MARK 03: Consequence

580 86 87
                                    


Camille's POV

(Alarm, 5:30am)

*Yawn!* Kinusot-kusot ko ang mata ko habang unti-unti ko itong iminu-mulat. Ang sarap ng tulog ko at sure ako nakaka-pagod yung nangyari kagabi. Pero sulit naman ang naging kasiyahan ng mga bata dahil nag-enjoy sila habang nagku-kwento ako kaya ako napapa-ngiti ngayon.

Pero hindi dapat ako maging masaya kaagad dahil naiisip ko kung anong mangyayari mamaya. Kinakabahan akong bumangon kahit mukha akong zombie. I'm just like this every morning.

Preparing my uniform on top of my bed para hindi ko makalimutan. Pagkatapos, pumunta na akong CR para maligo at mawala yung bad vibes na nararamdaman ko. Nag toothbrush na rin ako at ginawa ko ang daily routine ko dito sa kwarto.

Tapos na akong nagbihis at pinapa-tuyo ko na lang ang buhok ko nang maalala ko yung ang aking cellphone. Oo nga pala hindi ko nagawang mag charge ng phone ko! Dali-dali kong hinanap ang cellphone sa bagpack ko. At lowbat talaga, nilabas ko na lang ang charger sa drawer at iniwan ko muna itong mag charge dito sa kwarto. Babalikan ko na lang pagkatapos kong kumain.

Lumabas na akong kwarto at kita kong ako pa lang yung gising sa kanilang lahat. Nag punta akong kusina para makapag-handa muna ng agahan, nilabas ko lahat ng ingredients ng lulutuin ko ngayong umaga.

Hotdog? Bacon? Fried Rice? Milk para sa mga bata? Orange Juice para naman sa amin, at ang paborito ng mga bata ang egg omelette. Paborito nila itong egg omelette ko dahil ito ang pinaka-masarap na natikman nila ng luto na itlog.

Tapos ko na ang lahat ng niluto ko ng may mag-salita sa likuran ko.

"Ang aga mo naman nagising Camille, maga-alas sais pa lang ah?" nilingon ko naman siya at si Asher Joy lang pala.

"Alam mo naman pag may alarm clock, kahit antok na antok pa ako kailangan ko na gumising ng maaga...sanayan lang yan, Asher Joy." Mariin sabi ko sa kanya at niyaya ko na rin siyang kumain ng agahan...para may kasabay ako. Nagkibit-balikat lang siya at uupo na sana ng tumayo din agad dahil may kulang raw, kukuha siya ng tubig.

"Saglit, kukuha lang ako ng tubig." Sabi niya, tumango lang ako at bumalik kaagad siya ng dala niya ang isang pitchil na tubig.

Nag-simula na kaming kumain nang mapansin ko kung anong itsura niya.

"Hindi mo man lang inabala na tiningnan yang itsura mo sa salamin bago ka pumunta dito? Ang gulo pa ng buhok mo at may muta ka pa." Tinawanan ko lang siya at gulat pa siyang tumingin sa akin. Na bitin tuloy sa ere yung kutsarang isusubo niya na sana. Hahaha! Biro ko lang 'yung may muta pa siya. Pero yung buhok niya talaga parang nakipag-wrestling siya dahil magulo talaga.

"Che! Tigilan mo nga ako jan Camille, oo na magulo na tong buhok ko hindi mo na kailangan sabihin sakin no?" naka-simangot niyang sabi at tumigil na ako sa pag-tawa.

Tapos na akong kumain at huhugasan ko pa sana yung pinag-kainan ko nang pinigilan niya ako siya na lang raw kasi ang bahalang mag-huhugas ng pinag-kainan namin.

"Sige na Camille ako na ang bahala dito, baka ma-late ka pa niyan...maya-maya gising na yun sila Ate Joanna at yung mga bata." Nauunawang sabi ni Asher Joy, kahit gusto ko siyang tulungan kapag sinabi niya yun wala na akong magagawa.

"O sige...pero promise mamayang dinner ako gagawa lahat...haha," sabi ko.

Bumalik ulit ako sa kwarto para kunin yung bagpack at yung ilan sa mga subject books ko, kinuha ko rin yung phone ko at saktong six thirty nag-paalam ako na papasok muna akong school.

(Brentson Academy)

Twenty minutes akong naglakad bago ako nakarating sa gate ng school. Pero bago ako maka-pasok may marami-rami naring mga studyante ang nasa Quadrangle, pinag-titinginan nila ako na parang may malaki akong kasalanan na ginawa.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWhere stories live. Discover now