MARK 23: She's Back!

278 41 11
                                    

     Dedicated to mahalnihazejuarez

-------------------------------------------------------------

MARK 23

She's Back!

[Camille]

Huwebes ng umaga at nandito kami sa computer lab para sa computer class namin, dalawang section ang nandito dahil kakaonti lang naman ang mga students sa section capricorn at fourth year sila, Batch nila Prince... Yung iba kasi ay maagang natapos sa pinapagawa sa kanila kaya konti na lang sa kanila ang nandito. Tatlong araw ng makapasok na ako at humahabol sa mga na-miss kong klase matapos maging okay ang injury ko, kaya lang limitado na lang muna yung mga lakad ko ngayon... Sa mansyon at dito lang sa school. Bukas na nga pala ang anniversary ng Therrany Commercial Agency at marami na akong gagawin bukas.

Konti na lang at matatapos na ako sa gagawin ng may kumulbit sakin at napa-tingin ako sa katabi ko... Si Kayla lang pala, na kahit kailan ang nguso baka umabot na sa kanto na nakangiwi ang mukha. Hindi ko alam kung bakit sila ang mga nakasama namin dito... Bahala na nga!

"Anong mukha naman yan Kayla? Haha..." inis kasi siyang tumingin sakin at pinakita niya sakin yung ginawa niya sa computer at kumunot ng konti ang noo ko.

"Ano tong tinitingnan mo? Hindi naman ito related sa pina-research satin eh." i said scolded a little, na parang binulong ko lang yun sa kanya dahil kahit dito sa comlab ay bawal ang ma-ingay.

"I bet, you didn't know her...right? Ako kasi kilala ko tong babaeng to eh." taka kung tiningnan ang babaeng nasa computer niya at tinitigan ko itong mabuti, binasa ko ang nakalagay sa ibaba... Nasa france pala ito pero mahahalatang may halong dugong pinoy.

Ang nakalagay doon ay... Headlines pa talaga to. Sino ba to?

(Finally! After so many years, I wanna be able to go back in the Philippines, after my contract was done... I want really want to see my first love that I left there! *Smile to the camera*)

"Ha! Asa pa siyang tatanggapin pa siya ng gagong yun eh samantalang may nililigawan na yun." sabi niya pero nahuli ko siyang tumingin sakin ng makahulugan.

Ano na naman kaya ang ibig sabihin ng tingin niyang to?

Kalaunan ay iniwas niya rin kaagad at binalik ko na ang tingin sa screen ng computer na ginagamit ko, but i hate to admit... I somehow feel bother, but i don't know why!

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na namin ang pinapagawa at nai-send na namin yung gawa namin sa subcom teacher namin.

Nililigpit ko na ang mga gamit ko pati narin si Kayla nang may marinig kaming ingay sa labas.

"What is it again this time?" pabulong pero may halong inis sa boses ni Kayla dahil sa mga sigaw na naririnig namin sa labas. Nag-madali kami dahil baka hindi kami makalabas dito dahil sa daming mga studyante ang nasa bukana ng pinto.

Lumabas kaming dalawa ng makita namin si Prince doon na nakahilig sa railings dito sa second floor kung saan andito lang rin ang classroom namin. Wala naman ang nagtangkang lapitan siya dahil sinasamaan niya lang ang mga ito ng tingin pero hindi naman apektado ang mga sumisigaw sa pangalan niya.

Sikat talaga ang bully nato kahit kailan. Pero... Bumuntong hininga ito ng naglakad siya sa direksyon namin at yun ang hindi nakaligtas sa mga nandito... Panigurado bukas o makalawa marami na naman ang galit sakin dahil lang pinuntahan niya ako... Nung nakalapit na siya samin natigilan sila at masama nila akong tiningnan lalo na ang mga babaeng halos kulang nalang lunurin ako sa mga tingin nila.

"Hmmpp! Andito lang ang manliligaw hindi na ako pinansin!... Cgeh, Camille mauna na ako doon sa cafeteria, hihintayin ko nalang kayo doon." nakasimangot niyang sabi sabay tingin kay Prince na sinamaan niya naman ng tingin. Anong nangyari dun?

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWhere stories live. Discover now