MARK 35: Revealation

248 29 19
                                    

   Dedicated to FancyGirlboss

-------------------------------------------------------------

MARK 35

Revealation

[Camille]

Kinalat niya ang picture naming dalawa ni Prince noong nandun kami sa Hills peak night view noong nagdaang buwan, yun yung araw na sinagot ko siya!

Bakit may kopya siya ng picture naming dalawa!? Tumingin ako kay Prince at sa pamilya namin na nandito.

"What? I thought you want a surprise? Let's see, Prince bakit hindi mo sabihin sa kanila at sa kanya na ako talaga ang totoo mong mahal diba? Why you didn't told them!! Hindi ba nga at nagkita tayo nung nakaraan para pag-usapan natin ang tungkol sa kasal, dun pa nga tayo nag-usap sa restaurant niyo. You're my fiancé now, Prince!" lumapit siya samin na naka-ngisi at hindi ininda ang mga mata ng limang pamilya na nandito.

Nagulat ako sa sinabi niya, tumingin ako sa kanya na iniwas ang kanyang mga mata sakin.

Totoo yun?!

"Totoo ba yung sinasabi niya, Prince? Sabihin mo sakin?!" umiiyak na sigaw ko sa mukha niya. Pati yung mga bata na nandito ay umiiyak narin dahil sakin.

Biglang lumapit samin si Dad na may hawak na picture nung niyakap ako ni Prince at inikot-ikot. Hindi mahinto ang mga luha kong kahit sa baba ng lupa ako tumingin, ay ramdam ko yung sakit dito sa puso ko!

"Teka, anong ibig-sabihin nito? Therrany? Prince? Both of you, tinago niyo samin ang relasyon niyong dalawa?" hindi ako maka-sagot sa sinabi ni Dad, dahil yun ang totoo. Kahit sa mga kaibigan namin ay tinago rin namin yun, pero kung ganito sana ang magiging sitwasyon namin ngayon...hindi ko nalang sana siya sinagot agad.

"D-Dad, magpa-paliwanag po ako!" sabi ko na umiiyak.

"Camille, wag kang maniniwala sa sinasabi niya. Hindi yun totoo okay?!  Nag-text siya sakin nun! Nakipag-kita siya sakin dahil may malaki siyang problema, don't think that i would lie to you! Hindi ko siya fiancé, please! maniwala ka." pilit niya akong hinahawakan pero lumalayo lang ako sa kanya.

"Wag kang lalapit sakin! Bakit? Saan niya nakuha yang picture na yan? Nandun ka ba Gwynn?! Sabihin mo sakin?!" bulyaw ko ng maka-lapit ako at hinawakan siya sa dalawang braso niya.

"Pwede ba! Wag mo nga akong pag-bintangan?! Kung ayaw mong maniwala na fiancé ko si Prince, eh di wag!!!! May nag-bigay lang sakin niyan! Pasalamat ka nga at ako ang unang naka-kita eh? See you, Prince!" sigaw niya sakin ng pasa-lampak niya akong tinulak sa lupa. Umalis na siya pagkatapos ng ginawa niyang eksena. Humagulhol ako dahil sa mga narinig. 

Bakit kailangan pang mangyari to?!

Umiling-iling ako, hindi ito totoo. Panaginip lang ito diba?! Nilapitan naman ako ni Mommy para pata-hanin, silang dalawa ni Dad. Kasalanan ko to eh. Kasalanan ko!!!

"Manang! Paki-pasok na muna yung mga bata! Bilis!" tumalima naman si Manang Dina sa sinabi ni Mommy.

Ang masayang mukha na nakikita ko kanina ay napalitan ng awa sa mga taong nandito. Hindi ko na alam ang gagawin ko, nagka-gulo na ang lahat. Umiyak lang ako ng umiyak at wala ni isa sa kanila ang hindi ako mapa-hinto sa pag-iyak!

"Camille! Please! Don't believe her, baliw yung babaeng yun! Wala akong alam sa sinasabi niyang fiancé at sa kasal na yan!" pagmama-kaawa niya sakin.

"Bakit hindi mo sinabi sakin, ha?! Nagkita kayo? Bakit? Bawal na pala ngayon na sabihin kung saan ka nagpunta nung nagkita kayo? Ano yun?! Pinag-mukha mo akong tanga, Prince?!!" galit kong sinalubong ang tingin niya na at nagmama-kaawang pankinggan ko siya.

Umiling ako, ang sakit na ngayon ko pa talaga malalaman yun?! Sa mismong araw ng pasko?

"Bakit, Prince? Siya parin ba ha?! Kung sana sinabi mo sakin noon palang, hindi ka na sana nag-effort!, hindi mo na sana ako dinala sa lugar na yun! At sana hindi nalang kita nakilala! Ang sakit eh! Ngayon palang ako nag-karoon ng minamahal, pero ang masaklap, ikaw pa!" pagkatapos kong sabihin yun ay tumakbo ako papa-layo sa kanilang lahat at pumasok sa loob ng mansyon. Hinabol niya ako pero isang sampal ang binigay ko sa kanya. Hindi niya binitawan ang kamay ko na hawak niya kahit sinampal ko na siya.

"Hanggang kailan mo ako nagawang lokohin ha? You even did lie to me?! Isa kang malaking paasa, Prince! Nag-tiwala ako sayo...nagtiwala ako sa mga efforts mo! Pero hanggang doon lang pala yun?"

"I'm begging you, Camille! Hindi ko ginusto ang makipag-kita sa kanya nun. I've been torn between you and her!" sabi niya na ikina-tigil ko.

"Ginawa mo lang ba akong panakip-butas ha, Prince?" pero hindi ko na siya pinag-salita dahil parang hindi ko gustong marinig ang sasabihin niya.

"Hindi! Hindi kita ginawang panakip-butas, Camille. Na-iintindihan mo? Lahat ng pinakita ko sayo, lahat yun totoo-----"

"Pero siya ang pinili mong puntahan nung kinailangan kita, but you didn't came. That day, that day is our first monthsary."

Pagkatapos kong sabihin yun ay iniwan ko siyang tulala. Tinakbo ko ang hagdan papunta sa kwarto ko at padabog ko yung binuksan saka sinarado ulit.

I can't believe that this special day are ruined because of them! I will never forget this day!

-------------------------------------------------------------

A/N: Eto lang muna ngayong gabi! Dedicated to sa kanya na nasa taas. Good night na sa inyo and God bless! 😍😘

Lovelots,

MsSupahlicious18❤💜😍😘

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWhere stories live. Discover now