MARK 42: Morning Sickness

257 27 24
                                    

A/N: Check niyo po yung multimedia sa taas guys! Thanks! 😍😘❤❤❤

-------------------------------------------------------------

MARK 42

Morning Sickness

[Camille]

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa labas ng bintana ko. I tried to cover my face on my pillow, but no use kasi parang nagising na din ang diwa ko.

Gusto ko nang bumangon pero tinatamad akong kumilos. Nang malaman kong preggy ako, halu-halong emosyon ang naramdaman ko.  Masaya ako dahil sa blessing na binigay ni papa god samin ni Prince, pero hindi ko alam kung anong susunod na gagawin niya. Wala man lang balak na ayain akong----.

Napahawak ako sa dibdib ko ng may kumatok sa labas ng kwarto ko.

Inis akong tumayo at nilapitan ang kung sino mang tao sa labas. Bu-bulyawan ko na sana ng pagka-kita ko  sa mga tao na nandito ay nawala ang inis ko. "Mga" kasi ang dami nila.

"Camille!! Masaya kaming makita ka! Ang tagal mo ding hindi dumadalaw sa center." sabi ni Ate Joanna. Masaya rin akong makita sila, pero anong ginagawa nila dito?

"Ate Joanna, Guys! I'm glad to see you here. Gusto ko sanang bumisita sa inyo sa center pero hindi na ako nagkaroon ng time dahil ang dami kong ginawa sa kompanya. Sorry talaga." hingi ko ng paumanhin sa kanila.

"Pasok po muna kayo." sabi ko at pumasok naman sila dito sa kwarto ko. Pina-upo ko sila sa couch na nandito sa loob ng kwarto ko para makapag-kwentuhan kami saglit bago ako pumasok sa trabaho.

"Ate Camille, okay lang po yun. Nai-intidihan naman po namin, atsaka masaya po kami dahil may blessing po na dumating sa buhay niyo." masayang sabi ni Amaya. Kahit may konting irita parin at dahil hindi pa ako sanay sa adjustments ko kasi every morning palagi nalang akong sinu-sumpong ng katamaran at hindi ko rin masyadong maintindihan ang panlasa ko kapag bumibisita si Prince dito sa mansyon at may dalang kung anu-anong pagkain.

"A-Alam niyo na po pala? Pano niyo po nalaman?" takang tanong ko.

"Sinabi nina Asher Joy at Jacob samin kahapon, Camille. Nagulat nga kami eh! Congrats! Pero matanong ko lang, sino bang ama niyan?" tanong ni Ate Eula.

"Si Prince po! Speaking of him, matagal na po pala kaming magka-kilala sa center. Siya po yung madalas na kinu-kwento ko sa inyo? Pero hindi niya po ako naalala nung nagkita ulit kami, kasi na-aksidente po kasi siya america noon." kwento ko.

"Talaga!? Naku! Kawawa naman pala siya noon, sino ba sa inyo ang unang naka-alala sa past niyo?" tanong ni Ate Nicole.

"Two years ago, ng maalala niya raw ako. Gusto ko kasi sana niyang ibigay to ng mga bata pa kami, as thank you gifts dahil napa-gaan ko raw ang loob niya. Pero hindi na niya nagawang ibigay sakin dahil nagpunta na pala sila ng america ng pamilya niya, at kasama siya doon." sabi ko sabay pakita nung kwentas na ginawa na niyang bracelet dahil hindi narin naman ito magka-kasya sa leeg ko.

"Nakaka-lungkot naman yun!" komento ni Ate Jasmine. Ngumiti nalang ako sa kanilang lahat at niyaya sila na bumaba at kumain ng breakfast.

Inalalayan naman ako ng dalawang bata, si Buboy at Amaya. Grabe ang bilis ng panahon pero ang la-laki na nila. Napa-ngiti nalang ako sa aking naisip.

Nang maka-baba ay muntik pa akong mapa-atras ng makita ko si Prince kasama ang ibang mga bata sa living room na naglalaro.

Tiningnan ko lang sila ng hindi na nawala sa mukha ko ang ngiting kumawala sa labi ko.

"Kinikilig ka no? Ayiiieee!!!" panu-nukso nila Ate sakin. Masaya namang tumakbo ang dalawang bata papunta sa direksyon nila ng maagaw ni Prince ang atensyon ng dalawang bata at tumingin sa direksyon namin.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWhere stories live. Discover now