Naputol ang pag iisip ko ng biglang pumalakpak si Clementine sa harapan ng mukha ko.

"Ah huh? Ano?" Na gu-guluhan kong sambit dito.

"Sabi ko pasama nalang tayo kanila Keith" sambit nito sakin.

"Ah o-oo,sige" sambit ko sabay aya sa kanya pumunta sa kwarto kung nasaan sila Keith.

"Girl,dito ata sila" sambit ko sabay bukas ng pinto.

"Bakit ang dilim?" Sambit ni Clementine.

Di namin alam kung ano ang nasa loob pero nag babakasakali kami na sila Keith ang nasa loob.

Nang makita namin kung ano ang nasa loob ay agad kaming nanlumo ng malamang wala sila Keith sa loob.

Ano ba yan bababa nanaman kami!

"Tara,Clem! Baba na tayo. Wag na tayong maki alam dito baka magalit yung may ari." Aya ko kay Clementine na bumaba na.

"Teka lang! Tingnan mo to oh! ang cute!" Sambit ni Clementine habang hawak hawak ang isang mabigat at maliit na toy car.

"Nako ibalik mo yan! Hindi yan satin!" Pag papasunod ko sa kanya.

"Wait! Kung wala si Keith dito pati si Tristan...edi...kaninong kwarto to?" Nanlalaking matang sambit ni Clementine.

"Anong ginagawa nyo dito?" Malamig na sambit ng isang pamilyar na tao na ikinagulat namin ni Clementine.

Agad na nabitawan ni Clementine ang mabigat na toy car.

Tristan's POV

Kasalukuyan akong nag titimpla ng kape ng may marinig akong nag bukas na pinto.

Kilalang kilala ko ang tunog na iyon at alam ko kung saan nang gagaling yun.

Agad akong umakyat at pumunta sa kwarto ng pinaka mahalagang tao sakin.

Di nga ako nag kakamali may tao nga sa loob.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa dalawang babae na nasa loob ng kwarto ni papa.

"Ah kasi Trist---" di nya nabuo ang sasabihin nya ng sumbatan ko sya.

"Nangingialam pa kayo ng gamit na hindi sa inyo" sumbat ko.

Nang makita kong nalag lag ang isang toy car ni papa ay agad ko itong dinampot.

"Ganito kas--" sa pangalawang pag kakataon ay hindi nya muling naituloy ang sasabihin nya ng mag salita akong muli.

"Alam nyo bang mamahalin ito? Tignan nyo natanggal nyo pa yung gulong" Muli kong sumbat dito.

"Babayaran nalang namin yan, halika na Clementine!" Mabilis nitong sambit sabay alis.

"Hindi ito napapantayan ng kahit mag kanong halaga" pahabol ko pa dito. Sa tingin ko ay hindi na nila narinig yun pero sinabi ko parin ng sa ganon malaman nila.

Ang toy car na yun ay regalo sakin ni Papa dati. Nilagay ko lang sya sa kwarto ni Papa ng sa ganon ay wala munang makapag paalala sakin ng mga masasakit na bagay.

Nathalie's POV

"Sinabi ko naman kasi sayo na wag mo nang pakialaman eh! Yan tuloy nakasira ka pa" sermon ko kay Clementine.

"Hindi ko naman sinasadya eh" sambit nito.

"Haysstt! Nako! Mabuti pa mamaya nalang natin pag usapan to,bayaran mo yung nasira mo ha!" Pag papaalala ko kay Clementine na bayaran nya mamaya ang nasira nyang gamit.

"So saan nga natin hahanapin sila Keith?" Tanong ko dito.

"Di ko din alam eh,tsaka baka iba nanaman mapasukan natin" sambit nito.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Where stories live. Discover now