MARK 16: Cat/Dog

362 54 9
                                    


MARK 16

Cat/Dog

[Camille]

Nagising ako sa liwanag na tumatama na nanggagaling sa bintan/verranda ng kwarto ko.

Araw pala ng linggo ngayon, ano kaya ang pwedeng gawin? Teka! Hindi panaginip yung nangyari kagabi? Tumingin ako sa gilid ko at nakita sina Mommy at Daddy na mahimbing parin na natutulog.

Anong oras na ba? Nakita ko ang orasan sa bedside table at mag-aalas syete pa pala.

Hindi ko magawang bumangon kaagad dahil sa yakap nina Mommy at Daddy sakin. Kumilos si Mommy at nahagip niya ang titig ko sa kanila ni Daddy at ngumiti lang siya.

"Good morning sweetie! Maganda ba ang naging tulog mo?" ngiting tanong niya sakin...Bumangon na kami at iniwan muna namin si Daddy na tulog parin hanggang ngayon.

"Saan po tayo pupunta, Mommy?" pagtataka ko dahil nasa likod lang si Mommy ng sabay kaming naglakad sa isang kwarto.

Binuksan niya ito at tumambad sakin ang napakaraming regalo sa isang sulok at nandito rin ang walk-in closet.

"Sabi ko naman sayo diba? Bubuksan mo ang ilang mga regalo namin sayo." ngumiti siya sakin at tinaas-taas niya ang kilay niya. May kinuha si Mommy na isang regalo at ibinigay niya yun sakin.

"Ano po ito, Mommy?" tanong ko, hindi yata ako mauubusan ng tanong ngayon.

"Open it, sweetie!" masiglang sabi niya.

Nang buksan ko, ay isa itong crystal ball na ang loob nun ay isang aso at pusa.

"Souviner po ito Mommy! Thank you po, nagustuhan ko ng sobra." niyakap ko siya habang hawak ko yung crystal ball.

Binuksan ko pa yung iba hanggang niligpit namin at tinago ulit ang mga nabuksang regalo sa kung saan ito nakalagay.

Lumabas na kami ni Mommy sa kwarto ngunit sinilip muna namin si Daddy pero wala na siya sa kama, marahil ay gising na at nagpunta lang muna sa kwarto nila ni Mommy.

Hindi pa ako nakapag-bihis pero bumaba na kami ni Mommy at naabutan namin si Daddy ng pumunta kami sa dining area nung nakapag-handa na ng almusal sina Manang Dina.

"Good morning, Honey! Nauna na akong bumaba sa inyo dahil alam ko na may ginagawa kayo sa walk-in closet ni Camille...I won't bother to disturb you both." masayang sabi ni Daddy ng makita niya kaming dalawa ni Mommy na palapit sa pwesto niya at umupo ako sa kaliwang upuan, sa kanan naman si Mommy.

"By the way...Camille, it's your birthday in september 19. Where do you want to celebrate your birthday? We can do it here, maghahanda tayo...pambawi sa mga taon na hindi ka namin nakasama ng Mommy mo." biglang sabi ni Daddy ng tumingin siya sakin na may kislap sa mga mata.

Nakita ko si Mommy ng titigan niya ako at ngumiti ng makahulugan sakin...Nagtaka ako sa kinikilos niya.

"Sweetie? Any suggestions?" hindi parin nawawala ang ngiti ni Mommy sakin.

"Okay lang po kahit saan Mommy, Daddy. Hindi ko naman po kasi nahiligan na maghanda sa birthday ko, kasi wala naman po akong alam kung anong araw ang birthday ko eh...Buwan at taon lang po ang alam ko, dahil yun po ang sabi ni Ate Joanna." yumuko ako ng maalala ko noong bata pa ako nang sinabi ni Ate Joanna sakin ang tungkol doon.

"We're very sorry, anak. If we are not   careless, we shouldn't have lost you. Kasalanan namin ang lahat ng ito." tumayo si Mommy dahil sa sinabi ni Daddy at hinagod niya ang likod nito para pakalmahin.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon