Chapter 67 "Attempted Kidnap"

Magsimula sa umpisa
                                    

Naglakad ako papunta sa kaniya.

Nang marating namin ang canteen ay nando'n na sina Rev, Kean, Lance, at Clench.

Kumain lang kami nang tahimik pero malungkot ako dahil wala si Flair.

"Baby, you should eat many. How could you get energy?" napangiti ako nang makita si Flair.

"Akala ko ba nasa bahay ka no'ng--" ayaw kong banggitin ang pangalan ng babaeng 'yon.

"Marie? Oo, kaso pumunta muna ako dito para sabayan ka kumain babalik din ako do'n" nakangiti niyang sabi.

Tiningnan ko siya. Gano'n ba siya kapagod at ang laki na ng eyebags niya at halatang mahina ang katawan. Sinapo ko ang noo niya wala naman siyang sakit. Pogi pa rin naman siya!

"Don't mind me. I'm just tired" humalik siya sa pisngi ko.

"Anong gusto mong kainin?" tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Ikaw"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mahinang hinampas siya.

"Woooh! Jave ano 'yan? Huh?" pangaasar ni Rev.

Nagkamot ng ulo si Flair at pinaupo ako.

"I mean, ikaw kung ano ang gusto mong kainin ko pero ako na ang bibili"

"Ahhhhhhhh" mahabang 'ah' na sabi ni Rev at tumango-tango pa. "Linawin mo kasi"

Sinamaan lang siya ng tingin ni Flair kaya nagtawanan ang lahat.

Ang dumi kasi ng isip!

Tumayo siya pero pinaupo ko lang din siya. Gusto ko siyang pag-silbihan dahil halata sa mukha niya ang pagod at puyat.

Umorder ako at bumalik din sa table namin.

"Ikaw ang kumain ng marami" nakangiti kong sabi.

"Sanggol na sanggol si Jave. Waaah!" pangaasar ni Rev pero nginitian lang siya ni Flair.

Pinag-masdan ko ang hitsura ni Kean, 'di nalalayo sa hitsura ni Flair. Duguan na siguro ang sem na ito.

Third year na kami at isang taon nalang ay ga-graduate na kaya siguro pare-parehas kaming pagod.

"Kean, okay na ba 'yong sainyo? Kumusta ang 500 items na test construction?" tanong ni Flair kay Kean.

500 items? Gano'n marami?

"Hindi pa okay" malungkot na sabi ni Kean. "Ang daming na-eliminate, may maling grammar, may pangit na pag-kagawa at marami pang issues. Mahihirapan pa tayo 'pag dating sa statistics"

Tumango lang si Flair. Kawawa naman sila.

Kami rin ngayon ay sobrang daming ginagawa. Kaliwa't kanan ang experiment, reports, exams at ang pag-gawa ng slides sa histology. Kailangan malinis, walang bubbles, maingat dahil kung hindi minus ka nang minus hanggang walang matirang grade saiyo. Mahirap pero kinakaya.

"Baby, kumain ka na" sabi ni Flair nang mapansing nakatitig lang ako sa kaniya.

Bumuntong hininga muna ako bago ibinalik ang atensyon sa pagkain.

"Sa bahay niyo ako matutulog ng Friday night pero pag-kaumaga ay ihatid mo ako sa mansyon" nakangiti kong sabi.

Kuminang ang mga mata ni Flair. Gusto kong mag-pahinga. Sa tuwing kasama ko siya nararamdaman ko ang relaxation parang walang iniisip kaya napag-desisyunan ko 'yon. Weekdays kasi ay nasa bahay ako ng Suarez, umuuwi lang ako sa mansyon tuwing week ends.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon