyon na pilit kong itinago kanina.

Pinagpapalo ko ang manibela ng kotse ko.

Bakit? Bakit? Bakit?

Paulit-ulit kong tanong.

Paano mo nagawa 'to sa akin? May pagkukulang ba ako? Dahil ba sa chocolate? Punyetang chocolate 'yan!

Humagulgol ako ng iyak.

Ang sakit sakit naman, cherish!

May kumatok kaya inayos ko agad ang sarili ko.

"Jave, are you okay?" tanong ni Marie.

Ngumiti ako sa kaniya. "Of course, sige alis na ako" sabi ko at saka pinaandar ang kotse.

Si Marie palagi akong kinukulit na samahan siya lumabas paminsan-minsan pero hindi ko ginagawa dahil ayaw kong magalit, magselos at mag-away kami ni Zeal.

Napailing nalang ako habang pinipilit itutok ang atensyon sa pagmamaneho.

Ang sakit mo naman mahalin. Alam mo ba iyon? Ang dami kong sakit na pinagdaanan bago ka maging akin pati ba naman tayo na bibigyan mo pa rin ako ng sakit?

Should I give up?

Napailing ako ng paulit-ulit. Ayaw ko! Kahit saktan niya pa ako ng ganito okay lang.

Okay lang!

Tumulo nang tumulo ang luha ko. Napahinto ako dahil may tumawid na pusa.

Ibangga ko nalang kaya itong kotse ko? Baka sakaling mag-alala siya at tigilan niya pakikipagrelasyon sa gagong  yon. Kailan pa kaya? Kailan pang sila?

Ang sakit ng dibdib ko. Sobrang sakit!

Muling pumasok sa isip ko ang ginawa nilang dal'wa nakapikit pa si Zeal at si Nel ay parang enjoy na enjoy sa ginagawa niya.

Fuck! How delicious kissing my girlfriend? Fuck you!

Pinaandar ko ulit ang kotse at nang makarating sa bahay ay dire-diretso akong pumasok sa kwarto kahit tinatawag ako ni Manang Cora.

Pinagsusuntok ko ang kama ko.

Why?

Hayon nanaman ang tanong ko sa isip ko.

Bakit? Hindi pa ba ako sapat? Saan ako nagkulang? Hindi ba ako marunong humalik? Kulang ba ang effort ko? Kulang ba ang pagmamahal ko? Anong kulang sa akin?

Pumasok ako ng banyo at nag-shower pero paulit-ulit lang sa isip ko ang halikan nilang dal'wa. Ang nakapikit niyang mukha at ang nage-enjoy sa ginagawang si Nel Jan!

Fuck! I'm wasted!

Hindi mo na ba ako mahal? Kasi kung oo please 'wag mo kong iwan. Okay lang talaga sa akin. Handa akong mapakatanga. Handa akong masaktan kung 'yon lang ang paraan para manatili ka sa tabi ko.

I'm so hurt right now my baby cherish. You don't know how my heartache feels like. It's like fighting in a battle without protection or without medical kit that's why all the pain from the wound is hurtful.

How can I live without you?

Imagine me without you is like a living hell!

Kahit hindi mo na ako mahal 'wag mo lang akong iwan.

My first and last love please be mine forever even if my heart aches.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now