MARK 27: Intramurals

211 40 16
                                    

Dedicated to BadAssPeaBrain

-------------------------------------------------------------

MARK 27

Intramurals

[Camille]

Tumawag ako kay Mommy na nasa Hotel ngayon at sinabing dito muna ako matutulog sa center dahil nami-miss narin ako ng mga bata. Pumayag naman siya at sasabihan niya nalang raw si Daddy na dito ako matutulog ngayon hanggang bukas, sa lunes na ako uuwi ng mansyon. Para kung sakaling hanapin ako ni Prince dun, hindi niya malalaman na nandito ako. Pwera kung sabihin nina Mommy at Daddy.

Pero sinabihan ko narin sila na kung, sakali lang naman na pumunta siya ng mansyon...wag lang nilang sabihin sa kanya.

Kahit kasi wala pang kami, he give me the assurance na ako ang liligawan niya...ang sakit talagang umasa no? Assuming kasi ako, in the first place hindi ko tinanong yung reasons niya.

Hay! Ano ba yan! Siya na naman ang iniisip ko.

"Camille? Ano na?" si Kayla lang pala na sinamahan ako dito, pinayagan rin siya nina Tita at Tito na mag-sleep over dito sa center.

Kinalabit niya pa ako bago siya umupo sa upuan na nasa harap ko.

"Nagkita kasi kami kaninang umaga sa garden dahil dun ako dumeritso, hindi ko naman alam na mas maaga pala siyang pumasok kanina, at intramurals na next week. Hindi kasi ako updated sa mga nangyayari sa campus ngayon." paliwanag ko pero hindi parin siya convince sa sinabi ko dahil mukhang may iba pa siyang hinahanap.

"Hindi naman yun ang gusto kong malaman, Camille!" sabi ko nga diba?

"Galit kana nang lagay na yan, Kayla Stephanie? *sigh!* O sige na nga...mapilit ka eh. Hindi ko na sana papansinin ang studyanteng dinaanan kaming dalawa kanina, pero parang sinadya nilang iparinig sakin na mas better kung magiging sila ni Gwynn at Prince ulit. I have no intention to left him earlier, kaya lang nasaktan rin naman ako...dahil kahit papano may pinagsamahan narin kaming dalawa, konti. Yung pinakita mo sakin kanina sa phone mo, tinulungan niya lang raw si Gwynn na tumayo pero...pero...hinalikan siya at bigla nalang nag-announce si Gwynn na sila ulit. Hay! Hindi ko alam kung sino ang papaniwalaan ko, Kayla." mahabang litanya ko.

"Ang mabuti pa, bigyan mo siya ng chance na makapag-explain ng sides niya. Malay natin, ginamit lang yun ni Gwynn para siraan ka ng mga schoolmates natin sa campus. Alam mo naman kasi yung trato nila sayo diba? Nagkataon lang nung foundation day na maraming nagch-cheer sayo but after that? Wala na, back to normal ang trato nila sayo." may puntong sabi niya.

Hindi pa kami umalis dito sa garden at nagku-kwentuhan ng kung anu-anong bagay, hanggang sa kumain na  ng dinner namin...syempre kasama namin ang mga bata.

Masaya pa nga sila kanina nung sinabi kong dito kami matutulog ni Kayla, dahil may makakalaro raw sila.

~<>~

Pagkatapos ng dalawang araw na namalagi kami ni Kayla dito sa center, ay araw ng lunes ay napag-desisyunan na naming umuwi sa mga masyon namin.

May dalawang araw kami para sa exam at magsisimula na yun mamaya. The rest of the days ay dun palang ang start ng intramurals namin.

Hindi man lang ako nakapag-review ng maayos dahil kung pilitin ko mag-review, wala masyadong pumapasok sa utak ko...bahala na nga muna.

"Good morning young lady Camille." si ate Jane ang nagsabi nun, nung nakasalubong ko siya dito sa pinto ng mansyon.

"Good morning din ate Jane. Sina Mommy at Daddy po?" tanong ko habang papasok dala ang bag ko at isang uniform na ginamit ko nung sabado.

"Maaga silang pumasok dahil may emergency lang sila sa kompanya at sa hotel." ngumiti ako kay ate Jane at tumango bago ako umakyat papunta sa kwarto ko at maligo.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWhere stories live. Discover now