MARK 26: Rumor

230 39 17
                                    


MARK 26

Rumor

[Camille]

Sabado ngayon, andito ako sa garden ng school...nakaupo sa isang bench at tinitingnan ko ang notes para makapag-review kahit konti kasi hindi na ako nakapag-review kagabi at may quiz pa naman kami sa mga subjects namin ngayon. Habang eni-iscan yung mga notes ko, may narinig akong ilang studyante na dumadaan malapit sakin at hindi ko na sana papansinin ng binanggit nila ang pangalan nung Gwynn at si Prince.

Kumunot ng bahagya ang aking noo sa narinig.

"Oo nga eh...akalain mo ba naman si Queen Gwynn, ang ganda niya talaga diba? Kaya bagay na bagay silang dalawa ni Prince eh." sabi ng isang babae sa mga kasama niya at nung napansin nila akong nakatingin bigla silang umiwas at nakangiti ng nakaka-loko sakin, sa ibang direksyon sila dumaan kaya nilagpasan lang nila ako.

"Kaya nga mas bagay pa sila, kesa sa kanilang dalawa ni Camille, kahit anak mayaman...ang cheap parin! Hahaha." natatawang sabi nila, kahit malayo na sila sa kinaroroonan ko ay narinig ko parin ng konti. Yumuko ako para itago ang hiyang nararamdaman sa mga sinasabi nila.

Totoo naman yung sinabi ni Prince sakin diba? Tanong ko sa sarili, kahit hindi ako sigurado kung yun parin ba ang nararamdaman niya sakin matapos sumulpot ang first love niya.

Napa-buga ako ng hangin at itinuon ko nalang ang pansin ko sa mga notes ko, pero lumilipad ang isipan ko ngayon *sigh*, no use narin naman kung mag-scan pa ako ng mga notes eh wala namang pumapasok sa utak ko, lutang akong nakatingin sa kawalan ng may naramdaman akong kumulbit sakin.

Pamilyar ang amoy niya kaya napaigtad ako, umayos nang upo ng makita ko si Prince na nakatingin sakin habang nakangiti..kita mo to...ang hirap niya talagang espellingin, parang wala lang sa kanya ang nangyari kagabi dun sa party tapos nung lapitan ako ng pinsan ko ay heto siya...ang lapad ng ngiti sakin. At yung narinig ko rin kanina.

Sumimangot ako konti sa kanya na napansin kaagad at tinabihan niya ako sa pag-upo.

Nilagay niya ang isang kamay niya sakin at hinawakan niya ang dalawang kamay ko dahilan na nagpa-bilis nang tibok ng puso ko.

"What's with the face, Therrany?" half serious, half smile niyang sabi sakin.

"Wala...ang aga mo naman na nandito?" iniba ko ang usapan dahil feeling ko pumula na naman ang mukha ko sa titig niya.

"We have a practice on basketball, kaya maaga ako ngayon." that's the reason why.

"Ah? Para saan naman?"

"Hindi mo ba nakita ang announcement board kanina nung pumasok ka dito?" sabi niya, umiling lang ako. Hindi rin naman kasi ako interesado na tumingin sa mga ganyan, pwera na lang kung related after ng exam.

"Hindi, kasi dumiretso na ako dito kanina...nagpapa-hangin at nag-review sandali sa mga notes ko. Ano ba yun?" medyo naka-kunot noo kong tanong.

"Intrams next week at malapit narin ang semestral break." kalmadong sabi niya, bigla akong humarap sa kanya na nanlalaki ang mata. Oo nga no? Bakit hindi ko naisip yun? Malapit narin pala ang semestral break namin.

"Now you realized it already? Hahaha saan ka magba-bakasyon?" natatawang tanong niya nang maramdaman ko ang kanyang braso sa aking balikat at dahan-dahan niyang nilagay yun dun.

Ngumisi ako sa kanya at dali-dali kong tinanggal ang braso niya at nilabas ko lang ang dila ko para asarin siya.

"Meron ka palang ganyang side, Camille ha? Hahahaha." tumatawa lang siya na ipinag-taka ko. Napansin kami ng ilang studyante na nakatingin samin at may binubulong.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang