MARK 11: Preparation

406 63 20
                                    

MARK 11

Preparation

[Camille]

Sunday morning nang magising ako sa konting ingay na nangga-galing sa labas at hindi ko alam kung anong nangyayari.

Six thirty pa lang nang umaga ng tumingin ako sa wall clock na nandito sa kwarto ko.

Humihikab akong napa-upo sa kama.

Bumangon ako at inayos ko ang kama pati narin ang sarili ko, inayos ko ang buhok at tinalian ito.

Pumunta akong banyo para makapag-hilamos at mag-sipilyo.

Na-isip kong maligo na lang din.

Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas ako ng banyo at pumili ng masusuot sa cabinet ko.

Tapos na akong mag-bihis pero naririnig ko parin ang mga ingay sa labas.

Simpleng fit white t-shirt at maong short na sakto sakin.

Hmmmm?? Ano kaya ang ginagawa nila?

Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay sa bulsa ng maong short, lalabas na sana ako ng makalimutan kong kunin ang tuwalya na nasa ulo ko pa pala.

Pagkatapos kong mag-ayos konti sa sarili, ay lumabas na ako.

Nasa hallway ako papuntang kusina ng narinig ko ang mga usap-usapan.

Napansin naman nila ako at lumapit narin sa kanila.

Naka-kunot ang aking noo sa kung anong ginagawa at sa pinag-uusapan.

"Good morning, Camille! Halika na dito, kumain ka na ng agahan!" sabi ni Ate Eula na katabi si Ate Joanna sa dining table. Nilibot ko ang tingin ko.

"Ano pong meron, ate Eula?" tanong ko, taka akong napa-tingin kina Jacob at Asher Joy na mukhang nagkaka-mabutihan.

Ang sweet kasi nilang dalawa, napa-ngiti ako.

Tiningnan naman ako ni Asher Joy ng naka-ngiti, kumindat lang ako sa kanya. Kahit hindi ko alam kung sino yung unang na-gustuhan ni Jacob, siguro yung sa kanila na lang ang pag-tutuunan niya ng pansin.

Naglakad ako at umupo katabi ni Ate Joanna dahil yun na lang ang bakante.

Kumain na muna kami at mamaya na lang ulit napag-kasunduang ituloy yung pinag-uusapan nila.

Pagkatapos ng ilang minuto, tapos na ang mga bata na kumain at niyaya sila ni Ate Nicole at Ate Jasmine na pumunta sa theatre room para manood ng educational movies.

Naiwan kaming mga teenager dito sa kusina pati sila Ate Joanna at Ate Eula. Samantalang naghuhugas ulit kami ni Emily ng mga pinagkainan namin.

"Since na simulan na nating ipa-migay yung invitations para sa anniversary, yung theme natin ay Hawaiian diba? Ang kulang na lang satin ay decorations, confetti, sounds system at video presentations." paliwanag ni Ate Eula, nakikinig lang kami ni Emily habang naghuhugas.

"Pagha-hatian natin yung gagawin para madali tayong ma-tapos, dalawang linggo na lang at anniversary na at anniversary na nitong center. May gusto bang mag presinta sa mga nabanggit?" tanong ni Ate Joanna.

Nagtaas ng kamay si Jacob pero nagulat kaming lahat dahil yung kamay niyang iti-naas ay kamay nilang dalawa ni Asher Joy na magka-hawak.

Umulan ng tukso at maraming nagtatanong sa kanila kung sila na bang dalawa, pero hindi nila masagot ng malinaw dahil MU pa lang raw?

Napa-ngiti ako dahil na-consider ni Jacob yung feelings ni Asher Joy sa kanya.

Tinukso sila ng ilan at pina-mulahan lang ng mukha ang dalawa.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang