MARK 14: Anniversary

406 60 12
                                    


MARK 14

Anniversary

[Camille]

Pagkatapos ng ilang linggo na preparation namin, gaganapin ang anniversary ng BPA children's center sa 1st September ngayong taon.

Limang araw na lang mula ngayon gaganapin yung event.

Kahit na marami akong ginagawa sa school, hindi ko naman nakakalimutan yung videos na ginawa namin. I edited some of those video at natapos ko yun kahapon lang.

Pero hindi ko parin magawang mag relax dahil marami pa akong ginagawa ngayon kaya andito ako sa library para ibalik yung mga librong hiniram ko...ang tagal ko ring hindi naibalik yun.

Voluntarily tumulong ako dito sa library dahil nagkulang sa tao. To clean the tables, return all the books on the bookshelves, and record the borrowed books for the students.

Ano kaya ang ginagawa ng SSC officers ngayon? Teka bakit ba yun ang iniisip ko?

"Hoy! Camille? Tulala ka naman jan? Tingnan mo yung mga libro ang daming stamps oh!" gulat na sabi ni Hanazel, fourth year high school at batchmate niya si Prince. Tumingin naman ako doon.

Nagulantang ako dahil napa-rami pala ang nalagay ko! Napa-kamot ako sa ulo, yan tuloy sa pag-iisip ko doon sa mga officers na yun hindi ko na magawang ayusin ang pinapagawa sakin.

"Ah! Hehehe sorry... Hindi ko napansin marami lang kasi akong iniisip ngayon." hingi ko ng sorry nang tumingin ako sa kanya, nag-peace sign lang ako.

"Hahaha... Okay lang yun no? Sige na pwede ka ng umuwi total tapos naman yan lahat. Ako na ang bahala niyan." ngiting sabi niya, ngumuso ako pero tumango na lang ako sa sinabi niya at iniwan ko na siya doon. Lumabas na ako ng mag-vibrate ang cellphone ko.

Si kayla... Tumatawag.

{Hello, Kayla?}

{Saan ka na? I'm already here in the parking area}

{Sige pababa na ako, sa library kasi ako galing}

{Okay hihintayin kita}

{Okay}

Binaba ko na ang tawag ng mapansin ko si Seniorito Prince na nakatagilid at may kausap na ibang studyante paglabas ko sa pinto.

Hindi ko alam kung bakit siya nandito, but since hindi niya rin naman ako nakita naglakad na ako pababa ng hagdan para mapuntahan si Kayla.

Nung nakita ko si Kayla ay sumabay na ako sa kanya sa sasakyan niya dahil pupunta rin naman siya ng center ngayon.

Nung lunes muntik na akong hindi makapasok dahil sumasakit pa ng konti yung balakang ko pero uminom din naman ako ng gamot, pain killer, at bumuti naman yung lagay ko. Naging OA pa si Kayla nung na late ako nun at sinabi ko naman sa kanya lahat. But now I'm all better, nag iingat lang ako para hindi na maulit yung nangyari. Lapitin pa naman ako sa disgrasya!

(Saturday, 1st September, 2019)

At ngayon gaganapin ang event ng center. BPA children's center 25th Anniversary. After 5 days of preparation ay ready na ang event para mamaya.

It's saturday, hindi na ako nakapasok kanina sa school dahil naging busy na kami dito sa center at rush hour na.

Six hours left before the event start. Yung mga decorations ay na set-up na rin sa garden, ang mga pagkain ay malapit ng ma-kompleto, sounds system at ang ilan pa kagaya ng projector ay set up narin.

Mga mesa at mga upuan ay ayos na lahat, ang mga panauhin na lang ang kulang.

Tumulong narin ako kahit konting trabaho lang dahil ayaw ko ring kumilos ng kumilos at baka madagdagan ang sakit ng balakang ko.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWhere stories live. Discover now