MARK 49: Love of My Life

259 22 15
                                    

   Dedicated to CHEEZYGIZZZZ

MARK 49

Love of My Life

[Camille]

Continuation.

Nang narating namin ang hotel namin kung saan gaganapin ang baptismal/welcoming party ng triplets ay nag-park na kaagad si Prince ng kotse niya. Inayos ko muna ang pagbuhat sa triplets, bumaba na muna siya para kunin ang stroller na binili namin nung pinagbu-buntis ko palang sila.

Binuksan ni Prince ang pinto sa side ko at isa-sa niyang kinuha ang triplets sakin saka niya nilagay ang mga ito sa stroller, kinuha ko ang stroller ni Aaime Cheelzy sa kanya nung bumaba ako sa passenger seat, kinurot ko ang chubby cheeks nito kahit natutulog. Siya ang nag-tulak ng dalawang stroller kung saan natutulog rin ang dalawa, si Achilles Clyden at Ashler Cayden. Yumuko ako para kurutin din ang chubby cheeks nilang dalawa. Nagulat ako ng bigla nalang hawakan ni Prince ang kaliwang kamay ko at hinalikan niya yun. Napa-ngiti nalang ako sa ginawa niya, pumasok narin naman kami at sinalubong kami ng mga empleyado namin at binati kaming dalawa na congratulations. Ang saya nga eh dahil may nilagay silang garland sa mga anak namin, yung sa mga boys bow tie na garland tapos kulay asul yun. Kay Aaime Cheelzy naman ay pink ribbon na garland, ang cute nga eh! Dahil yung mismong General Manager ang naglagay nun sa kanilang tatlo. Ngumiti lang kami ni Prince sa kanilang lahat at nagpasalamat saka iginiya nila kami sa reception.

"Miss Therrany, we're always thankful to you and your family. Kasi kung hindi po dahil sa inyo, hindi po kami makakapag-trabaho dito kaya thank you po talaga!" ngiting saad ni Manager Carol Samonte sakin.

"It's a pleasure for all of us too, dahil dito niyo napiling magtrabaho samin. " sagot ko sa sinabi niya.

"Camille! Picture muna?" singit ni Anton na katabi si Cindy at masayang tinitingnan kami, kinuhanan niya kami ng picture na kasama ang mga empleyado. Nasa gitna nila kami, pero nagulat ako ng biglang humarap sakin si Prince. Hinalikan niya ako saktong pagpindot ni Anton sa camera niya. Tumatawa silang dalawa ni Cindy ng lumapit sila samin.

Siniko ko si Prince dahil nakakahiya yung ginawa niya, kaa-alis lang ng mga empleyado na halatang kinilig sa ginawa ni Prince sakin. Kahit kailan talaga! Ang possessive niya sakin!

"Anong tinatawa-tawa niyong dalawa jan?" tanong ko ng tuluyan na silang naka-lapit sa amin ni Prince.

"Hahahaha, ang epic lang kasi ng mukha mo dito couz! Sorry! ✌" tinawanan pa ako ng bruha kong pinsan!

"Babe! Pakita mo nga!" ganun nga ang ginawa ni Anton. Pero naka-nganga ako dahil....tinawag na babe ni Cindy si Anton!?

"Kayo na?" tanong ni Prince, naunahan ako ni Prince na itanong yun ah? Tumango lang ang dalawa sabay pakita ng kaliwang kamay at sa gulat, napasigaw ako!

"Oh Em Geeeeee!!! Congrats sa inyong dalawa!!" sigaw ko na niyakap ko si Cindy dahil finally, nagkatuluyan na talaga sila!

Bumitaw ako sa yakap niya ng marinig namin ang iyak ng tatlong sanggol. Pina-patahan naman sila ni Prince na hindi magkada-ugaga sa pagpapatahan sa tatlo. Tumawa lang kaming tatlo saka ako lumapit sa kanila, kinuha ko si Achilles sa stroller at siya kay Ashler.

"Camille, kami na ang magdadala lay Aaime Cheelzy at sa dalawang stroller." tumango lang ako sa sinabi niya, sumabay narin naman sila samin sa paglalakad papunta sa pinaka-malaking event hall dito sa hotel namin. Nasa third floor yun kaya kailangan naming sumakay ng elevator para makarating lang dun, pina-patahan namin pareho ni Prince ang dalawang boys, habang buhat ni Cindy si Aaime Cheelzy na mukhang pina-patahan din. Pagbukas ng elevator ay nasa labas ang ibang mga bisita ng triplets meron din namang nasa loob, sinalubong kami ng mga kaibigan ni Cindy na nagta-trabaho sa wattpad company at binati nila ulit kami ng congratulations.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWhere stories live. Discover now