MARK 30: Hacienda Felipe

234 33 33
                                    


MARK 30

Hacienda Felipe

[Camille]

Continuation.

Nagising ako ng ilang minuto ng mapansin kong dumidilim na at tumingin ako sa labas ng bintana. Napa-igtad ako ng natutulog pala si Prince sa kanang balikat ko pero hindi na muna ako kumilos para hindi siya magising.

Napalingon ako sa mga kasama namin sa likod at kukunan sana silang lahat ng picture ng may isang kamay ang pumigil sakin.

"What are you doing?" nagulat ako ng magsalita si Prince habang pini-pigilan parin niya ang kamay ko.

"Huh? Ah wala...sorry nagising ba kita? Kukunan ko lang dapat sila ng picture, hehehe." mahinang sabi ko, sapat na kaming dalawa ang nakakrinig.

"No, it's okay. Na wala narin kasi yung antok ko. Sige, kunan mo muna sila ng picture." nakangiting sabi niya at tumango lang ako.

Ilang picture ang kinuha ko at natatawa akong bumalik sa pagkaka-upo at pinakita ko rin ito kay Prince.

Tinago ko muna ang cellphone sa bulsa ko.

"Aray! Ano ba yan?!" daing naming lahat ng may lubak kaming nadaanan at nauntog naman yung ulo ng mga natutulog sa likod, nagising tuloy. Buti nalang niyakap kaagad ako ni Prince para hindi ako tumilapon dito sa loob ng van.

Huminto kami saglit para tanungin kung anong nangyari.

"Kuya Javier? What happened?" tanong ni Cindy sa kanyang driver na nagkamot ng ulong lumingon samin.

"Miss Cindy, mukhang nasiraan po yata tayo ng gulong. Ich-check ko lang po." sabi niya ng bumaba kaagad para tingnan kung anong sira.

"Huh!? Nasiraan tayo?! Ang dilim-dilim pa naman, baka kung anong mangyari satin dito?!" hysterical na sabi ni Kayla.

"Wag ka ngang nega jan?! Tinitingnan na nga diba?" pabalang na sagot ni Aidan.

"Alam mo, Camille... may future tong dalawang to? Hahaha." tumatawang sabi nitong katabi ko.

"Tumigil ka nga. Baka magkaroon lang ng world war three kapag nagkataon. Ngayon pa nga lang... Nagtatalo na, sa future pa kaya?" sabi ko.

"Malay natin?" sagot niya sa sinabi ko. Iniling ko nalang ang ulo ko dahil sa kalokohang sinasabi niya.

"Nagsalita kana naman! Akala ko kasi hangin ka eh!? Bleeh!" rinig kong asar ni Kayla. Sasagot na sana si Aidan ng mag-salita si Cindy, yung limang lalaki nakikinig lang.

"Don't worry guys! Walang masamang mangyayari satin okay?" mariing sabi niya samin, at tumango lang.

Nagulat pa kami ng may kumatok sa pinto ng van at binuksan yun ng driver ni Cindy.

"Miss, nasiraan po talaga tayo. Pero tatawagan ko nalang po ang mga tauhan ng lolo niyo para masundo po kayo dito." agarang sabi niya.

"Okay, kuya Javier. So guys! Malapit na pala tayo sa hacienda, hintayin nalang muna natin saglit ang mga tauhan ni lolo." nag-aalalang ngumiti samin si Cindy.

Pagkalipas ng ilang minuto ay may natanaw kaming liwanag na papalapit sa direksyon namin, yun na siguro ang mga tauhan ni lolo.

Sumenyas naman si Kuya Javier at huminto sila sa tapat namin.

"Miss, nandito na po sila." nang marinig namin ang sinabi niya ay una kaming lumabas ni Prince at sunod-sunod narin silang lumabas na parang nag-uunahan.

"Guys! Guys! Stop! Paano kayo lalabas eh kung mag-uunahan kayo? Isa-isa lang okay!" si Cindy yun.

Naka-baba na silang lahat ng may lumapit samin na nakayuko, kasama si kuya Javier.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ Uneditedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें