MARK 02: BPA Children's Center

674 92 83
                                    


Camille's POV

Bago ako dumating sa center nakikita ko sa malayo ang iilang mga bata na nag-lalaro, habang papalapit ako na-tanaw ko 'yung kotse ni Kayla ng sinundo siya sa BA kanina. Pumasok na ako kaagad at sinalubong naman ako ni Kayla na naka-busangot ang mukha. Maghihi-mutok kaagad ito kung bakit ako natagalan.

"Akala ko ba bibilisan mo? Pumuti na yung mata ko dito sa kaka-hintay ang bagal mong dumating." Sabi niya at kinawit niya yung kamay niya sa braso ko at sabay kaming pumasok sa loob ng Center.

"Eh...may nangyari lang kasing hindi ko inasahan kaya medyo natagalan lang ng konti tapos sumilong lang ako saglit sa waiting shed sa labas ng school tirik na tirik yung sikat ng araw tingnan mo. Kaya sorry na Kayla ah..." hinarap ko siya para masabi ko lang yun.

"Hmmmm...hindi naman kita matiis eh, para ano pa't magbest-friend tayo diba? Halika na nga pumasok muna tayo at magbihis ka, amoy-pawis ka kaya! Ewww!" sabi niya at tinulak-tulak pa ako papunta sa kwarto ko. Hahaha loka-loka talaga to kahit kailan.

"Oo na hindi mo na ako kailangan itulak...ano ka ba! Hahahaha." Tinawanan ko na lang siya para hindi niya ako kulitin. Tumalikod na siya at biglang humarap.

"At maligo ka ulit!" pahabol niyang sigaw.

Nag thumbs up ako sa kanya sabay smile, ganun din ang ginawa niya.

Papunta na ako sa kwarto ko ng ma-isip yung nangyari at sinabi nung babae kanina. Hays! Dagdag problema ko na naman kapag may mang bully na naman sa akin. Marami-rami rin kasi yung nakakita sa amin kanina, hindi ko maiwasan na mangamba na baka may kumuha ng picture at ipagkalat, yan ang hindi ko kaya. Bothersome strike me. Nakaka-takot.

Pumasok ako kaagad sa kwarto ko at pumunta sa CR para maligo ulit.

Bakit ganun? Maka-tingin yung Prince na yun parang na iinti-midate ako sa titig niya.

Hindi ko na dapat yun ini-isip pero parang nakaka-frustrate kasi yung nangyari kanina.

Habang naliligo hindi ko pa rin maiwasan tingnan itong marka sa kaliwang dibdib ko. Ang weird lang kasi na may ganito ako parang feeling ko special ako. Umiling-iling na lang ako at hindi ko na ulit pinansin yung marka ko.

Pagkatapos kong mag-ayos, nag bihis ako kaagad, yung damit ko simpleng white t-shirt at skinny jeans, dapat semi-formal lang kasi may mga bisita kami dito sa center. Hindi naman dapat tama na todo bihis ako ngayon...hindi pa naman ako sanay sa ganun.

May mga ka-edad rin ako rito sa center na hindi na pumayag for adoption kasi napa-mahal na kami dito at tulong-tulong kami sa mga gawain. Lalo pag pinapakain namin sila at isa-isa namin silang hinahatid sa mga kwarto nila. Tamang-tama lang din kasi ang building nitong center na ito para sa amin. At okay na kaming lahat dito.

Napa-halumbaba ako ng makita ko sila Asher Joy at yung iba pang mga ka-edad ko lang na naghanda ng konting salu-salo para sa bisita namin na walang iba kundi si Kayla lang naman.

"Andito ka na pala Camille, oh? Anong mukha naman yan? Para kang pinag-sakluban ng langit at lupa jan ah?" sabi niya sakin na tinawanan pa ako at ang lagkit ng tingin sa akin

"H-Huh? A-Ano wala...wag mo na lang akong pansinin. Na-uuhaw ako kaya nandito sa kusina." sabi ko na lang sa kanya para hindi na niya ako panghinalaan. Si Asher Joy pa naman ang isa pinaka-observant sa amin dito at kung may na basa lang siya konti sa mukha mo uu-sisain ka kaagad.

"O sige, sabi mo yan eh...kahit halata naman na may nangyari sayo sa school mo." 'Yun lang ang sinabi niya at hindi na niya ako tiningnan ulit, kahit yung iba na nakikinig hindi na rin nag-usisa pa.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWhere stories live. Discover now