MARK 15: Home

416 58 22
                                    


MARK 15

Home

[Camille]

Hindi kami nakabalik sa party kaagad dahil ilang beses na ipinaliwanag sakin kung bakit ako nawala nung panahong ipinanganak ako. Dahil sa Tito ka pala, kapatid ni---

Ni hindi ko pala alam kung anong pangalan nila, pero alam ko na magaan ang loob ko sa kanila.

"Ako po si Therrany Camille Serrano Felipe? Kung ganun po... Masayang masaya po ako dahil nakita ko na po kayo. Sa matagal na panahon meron na po akong matatawag na mama at papa...Pero hindi ko pa po alam ang mga pangalan ninyo. " masayang sabi ko kahit naiilang konti.

"Alright! Hindi pa pala kami nakapag-pakilala sayo, Ako ang Mommy Carmel mo and he's your Daddy Angelo." pagpapa-kilala nila sakin at isa-isa ko silang niyakap hanggang sa tatlo ulit kami na nagyakapan.

Sa ganung sitwasyon kami dinatnan nila ate Joanna at ng iba pa sa naging yakapan namin ng mga magulang ko.

"Madam Carmel? Anong ginagawa niyo po dito at yakap ninyo si Camille?" takang tanong ni ate Joanna, nilipat-lipat niya ang tingin sa magulang ko bago niya ako tiningnan sa huli. Nalilito naman kaming tinitingnan ng iba na nasa likod ni ate Joanna.

"Joanna before anything else, gusto kong magpasalamat sa inyo because for a very long time na nawalay ang anak namin, nahanap na namin siya at dito lang pala namin makikita. Alam ko masasaktan kayo sa malalaman ninyo ngayon, at sana matanggap niyo, pero hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa...Si Camille ang nawawala naming anak ni Angelo." sabi ni Mommy Carmel.

Nagulat silang lahat dahil hindi nila inasahan na nakita ko na ang totoo kong mga magulang.

Nagka-gulo sila at samu't sari ang naging reaksyon nila sa sinabi ni Mommy. Tanging ang reaksyon ni ate Joanna ang nagbigay ng magandang loob sakin. Masaya siya alam ko, pero malungkot rin dahil baka isang araw ay maisip kong sumama sa kanila at iiwan ko sila dito.

"Totoo ba talaga to? Nag effort ang parents niya na hanapin siya since sila pala ang may malaking naitulong dito sa center. Pero sasama kaya si Camille sa kanila?" rinig kong tanong ni ate Nicole, hindi ko masyadong maintindihan ang sabi ng iba dahil nagsasalita silang lahat ng sabay-sabay.

"Tumahimik po muna tayo saglit lang po!" konting sigaw ko na nakapag-patahimik sa kanila. Kahit ang mga bata ay tumahimik rin.

"Ate Joanna pwede ko po ba kayong makausap? Kahit saglit lang po." may lungkot sa mukha kong sabi ko kay ate Joanna...Tumingin muna ako sa mga magulang ko buti na lang at okay sa kanila. Tumango siya at sabay kaming naglakad papunta sa verranda.

Hindi kami masyadong kita dito sa garden na nagkaka-sayahan pa ang ibang mga bisita at nagkakantahan. Tapos narin kasi silang kumain kaya may oras na silang magsayawan.

Umupo ako duyan na gawa sa kahoy at umupo rin doon si ate Joanna.

"Ate, nakikita ko po sa inyo na masaya po kayo na nahanap na ako ng mga magulang, pero paano kapag...Kunin nila ako dito at kung sasama po ako, paano po kayo dito? Ate ayaw ko po'ng umalis dito na hindi ko pinag-iisipan." panimula ko at kahit ako malungkot sa kung ganun man ang mangyari ngayon. Humarap siya sakin habang tinaas niya ang isang kamay papunta sa mukha ko, bago siya sumagot.

"Camille, ano ba dapat ang gawin mo? Kung iniisip mong hindi kami magiging okay, wag mong isipin yun. Oo, magiging malungkot kami kung sasama ka sa kanila pero ito ang tandaan mo Camille matagal ka nilang hinanap, palalampasin mo ba ang pagkakataon na hindi sila makapiling? Alam ko, hindi Camille. Ikaw lang ang makapagde-desisyon sa kung ano ang dapat mong gawin... Gawin mo ang kung anong sinasabi ng puso mo hindi ang utak mo." mahabang sabi ni ate Joanna.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWhere stories live. Discover now