MARK 04: Crumpled Paper

494 77 51
                                    


Camille's POV

Sa tingin ko, pati dito sa cafeteria ay pinag-titinginan parin ako. Ang bilis talaga kumalat ng nangyari kanina sa Quadrangle. Pati si Kayla ang sama na din ng tingin nila sa kanya. Pagpasok pa lang namin dito, pinagchi-chismisan na kaming dalawa kaagad.

Parang sa mga titig nila may kung ano na naman ang nasa isip ng mga 'to. Kung ano yun?

Hindi ko alam.

"Uhmm...Kayla maghanap ka na lang muna ng ma-uupuan, ako na ang bibili ng pagkain natin. Alam ko nagugutom ka na rin eh." mariin kong sabi sa kanya, tumingin siya sakin ng naka-kunot ang noo. Ayaw sundin ang sinabi ko.

"Are you sure about that? I don't think i could let you handle buy our foods without me, kita mo naman kung paano ka nila titigan ng masama...ay tayong dalawa pala!" inilibot ko ang tingin ko at mukhang tama siya.

"Samahan mo na nga lang ako." Suko kong sabi. Medyo takot din ako sa titig ng ibang studyante, baka kung ano pa anga gawin nila sakin.

"Let's go! I'm hungry already!" pabulong niyang sabi. Naglakad kami papunta sa mga nagtitinda ng pagkain (counter) at hindi naman masyadong mataas ang pila, pagkatapos bumili ng babae sa unahan ko...ako na yung kasunod.

"Uhmmmm...Miss isang beef rice toppings po at isang egg rice toppings po para sa kanya, salamat." Sabi ko at ginawa naman nung ibang kasama nung babae yung rice toppings namin. Bumili din ako ng dalawang bottled water para sa aming dalawa.

"Php. 340.00 lahat." Sabi nung babae at nilabas ang wallet ko para kukuha na sana ng pera ng may inabot si Kayla sakin. Pera?

"Hati tayo. Tig 170-170 tayo para hindi naman kaagad maubos yang allowance mo." Sabi niya agad at tinanggap ko na lang kaysa makipag-talo pa sa kanya. Ini-insist pa kasi.

Kinamot ko na lang yung pisngi ko at tumango sa kanya. Nagpa-salamat na lang ako dahil sa ginawa niya.

Inabot ko kaagad yung bayad nung babae sa counter at tinanggap ang pagkain namin, pagkatapos ibigay yung resibo kinuha na namin yun, bitbit ang pagkain habang tumingin-tingin sa paligid. Naghahanap kung saan ay may vacant.

Nagsimula kaming maglakad at naka-hanap kami ni Kayla ng upuan na pang-dalawahan sa kabilang sulok ng cafeteria, na hindi masyadong pinupuntahan ng mga studyante.

"Buti naman at wala masyadong umu-upo dito." sabi niya sabay ngiti sakin at tumango lang ako.

"O-Oo nga eh. Pero kahit dito na tayo umupo tumitingin pa rin sila dito satin. *sigh!*" kasi naman kaming dalawa lang yata yung may distansya sa kanilang lahat.

Nag-simula na kaming kumain ni Kayla. Pa minsan nag-uusap kami sa mga bagay na palagi naming ginagawa at noong mga bata pa kami, nung una ko siyang nakilala sa center at tinatawanan ko siya dahil pag naglalaro kami ng kahit anong larong pang-bata siya palagi yung taya.

Nang biglang may naramdaman ako na kung ano na tumama sa ulo ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. Tiningnan ko kung ano yun at, crumpled paper? Huminto sa pagtawa si Kayla at taka siyang tumingin sakin dahil hindi ko siya sinabayan na tumawa.

"Why did you stop laughing? What's wrong?" tanong niya na kaagad akong tumingin sa kanya at pina-kita itong crumpled paper na ibinato sakin. Tumayo siya at inilibot niya ang tingin sa mga studyanteng pinag-bubulungan kami at may iba na masaya sa pagkain nila.

"Wag mo nang intindihan Kayla...siguro hindi sinasadya nang nagtapon nitong crumpled paper nato. Ang layo kasi ng trash can, kaya sakin natapon." Pinaupo ko na lang siya at pilit na pinapakalma dahil ayokong gumawa ng eksena at mag scandalo pa itong si Kayla. Mahirap pa naman itong paamuhin kapag galit na galit na siya.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang