MARK 12: Café

348 59 32
                                    


MARK 12

Café

[Camille]

Nilapitan niya ako para sabihin sakin na sundan ko raw siya.

"I want to talk to you kaya pumunta ako dito sa field,"

Gusto lang pala niya akong maka-usap kung makipag-talo sakin parang may nagawa na naman akong malaking kasalanan.

Ang bilis naman maglakad ni Seniorito para namang hindi mahirap sa kanya ang maglakad, samantalang ako hirap na hirap sa paglalakad at dala ko pa itong mga gamit ko.

Ang tangkad niya kasi at ang ha-haba ng legs niya! Nakaka-inggit tuloy! Pero konti lang.

Akala ko pupunta kami sa North building para mag-pahinga saglit, pero tuloy-tuloy lang ang lakad niya, tumakbo na ako dahil nahu-huli na ako sa kanya.

Nasa likuran niya na ako ng mapansin kong lalabas pala kami ng school.

Saan naman kaya pupunta nito?

"Uhmmm... Seniorito? Saan po ba tayo pupunta?" hindi ko na-iwasang itanong dahil hirap na nga akong maglakad, masakit na din ang mga paa ko.

"Just keep on following me, we'll be there in a minute!" may tigas ng boses niyang sabi sakin at hindi man lang niya ako ni-lingon.

Hindi na ako sumagot, baka kasi pag sumagot pa ako mag-talo lang kami ulit. Katulad ng nangyari kanina.

Kung bakit ba kasi ang daming nagkaka-gusto sa kanya? Sa ugali pa lang kung sakin bagsak sa lahat ng standards ko kahit gwapo naman siya at mayaman siya.

Bully naman siya sakin *sigh!*

Tumingin ako sa kanya dahil bigla siyang huminto at ang nangyari ay bumangga ako sa likod niya.

Inis niya akong hinarap at tumaas ang isang kilay niya.

"Bakit ba ang hilig mo akong bina-bangga? Hindi ka na naman tumi-tingin sa dina-daanan mo!" sabi ko nga galit na naman siya sakin. Sasagot na sana ako ng unahan niya akong magsalita.

"We're here already." at dahil sa sinabi niya automatic napa-tingin ako sa paligid.

Café?

Kaya naman pala na-pansin ko na parang papunta kami sa center at hindi ko naman alam na dito sa café na to niya ako dadalhin. Now i know na familiar sakin ang daan.

At ano nama kaya ang gagawin namin dito? Mag-uusap?

Binuksan niya ang pintuan pero sa halip ako ang maunang pumasok, siya ang nauna roon at iniwan niya ako sa labas bit-bit ang mga gamit ko. May ilan tuloy na pinag-titinginan ako at baka isipin nila na iniwan ako ng boyfriend ko.

T-Teka! Siya? Boyfriend?! Imposible!

Ako lang ba ang na-iinitan o mainit lang talaga kasi nandito pa ako sa labas ng café at hindi ko naman mahawakan ang door knob ng pintuan dahil sa mga gamit ko.

Hindi ko alam kung anong nakain ko at na-isip ko yung bagay na yun?

Na-putol ang pag mumuni-muni ko ng biglang lumabas ulit si Prince.

He has this sharp eyes while looking at me, at kunot noo niya akong dinungaw dito sa labas, his head is on the outside but his body remains on where he stayed.

"What are you doing there? Don't you want to come inside? Ang init pa naman at nandiyan ka pa?!" tinaas ko yung isang kilay ko para sungitan siya sana pero na-pansin niyang hindi ako makapasok dahil hirap akong buksan yung pinto.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWhere stories live. Discover now