MARK 19: Double Date

304 49 6
                                    


MARK 19

Double Date

[Camille]

Narating narin namin ang center dahil hindi naman ito masyadong malayo sa tinitirhan namin, mga dalawampung minuto ang naging biyahe namin ng iparada ni Prince ang sasakyan sa tabi nang gate ng center.

It's one pm already when i saw it in my wrist watch.

Nilagay ko muna si bubble puppy sa gilid ng upuan ko sa passenger seat dahil tinalian ko muna ang katamtaman kong buhok, mainit kasi. Nakita kong nakatitig sakin si Prince sa peripheral vision at akala ko namamalik-mata lang ako, nang tumingin ako sa kanya ay tulala siyang nakatitig parin sakin.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" naka-nguso kong sabi at kinarga ko na ulit si bubble puppy, pababa na sana ako ng pigilan niya ako sa braso ko at may nilagay siya na kung ano sa buhok ko. Tumingin ako sa rearview mirror at isang cat design hairpin ang nandoon ng isang cute na tahol ang narinig ko at si bubble puppy pala yun.

Tinanggal ko muna yung hairpin dahil hindi komportable si bubble puppy kapag sinuot ko yun.

"Sa bahay mo na lang sana ito binigay para hindi makita ni bubble puppy... Tingnan mo tuloy tinahulan ako, hahaha..." tumawa ako at ngumiti lang siya sakin, Dug! Dug! Dug! I stopped laughing. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng makita siyang ngumiti dahil baka pulang-pula na ang mukha ko pag tumingin pa ako sa kanya.

"Okay! If you say so." kunot noo niyang sabi sakin pero nakangiti ng pilit ngayon.

Tingnan mo itong lalaking to? Paiba-iba ng mood! Haha

"Halika na, su-surpresahin ko ang mga bata, sayang hindi pala tayo bumili ng merienda man lang para sa kanila... Di bale, sa susunod na pagbisita ko dito na lang ako bibili." yun lang ang sinabi ko at lumabas sa kotse niya, ganun rin ang ginawa niya. Sinigurado niya munang naka-lock yung sasakyan niya bago sumunod sakin na pumasok sa loob.

Nagulat silang lahat sa biglaan kong pagbisita sa kanila dito. Hindi kasi ako nag-inform sa kanila na pupunta ako ngayong araw. Sinugod ako ng mga bata ng yakap at ang mga naging ate ko naman kasunod akong niyakap.

"Camille! Hindi ka man lang nagsabi na pupunta kayo ngayon...Eh di sana nakapag-handa kami, na surprise kami at kasama mo rin pala siya. Pasok ka hijo!" pagyaya ni Ate Joanna kay Prince ng tumabi siya sakin sa pwesto ko ngayon.

"Oo nga po pala...May isang surprise rin po ako sa inyong lahat! Tada! Ang pangalan niya ay bubble puppy. Mga bata gusto niyo bang laruin muna si bubble puppy doon? Mag-uusap lang kami saglit." napa-singhap ang mga bata ng makitang hawak ko si bubble puppy, tinuro ko ang garden at tumango lang sila na masaya dahil may makakalaro silang isang tuta.

"Buti naman at naisipan mong dumalaw dito, Camille? Akala namin hindi kana dadalaw simula nung----" natigilan naman si Ate Nicole sa pagsasalita ng may sumiko sa kanya at si Ate Jasmine lang pala.

"Pasensya na po kayong lahat ah! Kung hindi ako nakadalaw nung nakaraan kasi naging abala po kasi ako sa school at hindi po halata kay Mommy at Daddy ay may naituro po sila sakin sa business kahit konti..." naka-nguso kong sabi dahil alam ko baka nagtampo sila sakin, sinabi ko pa naman sa kanila na palagi akong pupunta dito pero hindi ko nagawa.

"Ayos lang yun, Camille.... Basta ang importante ay dumalaw ka ngayon." nakangiting sabi ni Ate Eula.

"Nga pala, kanino naman galing yung tuta? Binili mo?" kuryusong tanong ni Ate Jasmine ng tuminin ako kay Prince na hindi man lang nagsasalita.

"Uhmmm...Galing po yun sa pamilya niya, advance birthday gift raw po ng pamilya niya sakin." paliwanag ko na tumango lang silang lahat at hindi na nagtanong pa.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt