Haysst!! Nalang talaga Clementine.

"Antayin mo ako dyaan kukunin ko lang yung Cellphone ko ta-tawagan ko nalang si Keith" sambit ko.

"May number ka nya?" Takang tanong sakin ni Clementine.

"Ofcourse! He's my cousin,remember?" I said.

"Ah oo nga pala,sge kunin mo na" sabi nito sakin.

Agad naman akong umakyat para kunin ang cellphone ko.

Nang makuha ko na ay agad na akong bumaba para tawagan si Keith.

[RINGING]

Nag ring lang ng nag ring ang cellohone ni Keith.

Makalipas lang ang ilang segundo ay sinagot nya narin ito.

"Hello?" Antok nitong sambit.

"Hello Keith?" Sambit ko.

"Yes,cous?" Maantok antok nitong tanong.

"Nasaan kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Nandito sa kwarto,bakit?" Oo nga naman nasa kwarto sya.

"What do I mean is,saang kwarto ka naroroon?" Mahinahon kong sambit.

"Bakit nga? May kailangan ka ba?" Sambit nito.

Ang kulit naman sinabing nasaan,ayaw pang sagutin eh.

"Oo mag papasama sana kami ni Clementine, sayo pupunta kasi kaming palengke kaso di namin alam kung saan." Dire-diretso kong sambit.

"Inaantok pa ako eh" sambit nito.

"Haysstt!! Cous ngayon lang! Mag lu-luto kasi kami ng ulam,yung favorite mo ayaw mo ba non?" Tanong ko dito.

"Ha? Ngayon na ba? Sge bababa na ako" tila nabuhayan ata ito ng sabihin ko na mag luluto kami ng favorite nya.

Nag antay lang kami ng ilang minuto at maya-maya lang ay nakarinig kani ng yapak nula sa hagdan.

Inaasahan naming si Keith yun ngunit pagbaba nya ay agad na nagsalubong ang mga mata namin.

Si Tristan😒

Di ko nalang sya pinansin at nag patuloy sa pag aantay kay Keith.

Maya-maya lang ay nakarinig na kaming muli ng yapak at inaasahan naming si Keith na iyon.

"Oh Trist,gising ka na pala!" Sambit nito.

"Tara na cous!" Aya ko dito.

"Teka lang di pa ako nakakapag kape" sambit nito.

"Mamaya ka na mag kape, mamalengke na muna tayo" sambit ko sabay hila dito palabas.

Nang makalabas na kami ay agad kaming dumiretso sa sasakyan ni Keith.

"Oh ano bang lulutuin nyong ulam?" Tanong nito.

"Ano pa ba? Edi yung paborito mo, Ginataang hipon,right?" Nakangiti kong sambit dito.

"Yum!" Sambit nito sabay tawa.

Freak nakalimutan ko wallet ko. Sa sobrang pag mamadali ay di ko na namalayan wala pala akong bitbit na wallet,cellphone lang.

"Ahm,Clem,dala mo ba wallet mo?" Pabulong kong tanong kay Clementine.

Nag kapa-kapa muna ito sa bulsa nya at ng maramdamang wala syang makapa ay agad na nanlaki ang mata nya.

"Sis,naiwan ko" sambit nito.

"Wag kang mag alala parehas lang tayo" sambit ko sabay tawa.

"Ahm,cous dala mo ba wallet mo?" Tanong ko kay Keith.

"Oo naman,bakit?" Nang malamang dala nya ang wallet nya ay nakahinga na ako ng maluwag.

"Ah kasi kami naiwan namin wallet namin eh" sambit ko na nakapag pasimangot sa kanya.

"Fine! ako na mag aabono basta next day pera nyo na ang ipambili ng ulam." Sambit nito.

"Oo ngayon lang,naiwan kasi namin eh" sambit ko dito.

Nag dire-diretso lang sya at ng marating na namin ang palengke ay agad kaming bumaba para bumili ng kailangan para sa ginataang hipon.

"Ano ba to basa yung daan! Maputik" reklamo ni Clementine.

"Bilisan mo nalang mag lakad wag ka ng magreklamo." Sambit ko dito.

Nang mabili na namin ang lahat ng kailangan para sa ginataang hipon ay agad na kaming umuwi dahil makulimlim na at baka maabutan pa kami ng ulan.

Makalipas ang ilang minuto nang pag bya-byahe ay nakauwi narin kami.

Agad na naming pinasok ang mga pagkain para simulan ng lutuin.

Nag hugas lang kami ng aming mga paa dahil puro talsik ng putik sa daan.

Sinimulan na naming lutuin ang paborito ni Keith,at makalipas lang ang ilang minuto ay naluto na ito.

Ginising narin namin ang iba naming mga kasama para makakain na kami ng sabay-sabay.

Nang makababa na silang lahat ay nag simula na kaming mag salo-salo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thank you for reading this!

Hope you like it!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!

GOD BLESS US ALL AND KEEP SAFE♡

ವಿದಾಯ💝

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Donde viven las historias. Descúbrelo ahora