MARK 31: Farm

218 32 27
                                    


MARK 31

Farm

[Camille]

(6:00 am, alarm clock ring)

Napa-mulat ako dahil sa narinig kong alarm, kahit nakahiga ay tumingin ako sa bedside table kung saan nandun ang alarm clock. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong natatandaang may nakalagay na alarm clock dito?

Maaga pa, pero bumangon na ako ng humihikab. Nag-inat ako ng katawan at pumikit ulit ng makita ko ang liwanag na nanggagaling sa labas ng bintana ko.

Oo nga pala, aalis pala kami ngayon pero hindi namin alam kung saan kami pupunta. Naglakad na ako papuntang bathroom para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay hinanap ko yung cabinet na nilagay ko ang dalawang maleta ko.

Nang makita ko, ay kumuha ako ng simpleng dirty white kamesita t-shirt at maong palda na hanggang itaas ng tuhod ko. Kinuha ko rin sa isang maleta ang isang pares na fasioned shoes, puti ang kulay nun at sinuot ko na lahat.

After i changed my clothes ay, lumabas na ako ng aking kwarto at bumaba na baka kasi andun na sa baba si Cindy.

I'm humming to the lyrics of unknown music while when I went down to the staircase.

Wala lang gusto ko lang. Alam niyo naman na mahilig ako sa music diba?

Naglakad kaagad ako sa dining area at nadatnan ko sina Bryle, Carl, at Aidan palang ang mga nandito.

Tumingin sila sakin saka ngumiti ng makita nila akong papasok. Tama nga ako andito narin si Cindy.

"Good morning, Cami--- ay sorry Therrany pala!." sabi ni Carl pero binatukan lang siya ni Bryle na ikina-tawa ko, umagang umaga ganyan agad ang bungad sakin. Hahaha.

"Ano ba kayo? Camille nalang itawag niyo sakin, pero kapag nanjan sina grandma at grandpa baka pwede pa yun." nakangiting sabi ko at umupo ako katabi ni Cindy.

"Cinds? Saan ba tayo pupunta ngayon?" tanong ko na hindi man lang ako sinagot nito.

Lumapit ako sa tenga niya na may ibubulong.

"CINDY!!" sigaw ko na ikina-talon niya. Tumingin siya sakin na nagtataka. Para kasi siyang lutang. May iniisip siguro.

"Ano ba yan, Therrany!? Aga-aga naninigaw ka? May sinasabi ka ba?" simangot niya akong sinagot. But instead, ngumiti lang ako sa kanya. Nilibot ko yung tingin ko pati pala silang tatlo nagulat ng bigla akong sumigaw.

"Hehehe ✌, may tinanong lang kasi ako pero hindi mo naman ako sinasagot, kanina kapa kasing lutang jan." bumuntong hininga lang siya saka niya ako hinarap.

"Ano ba yun? Sorry ha, may iniisip lang kasi ako." on the second thought, tama na naman ang hula ko.

"Ang sabi ko, saan ba kasi tayo pupunta ngayon? Ang aga naman kasi, Tingnan niyo yung iba wala pa dito." paninigurado ko. Tumango lang sila at a-akto na sana siyang tatayo pero sunod-sunod ng dumating yung iba na naka-bihis narin pala.

"You'll know, Therrany. I'm sure magugustuhan mo dun. *wink*" ngiting sabi niya.

"All complete na pala tayo! Let's go eat our breakfast!" masayang sabi ni Kayla, pero may isang tao kaagad yung nag-react sa sinabi ni Kayla.

"Kung gusto mo ng kumain umupo ka na dito, hindi yung madami ka pang sinasabi jan." sabi niya na hindi nakatingin kundi sa plato lang na nasa harapan niya. Parang may pina-patamaan.

"Ako ba yung pinapa-ringgan mo jan? Kung gusto mong kumain, eh di kumain ka?! Isaksak mo yan sa baga mong unggoy ka!!" asar na sabi ni Kayla. Kung kanina nag-pipigil lang akong tumawa ngayon, I burst my laughter while hearing their sentiments. Hahaha

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα