MARK 17: Foundation Day

361 55 13
                                    


MARK 17

Foundation Day

[Camille]

Nagising ako ng alas sinko ng umaga dahil sa tunog ng alarm clock ko. Monday na naman kasi ulit at kailangan ko pang mag-ready para sa school. Kahit mukha akong zombie na naglalakad papuntang banyo ginawa ko parin, nasanay lang kasi sa center na maaga akong gumising. Pumasok ako sa banyo at tumingin muna sa salamin ng makita ko ang itsura ko. Sumampa na ako shower area at binuksan yun para maligo.

Nang lumabas ako pagkatapos kong maligo ay siya namang may kumatok sa pinto ko at dali ko yung binuksan.

"Young lady Camille, ito nga po pala yung uniform ninyo...Binili po ito nina Senyorito at Senyorita sa school niyo po para magamit niyo. Kasi naiwan niyo daw po yung lumang uniform niyo sa center...nakalimutan ko nga lang po na ibigay sa inyo kagabi." sabi ng isang kasambahay na dinala yung bagong uniform ko.

"Naku ate! Nag-abala pa po kayong dalhin to sakin, ako na lang po sana ang kuhuha nito. Pero salamat po dito ate ha!" ngumiti na lang ako sa kanya saka ko sinarado ulit ng makita kong umalis na siya.

Sinuot ko narin yung bagong uniform ko ng BA at kasya lang sakin...Ngumiti ako ng makita ko ang ayos sa vanity mirror na ka-tapat lang ng kama ko.

Kinuha ko ang bag na nasa isang cabinet dahil doon ko lang nilagay yun.

Pinatuyo ko muna saglit ang buhok ko bago sinuklay gamit lang ang mga kamay ko.

Lumabas ako ng kwarto na maayos na at tiningnan ko ang oras. Mahigit isa at kalahating oras pala ang tinagal ko...Hindi naman ako ganito kung mag-ayos dati. Siguro marahil dala lang ito ng environment dahil bago pa ako sa mansyon.

Pagbaba ko ay naabutan ko si Manang Dina at Jane na naghahanda ng almusal. Napalingon sila sakin ng marinig nila akong palapit.

"Young lady! Good morning po, umupo na po kayo at kumain ng breakfast. Niluto po namin ni Manang." may ngiting sabi ni Jane, tumango lang ako umupo sa kung saan ako nakaupo nung una dating ko dito sa mansyon at kukunin ko na sana ang lalagyan ng kanin pero daling kinuha yun ni Jane at siya mismo ang naglagay nun sa pinggan ko.

"Naku Jane ako na, kaya ko naman eh...Tsaka hindi mo naman ako dapat asikasuhin kasi meron naman akong kamay para kunin at ilagay sa pinggan ko, kaya okay lang." sabi ko ng ngitian ko lang siya pero hindi siya magpapa-pigil at siya na talaga ang ang nagalagay ng kung ano sa pinggan ko.

"Alam niyo, Young lady Camille... Mapapagalitan ako ni Manang kapag hindi ko ginawa ng maayos ang trabaho ko bilang maid mo, at isa pa nagpresinta ako na magiging maid mo kaya kung anong iutos mo sakin gagawin ko." pagdadahilan niya at nakikita kong gusto niya ang ginagawa.

"Ilang taon ka na ba? At bakit nagta-trabaho ka ng maaga, nag-aaral ka pa ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya ng magsimula akong kumain at nasa tabi ko lang nang magsalita siya.

"20 years old palang po ako, young lady Camille...Kailangan ko po kasi ang trabahong ito para may maibigay akong pera sa mga magulang ko. Mahirap lang po kasi kami at ika-tatlo ako sa walong magkakapatid, tungkol sa pag-aaral, opo nag-aaral po ako pero tuwing sabado at linggo dahil yun lang kasi ang kaya ng mga magulang ko." kwento niya, nagulat ako dahil ang dami niya palang kapatid at ang bata niya pa para magtrabaho.

Tumingin ako sa kanya, nung nagsasalita siya ay nakikita ko na malungkot ang kanyang mga mata ng tingnan niya ako.

"May maitutulong ba ako sayo? Mas matanda kapa pala sakin ng tatlong taon at inu-opo mo na ako, Camille na lang at pwede ba kitang tawaging Ate? Nami-miss ko kasi na meron akong tinatawag na ate eh. Kung okay lang sayo? " tanong ko, gusto ko lang pagaanin ang loob niya kaya ko sinabi ito sa kanya.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedWhere stories live. Discover now