MARK 34: Secret Relationship

243 31 30
                                    

   Dedicated to Bright__Star

-------------------------------------------------------------

MARK 34

Secret Relationship

[Camille]

"Camille, may assignment kana sa physics? Pa copy naman ako, konti lang kasi hindi ko pa nasisi-mulan yung akin eh." paawa effect sakin ni Kayla. Natapos na namin ang third subjects ngayong araw ng lunes. Tapos na kasi ang sembreak namin, dalawang linggo lang ang itina-gal nun.

Andito kaming dalawa sa cafeteria at bumili ng pagkain kasi nagugutom daw siya.

"Saglit lang po, oh ito na. Ingatan mo yan ah. Baka may ibang makakita niyan lagot ka sakin. Hahaha." tawa kong sabi sa kanya.

"Hala! Tatawa-tawa kana pala ngayon, pagkatapos nung nangyari sayo sa hacienda?" lumukot ang mukha nang marinig ko ang nangyari sa hacienda nina grandpa.

"Kung makapag-paalala ka naman." tinapunan ko siya ng iritang tingin dahil sa ginawa ni Gwynn sakin.

Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, pero hindi ko maiwasang hindi magalit kapag naririnig ko ang pangalan niya at sa ginawa niya sakin nun.

"Are you okay? If you're not comfortable about sa hacienda, hindi ko na ba-banggitin yun." concern niyang sabi sakin.

"Naku! Wala lang yun, Kayla. Wag nalang muna natin pag-usapan. Hindi ko kasi maiwasan na magalit konti kapag na-iisip ko yung ginawa niya. Pero magiging okay din ako, promise!" ngumiti lang ako sa kanya ng tipid matapos kong sabihin yun.

"ATTENTION!!!" napa-lingon kami sa isang tao na may hawak na mega phone at naglalakad ito sa table namin ni Kayla. Lumaki ng husto ang mga mata ko dahil papalapit siya samin.

"Anong ginagawa niya? Baliw din tong taong to eh!" takang tanong ni Kayla sakin, i just shrugged after she said that. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong ginagawa niya at lahat tuloy ng mga studyanteng nandito ay lumingon din sa kanya.

"Hey! What's with that face?" tanong ni Prince samin. Kumunot lang noo naming dalawa ni Kayla, he's so kinda weird today?

"Anong naka-in mo at may hawak ka pang mega phone? Agaw eksena ka tuloy! Hahahaha." tumatawang sabi niya, natawa narin tuloy ako.

"Ayaw niyo nun? Para alam ng lahat na nililigawan ko itong si Camille kaya, Attention ulit!!" inulit niya pa. Ngumiwi ako, sira-ulo talaga. Pina-upo ko na nga lang siya sa upuan na katabi ko para huminto siya sa ginagawa niya.

"Sunduin kita mamaya sa classroom niyo, I have a surprise for you." bulong niya sa kaliwang tenga ko, tumingin naman ng nakaka-loko samin si Kayla at ngumisi.

"Sige lang, mag-pa ka sweet kayo! Walang forever no!" tumawa lang kami sa sinabi at sa reaksyon ng mukha niya.

Tumango lang ako at iniwan na kaming dalawa ng tinitingnan ni Kayla ang notes ko sa physics.

Nang tumunog ang bell ay tumayo na kaming dalawa at hindi ini-inda ang masamang tingin na pinu-pukol nila samin, kasalanan ko bang sakin lumalapit si Prince at hindi sa kanila?

Naglakad na kami sa classroom namin at saktong pumasok narin ang subject teacher namin, nag-simula narin siyang magturo.

"Pass your assignment, here infront please!" pinasa na naming lahat ang notes namin at pagkatapos ay saka niya nalang ch-check yung gawa namin pag natapos ang klase namin.

"Buti nalang talaga may na-copy ako sa notes mo konti, kung wala...pano nalang?" hahahaha, sabi ni Kayla. Natawa nalang ako ng bahagya dahil sa sinabi niya. Tinamaan raw kasi siya ng katamaran kaya ganyan.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWhere stories live. Discover now