MARK 28: Anton

222 36 10
                                    

Dedicated to juliannemarieee

-------------------------------------------------------------

MARK 28

Anton

[Camille]

Second day na ng intramurals dito sa school, makikita talaga na maraming ginagawa ang halos lahat ng studyante dito...katulad nalang ngayon, kung saan anim kaming nagbabantay ng souviner stall key chains na naisip ng mga classmates namin.

Nandito ako sa labas para kung may bibili ng mga souvenir key chains ay tatawagin ko lang si Kayla at sa kanya iaabot yung bayad at meron rin silang free photo mula naman sa polariod ni Kayla.

Naghihintay ako ng mga bumibili nang may bumangga sakin at konting tulak lang naman pero hindi naman ako humandusay sa sahig.

Nilingon ko yung lalaki at magkasing-tangkad lang sila ni Prince konti at gwapo rin naman pero mukhang seryoso...sa mukha palang halata na.

"Miss...sorry, i didn't intend to push you. I'm Anton Ezekiel Madrigal, and you are?" sabi niya sakin at iniabot niya ang kanyang kamay sakin para makipag-shake hands at tinanggap ko yun pero binawi ko kaagad.

"C-Camille Felipe." i said, while i give him an awkward stare and smile.

"Camille!" rinig kong may sinigaw sa pangalan ko nang napalingon ako at nakita ko si Prince kasama ang anim niyang mga kaibigan habang sinusundan nila si Prince papunta sa pwesto dito sa stall namin.

Nang makalapit ay hinigit niya ako at pinapunta sa likuran niya habang sinamaan niya ng tingin si Anton.

Hindi naman nagpahuli si Anton at ganun din ang ginawa niya.

"Chill dude! I'm not the type of guy that makes her heartbeat fast and drolls over me with. Nag-sorry lang ako dahil na-bangga ko siya, sorry again miss?" sabi niya na may halong pag-uyam at nakaka-loko niyang tiningnan si Prince, aba't! Anong sabi niya? Ang yabang naman nun! Sasampalin ko na sana yung lalaki pero bigla itong tumalikod at naglakad paalis. Nabitin sa ere yung kamay ko, pahiya ako dun ah!

Sakto naman nung paglabas ni Kayla ay na-bungaran niya kami at nakita niya na nandito ang mga SSC members. Nagulat pa siya at lumapit samin bago nagtanong.

"Anong ginagawa niyo dito? At nakita ko na naman yang pagmu-mukha mo, Prince...lalo na yang mukha ng kaibigan mo?!" sigaw niya sa mismong mukha ni Aidan.

"You're so loud missy! Can you please lower down your voice?! Hindi kami mga bingi no?" singit naman ni Aidan at pa-simpleng natatawa lang ang lima ng tahimik lang ang mga ito sa pakikinig sa dalawa.

"Nasaktan ka ba?" rinig kong sabi niya ng humarap siya sakin at tinanong yun. Hindi ko na siya dapat papansinin ng bigla niya akong kinawit sa kanyang mga balikat na parang isang sakong bigas!

"Hooooyyy! Saan mo dadalhin ang kaibigan ko?!" sigaw ni Kayla ng makita niya akong bitbit ni Prince sa kanyang balikat. Nakalayo na kami ng pinigilan siya ng mga kaibigan nito na sundan kami at may sinabi sila kay Kayla. Pumapasag ako ng hindi niya ko binitawan.

"Ibaba mo nga ako, Prince! Tulong!!" sigaw ko pero hindi siya nakinig, imbes na huminto ay naglakad siya papunta sa kung saan...pero dahil malakas siya hininto ko rin ang pagpapa-pasag dahil nawalan na ako ng energy para gawin yun.

"Stay still, will you? Nandito lang tayo sa rooftop. Baka mabitawan kita at mahulog tayo dito, ayaw mo naman yun diba?" kalmang sabi niya pero may diin din sa huli. Nahihirapan kasi siyang umakyat ng hagdan paakyat ay bitbit niya pa ako. Parang may ibang ibig sabihin yung huling sinabi niya ah?

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon