MARK 18: Bubble Puppy

324 51 19
                                    

MARK 18

Bubble Puppy

[Camille]

Linggo ngayon pero maaga akong nagising, kahit medyo inaantok pa. I went to the bathroom and take a bath for a minute, after that...Nagbihis na ako ng damit.

Bumaba kaagad ako at pumunta ng kusina ng may maamoy akong mabango. Naglakad ako papunta doon at tiningnan kung sino ang nagluluto. Sino kaya ito? Takang tanong ko sa isipan dahil may isang tao lang nandito sa kusina, pangalawa ako at hindi ko man lang nakikita ang ibang kasambahay dito...siguro may ginagawa lang sila sa likod ng mansyon.

Hindi muna ako pumasok kaagad pero sumilip ako sa bukana ng pintuan at nagtago para hindi ako makita ng kung sino mang tao ang nanjan sa loob.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Prince na may suot na apron habang nagluluto at nakatalikod sakin. Dumikit ako sa wall para magtago ulit.

Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!

Lumalakas na naman ang tibok ng puso ko! Ano ba itong nararamdaman ko? Why do i have to felt this kind of weird feeling inside my chest?

Papasok na sana ako ng marinig kong may naglalakad palabas ng pinto at mukha niya ang na-bungaran ko. Tumingin siya sakin at hindi ko alam kung anong expression ang binibigay niya sakin ngayon... Hindi ko talaga siya ma-gets! I have been able to notice his face right infront of me, he has a combination of brown and gray eyes color, both thick eyebrows, long eyelashes pointed nose and heart shap lips. I blink my eyes thrice dahil narin sa nakikita kong feature ng mukha niya.

Nataranta ako at nai-tulak ko pa siya ng konti and after that kumilos na ako papasok sa loob ng kusina ng sinundan niya ako ng tingin. *Sigh!* malala na talaga ako! He smirked at me.

Kumuha ako ng tubig sa refrigerator at baso bago uminom nang magsalita siya tabi ko.

"I'm so sorry if we made a decisyon and about not to tell you on the foundation day, yesterday. It's okay if you're mad at me...Sorry din dahil palagi kitang nabu-bully at ang ibang mga studyanteng gumagaya na sakin sa ginagawa ko sayo...I have my own reasons why do i had to do that, it's lame pero hindi mo na pwedeng malaman pa yun." may katigasang sabi niya pero unlike na palagi kaming nagkaka-usap mas naging smooth na siya ng konti ngayon... Himala kung himala dahil nakita ko siyang ngumingiti kahit pilit lang.

Bumuntong hininga ako bago ako sumagot. Nakatagilid akong tumingin sa kanya.

"Kaya ka nandito ng ganitong kaaga para mag-sorry, Senyorito? Hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa mo, pero marunong naman akong patawarin ka kaagad kahit anong bigat na kasalanan ang ginawa mo. Hindi ako santo, Prince...Tao lang rin ako nagpapatawad. Kaya sana patawarin mo narin ako sa nagawa ko sayo noon, matagal na yun eh! At saka hindi ko naman sinasadya yun." ngumiti ako ng pilit na sabi ko sa kanya at alam ko hindi ngayon pero makakalimutan ko rin ang mga nangyari.

"I'm glad that you've already forgiven me...Gusto ko lang talagang bumawi sayo kaya ako nandito, I know it's hard to believe that i'm here pero mukhang na-guilty ako na pinalinis kita ng music room pero nandoon lang kami tinitingnan ka habang hirap ka sa paglilinis." mariing sabi niya. So he admit that he's trying to fool and let me suffer! Pero nag-sorry narin lang naman siya.

"Okay na yun! Pero sa susunod wag mo na akong tratuhin ng ganun... Dahil hindi maganda sa pakiramdam na nahihirapan ako tapos ikaw ini-enjoy mong panoorin ako, sa part ko hindi talaga maganda lalo na marami ang may galit sakin." malungkot kong sabi sa kanya, pero nawala rin agad yun at ngumiti ako sa kanya.

"You're a good person with a good heart Camille...Sorry ulit. Ang gago ko kasi!" hindi ko masyadong narinig yung huling sinabi niya dahil pabulong niya lang kung sabihin yun.

The Birth Mark: (FC Series #1)[COMPLETED]✔️ UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon