MARK 48: Three Musketeers

289 26 48
                                    

  Dedicated to bngtan_luvxx
-------------------------------------------------------------

MARK 48

The Three Musketeers

[Prince]

Araw-araw ay ganito ang nangyayari sa buhay ko, gigising sa umaga, babantayan ang triplets, halos ramdam ko na ang pagod sa katawan ko. Isasabay ko pa ang pagpapa-takbo ng mga negosyo na nagawa kong palaguin noong umalis ako na parang bula. Simula nung umalis siya papuntang france. Noon naramadaman ko rin ang ganito, na mag-isa ka lang at pina-mumunuan mo ang hindi mo pa nakasanayang pagpapatakbo ng negosyo, pero kinaya ko yun. Ang akala ko kapag nagkita kami ulit ay pa-pasayahin ko siya ng buong puso. She gave all her love to me to the point, may possible pa palang mawala siya sakin ang nangyaring pagdukot samin. But you know, what hurts the most? Is gigising ka araw-araw na hindi mo na siya maka-piling, yun ang kina-tatakutan ko. I couldn't get the pain that she get pagkatapos ng panganganak sa triplets, all i want is to vanished the pain that time. When----

Hindi ko natuloy ang pagmo-monologue sa isip ko ng bigla siyang sumulpot at magsalita sa gilid ko. Nasa kwarto kasi kaming apat ng mga babies namin ng biglang pumasok ang Mommy nila. Sa unit ko parin kami nakatira dito sa condo na pagmamay-ari na namin ni Camille, at yes. Hindi po siya patay. Nagkataon lang na tumigil sa pagtibok ang puso niya dahil yung hanging nanggagaling sa utak niya ay hindi umabot sa puso niya kaya pinakalma na muna siya nina Doc. Miguelito at tinurukan ng pampatulog noon para umayos na ang paghinga niya. Nilagyan nga rin siya ng oxygen nun.

"Baby, anong nangyari sayo? Umiiyak ka ba?" tanong sakin ni Camille, my baby. Baby version 0.1. Hahaha joke baka pagalitan ako nito! As i was saying, nandito kami sa kwarto nung naisipan kong mag-monologue dahil trip ko lang. Dahil bibinyagan na ang triplets namin ngayong araw.

Ang dami ngang Ninang at Ninong ang in-imbita nina Cindy eh kasi yung tatlong babae mismo ang nag-organize ng baptismal/welcoming party para sa triplets. Binibihisan ko nalang ngayon ay ang baby princess namin na si Aaime Cheelzy Felipe Matias. Si Camille kasi ang nag-bihis dun sa dalawang baby boys namin, sina Achilles Clyden Felipe Matias ang panganay, si Ashler Cayden Felipe Matias naman ang pangalawa. Bunso naman namin si Aaime Cheelzy, oh diba unique ng mga pangalan nila? Hahaha.

"Waaaaaa!! Waaaa!!! Waaa!!!" iyak ni baby princess Aaime Cheelzy. Nagpapa-pasag siya na parang ayaw niya pang magpa-bihis sakin. Tiningnan ko si Camille at nagpapa-awa effect ako sa kanya para lang tulungan akong bihisan si baby princess namin. Lumapit naman siya sakin dito sa kama namin nang tapos na niyang mai-lapag sa mga crib nila ang dalawang baby boys namin.

Nakaka-loko niya akong tiningnan nang lumapit siya sakin at kinuha si Aaime Cheelzy sakin at pinag-breast feed niya. Natulala ako dahil tumigil sa pag-iyak si baby princess pero dahil naka-talikod sila sakin hindi ko nakita ang ginawa niya, para tuloy akong bata na sumimangot dito habang naka-upo parin sa kama.

"Anong mukha naman yan? Hala! Baby princess si Daddy mo oh! Parang bata kung magmaktol? Nagugutom kasi siya eh wala ka naman kasing....alam mo na? Hahahaha!" panunukso niya sakin. Sumimangot ulit ako but this time, tumayo na ako at tinitingnan kung paano dumede ang anak namin sa kanya. Tatalikod ulit sana siya sakin ng pinigilan ko, saka ako nagsalita.

"Can't you turn your back on me habang ginagawa mo yan? Gusto ko kasing makita kung paano dumede ang mga anak ko sayo. Napaka-swerte ko talaga na ikaw ang nagiging ina ng mga anak ko, ah! Hindi lang pala ako ang ma-swerte kundi, pati sila din. Dahil hindi mo hinayaan na mawala ka samin, baby." i sincerely smiled at her when i say those words.

(Flashback)

Nag-iiyakan na kaming lahat dito sa ospital dahil sa lungkot ng expression ni Doc. Miguelito. Halos gumuho ang mundo ko na makita yung lungkot niyang yun. Umiling-iling ako at, hindi ko na alam ang gagawin ko at nais ko nalang umalis dito. My life, my wife. She's gone! Paano ko sasabihin sa mga anak ko na wala na ang kanilang Mommy? Halos mawala sa panimbang ang bigat kong tumayo at tatakbo na sana ng nilabas ng mga nurse ang hospital bed kung saan doon nakahiga si Camille. Nanginginig ang buong katawan ko nang huminto ito sa tapat namin at dahan-dahan akong lumapit sa kama niya na balot-balot ang kanyang buong katawan sa puting tela, hinawi ko yun hanggang sa mukha niya at kita ko na siya talaga yun. Maging ang mga pamilya namin na nandito ay hindi maka-paniwala dahil nakita rin nila mismo....na wala--------------.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWhere stories live. Discover now